แชร์

Kabanata 1

ผู้เขียน: xStannumx
last update วันที่เผยแพร่: 2020-10-18 19:14:47

Pagkakamali

Binabalot ang aking isipan ng iba't ibang tanong. Sumasakit na rin ito dahilan sa marami akong iniisip. Pagkalito ang namamayani ngayon sa akin. 

Tama ba na pinili kong maikasal sa isang lalaking wala akong kasiguraduhan kung ano ang naging kaugnayan sa aking nakaraan? Paano kung sobrang babaw lang ng rason noong mga panahon na iyon kung bakit nais kong makausap ang ginang tungkol sa anak nito?

Dahilan sa daming tanong na umaakopa sa aking utak hindi ko namalayan na narating na namin ang bahay ni Mrs. Del Vienna. Pinili ng ginang na isama siya sa bahay nito at doon maghapunan.

"Okey ka lang ba?" mataman na tanong ng ginang. Makikita sa mga mata nito ang pag-aalala.

"Okey lang po ako medyo sumasakit lang po ang ulo ko." sagot ko dito habang bumababa sa sinakyan namin.

Tama nga ang hinala ko hindi lang bahay ang maaaring ideskripsyon sa sinasabing bahay ni Mrs. Del Viena kundi isang mansyon. Kulang ang salitang maganda sa bahay nito dahil ito ay nagsusumigaw sa sobrang ganda at elegante. Halata dito na magaling ang pumili ng pagkakadisenyo.

"Don't think too much, I've already talked your doctor, Doc Avila and he told me that you should not forced yourself to remember your memories." nag-aalala paring saad nito.

Tanging tango na lamang ang naisagot ko rito at nagpatuloy na sa pagpasok sa mansyon. 

"Stella, can you wait me here? Pupuntahan ko lang ang ibang kawaksi sa kusina upang magpaluto ng dinner natin."

Nahihiya akong tumango at pinanatili ang aking katahimikan. Naiwan akong mag-isa sa may salas ng kanilang bahay.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong mansyon. Wala bang mag-iingay dito? Where are the other people? Her son?

Natigil lamang ang aking pagmamasid ng may tumabi sa akin. Is he the one who'll be my husband? Why is he look like a teenager? Or maybe he's just small?

Ngunit ang sabi ni Maam Madie nag-iisa niyang anak ang lalaking tinutukoy niyang son. Then maybe anak to ng katulong? But, his style wouldn't suit as a maid's son. Magara ang suot nito may dala itong ipad na tinambalan ng headphone in his nape. I'm sure hindi ito isang anak ng katulong lang. But, is he my fiance?

"What are you staring at?" 

Napapitlag ako sa bigla nitong pagtatanong. Oo nga naman ano ang itinitingin ko. Iniiwas ko ang aking paningin, instead hinayaan kong maglibot ang aking mga mata sa pagtingin sa kabuuan ng bahay.

"Why are you here?"

Muli kong ibinalik ang paningin sa kanya. Ang masungit na mukha nito ang natagpuan ng aking mata.

' If he's the one who'll become my husband, magandang simula ito right? Good relationship starts with a good communication ika- nga ng marami.

Lumunok muna ako ng laway na bumabara sa lalamunan ko bago ako magiliw na sumagot sa kaniya.

"I'm here because I - I will be your fiancee." I said that with a sweet smile.

Babaan ka sana ng mabuting espirito ng sa gayon ay mawala ang kasungitan mo' hiling ng aking isipan. Ngumiti ako ng mas malawak sa kaniya ng makita ko ang pagkunot ng noo nito.

Ang manipis na labi nito ay nag-isang linya kasabay ng pagtaas ng kaniyang isang kilay. He's like an angel. Kung hindi ko lang alam na nag iisang anak ang tinutukoy na 'Son ng ginang ay iisipin kong nakababatang kapatid ito nito na may malaking age gap.

Napawi ang malaking ngiti ko ng bigla na lamang itong humagalpak ng tawa. Ang kaniyang kamay ay nakalagay pa sa kaniyang tiyan na parang sumasakit ito sa pagtawa.

"Anong itinatawa mo?" naiinis kong sigaw habang pinapalo ko ito sa braso.

