LOGINKabanata 2
"Enna, nasabihan ka na ba ni Sister Grace tungkol doon sa bisita bukas? Sana makalaro natin siya 'no?" kausap sa akin ni Aurora nang naghahanda na kami sa pagtulog.
"Yes," maikli ko lang na tugon sa kanya.
Ngumiti lang siya at nagsimula ng mahiga.
Humiga na lang ako para magpahinga na. Hindi ko rin alam kung anong itutugon ko kay Aurora. Hindi naman ako pala laro kaya hindi ko rin alam paano ba ang maramdaman kung may bagong bisita bukas.
Nagpikit na ako para makatulog na.
...
"Gising na mga bata, oras na para maligo at kumain. May mga bisita tayong darating ngayong araw, kaya magligpit na kayo ng higaan." pampukaw na anunsyo sa amin ni sister Tanya habang dala-dala ang kaniyang maliit na kuliling.
Nag-uunahan na rin kaming umahon sa higaan at nagligpit na.
"Enna super excited na talaga ako makilala ang bisita. Sana mabait 'no?" ani sa 'kin na kukusot-kusot pa sa kanyang mata.
"Akala ko ba allergic ka sa ingles? Bakit alam mo ang super excited na word?" 'di mapigilang tanong ko kay Aur.
Nagkamot siya ng ulo. "Hindi ko talaga alam kung tahimik ka o makakalimutin lang. Syempre sa 'yo ko nalaman 'yan? Alangan naman sa iba rito? Ikaw lang naman may kakayahang makapagsalita ng ingles." aniya na patuloy pa rin sa pagtutupi ng kanyang higaan.
"Okay." maikli kong tugon.
Pati ako'y hindi ko rin malaman kung sadyang mahiyain, tahimik o tamad lang ba akong makipag-usap, kaya ako ganito sa kanila.
Masaya na kasi ako na nanonood lang sa kanila, masaya rin ako kapag nakatingin tuwing hapon sa papalubog na araw.
"Siya nga pala Enna, ano bang balak mong gawin diyan sa isinusulat mong mga pang-isahang saknong tuwing hapon? May pinaglalaanan ka ba niyan?" usisa ni Aur sa akin.
"It's mine, kapag nakompleto ko na ang buong tula. Babasahin ko 'yon, para may alaala man lang ako sa mga araw na naisusulat ko ang bawat saknong nito." hindi ko namalayang naging madaldal ako ngayon. Baka siguro dahil lang 'to sa topic namin.
"Hmm, Enna. May balak ka pa bang hanapin ang mga magulang mo?" wala sa akin ang kanyang mga mata, pero ramdam ko na naghihintay siya sa maaaring maging sagot ko.
"Ewan," tanging naisagot ko.
"Bakit ewan?" dagdag tanong niya.
Hindi ko na lang siya sinagot, mas pinili kong talikuran siya.
Hindi na rin ako kinulit pa ni Aurora. Kilala na nila ako rito, hindi pala salita, at minsanan lang makipag-usap.
Ilang oras pa ang lumipas matapos kaming naligo at kumain, ay nandito na kaming lahat ngayon sa palaruan ng bahay-ampunan. Kasalukuyang naghihintay sa mga panauhing darating ngayong araw. Pinagawa kami kanina ng isang malaking papel gawa sa pinagtagpi-tagping mga bondpaper. At sinulatan ito ng "Maligayang Pagbisita sa St. Therese Orphanage".
Nasa gitna ako ngayon nina Isaiah at Ringo habang si Aurora naman ay na sa unahan namin, bali kaming tatlo ay na sa likod lang ni Aurora.
"Sana mabait ang anak ng bisita na 'tin 'no?" ani Isaiah kay Ringo.
"Kaya nga e, at sana lalaki. Para mas lalong ayos na ayos." nakikinig lang ako sa kanilang usapan. Habang nakikisabat na rin si Aurora kaya napakalikot na nila ngayon sa tabi ko. Kahit na hindi ako kumikibo pero natutuwa ako sa mga kulitan nila.