Bakit ang payat nya? Wala ba syang muscle kagaya nong mga napapanuod ko? Ang physical niyang pangangatawan talaga ay parang pang bata babago palang na magbibinatilyo.

"Ahh! Shit. Stop that! Stop that!" nagrereklamo nitong sigaw sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagpalo sa kanya at huminto lamang ako ng may marinig akong mababa at baritonong boses na nagsalita sa taas kung saan yata nagmula kanina ang lalaking pinapalo ko ngayon.

"What's happening here?" 

Nang lingunin ko ang lalaking nagsalita sa likuran ko ay siyang pagbilis ng kabog ng puso ko. It's throbbing like in a minute I will have a heart attack. 

"Kuya she said that she'll be my fiancee. Then pinagpapalo nya ako. She's crazy. Where is tita ba? "

What? No!

"Sino ka? Pano ka nakapasok sa bahay namin?" mababang tanong nito. 

Ang mga kilay nitong may kakapalan ay sumunod sa pagkakakunot ng noo nito. Nagtungo sa mata ko ang paningin niya na ngayon ay parang sinusukat ang buo kong pagkatao gamit lamang ang kaniyang paningin. Nakakatakot ang mga mata niyang tumingin sa akin na animo ay may galit siya sa kaniyang kaharap.Nakakakaba ang kaniyang presensya iyon agad ang pumasok sa aking isipan.

Paano pa kapag lumapit na ito sa akin baka mahimatay na ako sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Ahm."

His eyebrow arched and he tilted his head while waiting for me to answer his question.

Pilit akong ngumiti habang nag-iisip ng tamang isagot sa kanya.

"What is this mama, bakit nandito itong babaeng ito?"

Napabuntong hininga na lamang ako ng sa wakas ay lumabas sa kusina ang ginang para ipaliwanag ang nangyayari. Tanging pagtungo na lamang ang aking nagawa dahil mas naramdaman ko ang pagkapahiya ko ng mismong ang binatilyo ang nagtanong sa ginang.

"Tita who is she? Pinagpapalo niya ako matapos niyang sabihing magiging fiancee ko daw sya. Nababaliw na ba to?" 

Mas lalo kong hiniling na sana ay bumuka ang lupa at kainin na lamang ako dahil sa kahihiyan nang ang ginang mismo ay natawa sa pagkukuwento ng binata.

"Oh my gosh. That's really funny. Ginawa nya yun? Inakala ka nyang ikaw ang fiancee nya?" sabi ng ginang at muling humagalpak ng tawa.

Natatawa paring tumango ang pamangkin nito.

"Stella, this is my son Shawnty Nyckl" pagpapakilala niya sa anak niya.

"Ma, bakit ba siya nandito? Don't tell me she's the one who'll be my fiancee?" Iritado nitong tanong.

"Alam mo?" 

Napaangat ang tingin ko sa kanya na may pagtataka na nakarehistro sa aking mukha. Pagtataka dahil alam niyang magkakaroon siya ng fiancee. And it's like that it was just normal for his mother to choose someone to be his fiancee.

"Yes son, she is Carla Stella Lacdao and she will be your fiancee son, hindi mo ba sya naaalala?"

Agad na namutawi ang pagtataka sa kaniyang mukha. Ang tingin niyang nakatuon sa ina ay ibinaling nito sa akin at parang inaalala kung kilala nga ba ako. Ngunit gayon na lamang ang pagbabago ng ekspresyon nito. He looked at me like he was looking to the most disgusting person na nakilala nya.

"Hindi! At hindi ko rin siya kilala." mabilis na tugon agad nito.

Hindi nya ako kilala? Paanong nangyaring hindi niya ako kilala gayong parang galit siya ng makita niya ako rito. Ano ang sasabihin ko dapat sa ina nito kung natuloy ang pakikipag usap ko dito?

Napuno ng katanungan ang aking isipan. 

"Ano? Pumayag ka? Ano ba naman yan Stella. Pano kung sabi mo nga mababaw lang ang dahilan. Nag-iisip ka ba Stella? Tapos ano, itinatanggi ka niya bilang kakilala nya? " naiiritang sabi ni Talia

"Ewan ko, hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang gusto kong maalala lahat. At kung may alam nga sya at itinatanggi nya lang baka naman magbago pa yun pag ikinasal na kami. Alam mo yun, I need to take a risk for this." pagod ko na ring saad.

"So ano yun, ikakasal nga kayo tapos ano magsasama, magbabahay-bahayan. Pano kung manyak pala yun. Kahit pa guwapo yun kung masama naman ang ugali, wala rin yun. Ekis satin yun. Wait, gwapo ba?" puno ng kuryusidad ang kaniyang tanong. Waring nang aasar ang kaniyang tono sa kung ano ba talaga ang hitsura ng ikinukwento ko sa kaniya.

"Ahm, " muli akong nagpakawala ng buntong hininga bago tumango upang ipahayag ang aking sagot. 

Isang tili ang pinakawalan nito. Animo'y isa siyang teenager na niligawan ng matagal na niyang crush.

" shett guwapo? " she asked while giggling.

"Ahm. He has that pair of thick and well-shape eyebrows." sagot ko sa kanya habang tila nag-paflashback sa utak ko ang hitsura niya. 

"His eyes was cold na kapag tumitig sayo, it's like katapusan mo na. And his jawline was perfect that-" natigil ang pagdedescribe ko sa kanya ng tumili ito.

"Really? my gosh! Gapangin mo agad sa first night nyo palang para sayong sayo na. Gosh! Hindi mo agad sinabi na gwapo. Kahit na medyo may pagkamanyak pakisamahan mo agad." kinikilig pa rin nitong sinabi sa akin.

Ngunit gayon na lamang ang aking kaba ng magsink- in sa utak ko ang sinabi nitong first night. Dapat bang may maganap na honeymoon kahit na hindi naman sila dapat ikasal? 

Handa na ba ako para sa bagay na iyon? Will I be ready for that thing?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Ruined by the Truth   Kabanata 9

    Anong Itinatago?"Mommy, mommy miyk"Ang mga kamay nito ay humahaplos sa aking mukha habang patuloy ito sa paggising sa akin. Pasado alas singko pa lamang ngunit gising na agad ito.Doon ko lamang napansin na wala na sa higaan nito si Nyckl. Maybe he's jogging outside.Iniabot ko kay Carljey ang gatas nito bago muli itong pinatulog. Araw-araw mula ng dumating ito rito ay humihingi ito ng gatas pagsapit ng madaling araw.Balak ko pa sanang mahiga muli ng marinig ko ang maikling tunog ng aking cellphone na nakapatong sa side table."Hello Travis?"Nakakapagtakang maaga itong napatawag sa akin."Nareceived mo ga ang text ko?"Isang batangueñong tanong niya sa akin. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kapag ako ang kausap nito ay nagiging Ala-eh accent parin ang gamit niya. Mas maiintindihan ko naman kung gagamit siya ng sawit na lenggwahe at maging manilenyo ang tunog nito."Hindi eh?Bakit ga?&

  • Ruined by the Truth   Kabanata 8

    Magulo ka"Carljey let's sleep" tawag ko kay Carljey na ngayon ay nanunuod na naman ng paborito niyang spongebob."Mommy miyk?"Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa akin. Ang mga mata nito ay namumungay na sanhi ng pagka-antok."What baby?" Ulit ko rito dahil hindi ko nakuha kung ano ang sinabi nito sanhi ng kanyang pagkabulol. Nakakasanayan man ay nahihirapan parin ako minsan na intindihin ang nais nitong sabihin dahil sa papalit-palit ng mga letrang gamit niya.Gaya na lamang ng 'L napapalitan ito ng 'Y. Ang 'G nito ay nagiging 'J. At marami pang ibang letra napinapalitan nito base sa kaya niyang banggitin."Jatat mommy. Miyk"Napatawa ako rito ng makuha kung ano ang hinihingi niya.Gatas lang pala'Lumapit ako sa may table malapit sa aming kama kung saan naroon ang lagayan ng gatas nito. Sa edad niyang dalawa ay nagdedede pa ito sa bote, ngunit hindi gaya ng sanggol ay madalang na ito humingi ng gatas.