Lalo na ngayon na sumampa si Aurora sa likod ni Ringo. Talagang si Ringo ang palagi niyang kinukulit dahil napakalambot ng katawan niya dahil sa mga baby fats. Samantala itong si Isaiah ay seryoso at napakapikonin, kaya maingat si Aurorang nakikipag-usap dito dahil sa minsan ay nababara siya ng kababata.
"Ang likot mo talaga Aurora, bakit hindi ka gumaya rito kay Enna na tahimik, ganito ka sana para maging maayos ang pakikitungo ko sa 'yo." usal niya para kay Aurora. Napansin kong nagsisimula na naman silang magkapikonan. Kaya ako na ang umawat sa kanila.
"Behave guys, mukhang may paparating na sasakyan. Ang mga bisita na siguro iyon." pag-agaw ko sa kanilang atensyon.
Kung hindi pa dumating ang mga bisita ay baka nagkasagupaan na sina Aurora at Isaiah ng titigan. Kung palagi silang ganito baka iisipin kong may isa sa kanilang mahuhulog.
Iniling-iling ko ang aking ulo dahil sa mga naiisip kong hindi ko dapat na isipin dahil bata pa nga kami.
"Baka siguro dahil lang 'to na may lahing bughaw ang magulang ko kaya ganito." kausap ko naman sa sarili ko.
...
"Mga bata, salubungin ninyo sina Mr. and Mrs. Rillo. Sila ang mga bagong salta rito sa lugar natin na gustong tumulong sa atin dito sa orphanage. Pasalamatan ninyo sila mga bata." anunsyo sa amin ni Sister Grace.
"Magandang umaga at maraming salamat po sa pagbisita." we all said in chorus.
Napuno ng palakpakan ang buong ampunan. Nakikinita ko naman ang kasiyahan sa mukha nitong mga bisita. Naagaw naman nina Aurora, Ringo at Isaiah ang atensyon ko.
"May nakikita ba kayong bata sa loob ng sasakyan?" tumingkayad pa si Aurora para lamang makita ang loob ng sasakyan. Hindi kami gaanong malapit sa sasakyan pero makikita naman sa banda rito kung sino ang na sa loob.
"Wala naman akong nakikita e," bahagyang pumiyok si Isaiah nang magsalita kaya nakutya na naman siya ni Aurora.
"Binata ka na pala Aiah." paunang kutya niya sa kababata.
"Kapag ako napuno sa 'yo Aur. Humanda ka sa 'kin." pananakot pa niya kay Aurora.
Hindi na kami nakapakinig sa mga usap-usapan dahil sa sarili naming usapan. Nang may biglang lumabas sa sasakyan ng mga bisita.
Hindi nakatingin sina Aurora at Isaiah dahil sa kanilang iringan, habang si Ringo naman ay patagong kumakain. Kaya pasimple na rin akong umalis sa pwesto ko at hindi ko alam kung bakit ako nakasunod papunta sa kung saan patungo ang lalaking lumabas.
Napansin kong patungo rin pala sa malawak na bakuran papunta ang lalaki. Sa kung saan ako palaging naglalagi tuwing hapon.
Ang lalaki kung aking lalapitan ay baka hanggang balikat lang ang taas ko sa kanya. Hindi ko nakita ang mukha niya kaya hanggang likuran at postura lamang ang kaya kong isalarawan. Katamtaman lamang ang haba ng kanyang buhok na maitim na maitim.
Ang kanyang suot ay isang fitted white t-shirt lang na saktong nakalapat sa kanyang katawan. Ang pang-ibabang kasuotan naman ay isang simpleng cargo short na kulay itim. Nakaputing sneakers lang din ang lalaki sa kanyang suot pampaa.
Namalayan ko na lang ang sariling nakatayo malapit sa kanya at nakatanaw lang sa kanyang likuran.