  • Ruined by the Truth   Kabanata 7

    HappinessMasayang tawanan ang sumalabong sa akin pagkababa ko sa kotse ni Talia. I just came home from my check-up."Bye Talia. ingat ka sa pagdrive." I said while waving my hand.Sa gate pa lamang ay rinig ko na ang masayang pagtawa at pangungulit ni Carljey sa ama nito."Daddy , wat ditch" Makulit na sabi ng anak habang itinuturo ang isang parte ng kotse nito na may kaunting putik.Si Nyckl naman ay bagsak ang balikat na sinunod ang sinasabi ng anak. Nang mapunasan niya ito lumipat sa ibang parte si Carljey at nagpahid ng putik bago muling itinawag sa ama."Daddy Etcho pa" saad nito bago humalakhak ng tawa.Dumaan ako sa gilid ng pinaghuhugasan ng kotse ni Nyckl at nagwave kay Carljey na nakatingin sa akin. Napatigil pa ako hindi pagpansin nito sa akin. Ipinagpatuloy lamang niya ang ginagawa sa ama nito.What did I do? Bakit ang sungit ng batang ito?Batid kong sadyang masungit ang ama nito ngu

  • Ruined by the Truth   Kabanata 6

    Man in the Bar"Mommy echpanchbab echpanchbab." tuwang tuwang saad ni Carljey.Nanunuod ito ng spongebob habang ako naman ay patuloy sa pagtitiklop ng mga damit niya. Hapon na kaya wala na masyado akong ginagawa."Yes baby spongebob. Are you enjoy watching spongebob?" Tanong ko rito ng lumipat ako sa tabi nito para guluhin ang kanyang buhok.He faced me while pouting his lips. He always do that everytime I am messing his hair. Ipinagpatuloy ko ang paggulo sa buhok bago kinurot ang kanyang matabang pisnge."You're very cute kiddo"Yumakap ito sa akin at naglambing, bagay na lagi niyang ginagawa mula ng makilala nya ako."I yab you mommy" nakayakap na saad nito."Love you too baby."Lumuwag ang yakap ko rito ng tumunog ang aking cellphone sanhi ng pagtawag ni Talia."oh?""Tara bar tayo?" mayabang na tugon nito bagay na hindi nya kinaugalian.Talia is the type a women who

  • Ruined by the Truth   Kabanata 5

    PepperI started to clean our house just to kill my boredom. I cleaned our bedroom first and clean the next room beside it. It was also clean just like our room. Books and some toys are piled neatly on a shelf. I wonder if the person who owns this room was a child. Or maybe it was just his collections.Pababa na sana ako ng matamaan ng aking paningin ang isang kwarto sa tapat ng kwarto namin. The site of the room was good. It's not like the standpoint of our room was not good but there's something on that location or maybe the room itself. I really wonder kung ano ang nasa loob ng kwartong iyon. Hindi ko namalayan na narating ko na iyon at pinipihit ng aking kanang kamay ang doorknob nito.locked.Why it is locked?Naudlot ako sa pag iisip ng maaaring nilalaman ng kwartong iyon ng may marinig akong masiglang tinig ng isang batang lalaki."Grandma whey ish my mama? I thought she's hey?" bibong saad nito.I

  • Ruined by the Truth   Kabanata 4

    BoyfriendNagsipagunahan sa pagluha ang aking mga mata. Patuloy parin ako sa pagmamakaawa sa lalaki nakasuot ng puting tshirt na ngayon ay nag-aamba ng umalis.I kneeled on the ground while crying, begging him not to leave me broken."Please babe kung gusto mo bibigyan kita ng space basta don't leave me. Don't you see I'm crying. I thought you don't want me crying. please. Oh sige hahayaan kita na umalis just please tayo parin. please tell me you still love me right."Nagmamakaawa ko paring saad dito. I hold his hand though he want me to let him go."Sorry. I can't and- and I don't love you anymore. Maybe we should grow on a separate ways." inalis nito ang mga kamay kong pilit na hinahawakan ang kamay niya. Hindi man lamang nito nagawang humarap saakin habang sinasabi ang katagang iyon."Don't leave.. please.. Don't leave me"Agad na nawala ang bulto nito sa aking harapan.Napamulat ako ng ak

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status