"Sino ka?" ako na mismo ang nagtanong sa kanya. Kahit na hindi ko ugaling magtanong.
Marahan naman niya akong tinignan. "Ha?"
Nagsimula naman akong umupo sa damuhan na lagi kong pwesto sa tuwing tatambay ako rito.
"Ikaw ba ang anak ni Mr. and Mrs. Rillo?" wala sa kaniya ang mata ko.
"Yes, why?" naupo na rin siya sa damuhan pero hindi naman gaanong malapit sa gawi ko.
"Akala kasi namin kanina, na 'yong anak ng bisita ay kaedad lang namin." nagbuntong-hining ako. "Pero 'di pala." dagdag ko na bahagyang nalungkot para sa kasamahan ko rito sa ampunan.
"That's why you're here---with me?" aniya.
Nilingon ko siya. "I am here because it's my resting place. And I'm not allowing strangers here." balik-sagot ko sa kanya.
Nagulat siya dahil sa naging sagot ko.
"Did I heard it right? You answered me in English?" hindi makapaniwalang tugon niya sa akin.
"Yes, is there something wrong with that?" hindi ako nagpaawat sa kanya.
Napansin ko ang pagkislap ng kanyang mata na parang namamangha sa akin. Habang iniling-iling ang ulo t'saka ngingiti-ngiti pa.
Tumayo naman kaagad siya. Bigla niyang inilahad ang kamay niya sa akin.
"Tara na, baka hinahanap na tayo sa ampunan." he is smiling while reaching his hand to me.
Tinitigan ko muna ang kamay niya at saka binaling ang mata sa mukha niya. Kinuha ko na lang ito bilang respeto. He is older than me, mga limang taon siguro. I'm not sure, pero ayon sa mga kilos niya ay hindi na nga siya iyong tipo na nakikipaglaro pa.
Nang makatayo na ako ay kaagad kong binitawan ang kamay niya. Nagpasya akong mauna sa paglalakad. Ramdam ko naman ang bawat pag-apak niya sa likod ko, kaya nang may sinabi siya ay rinig na rinig ko ito.
"I think I'll get back here in the orphanage because...of you." natigilan ako dahil hindi ko gaanong narinig ang huling salita.
"Ha?" hinarap ko siya para linawin ang sinasabi niya.
"Nothing, ah...by the way, I'm Brekkson Rillo. You?" sabay lahad niya ulit sa kamay niya sa harap ko.
"Drenna, Pink Drenna Santiago." kaagad niyang kinuha ang kamay ko nang hindi ko kinuha ang kamay niya.
He smiled. "Nice meeting you...Renna." aniya habang nakangiti pa rin.
May kung ano akong naramdaman sa loob ko, pero baka dahil lang siguro sa unang beses akong nakaranas na may nagpakilala ng pormal na hindi ko kasamahan dito sa bahay ampunan.
June 9, 20**
- If life is so blue, then select another color from the rainbow.
Kabanata 2"Enna, nasabihan ka na ba ni Sister Grace tungkol doon sa bisita bukas? Sana makalaro natin siya 'no?" kausap sa akin ni Aurora nang naghahanda na kami sa pagtulog."Yes," maikli ko lang na tugon sa kanya.
Kabanata 1 -Ten years ago...
Special SceneI feel something strange today, parang may pumipiga sa utak ko. Sobra-sobra ang sakit na iniinda ko, mukhang ito na yata ang nakukuha ko sa labis na pag-inom nitong mga serbesa. Pero sabi kasi nila hindi naman daw ito nakakasama, pero anong nangyayari sa akin ngayon? Bakit ang sakit?
SynopsisAn orphanage with hundreds of children. I am one of them, I'm not ashamed of being an orphan girl, because being with them is the most memorable moments in my life. Pero sa dinami-rami ng mga kasamahan ko sa ampunan, may iisang bata na lagi kong kalaro sa bawat pagbisita nito sa ampunan;St. Therese Orphanagemanaged by Sister Annie.