Mag-log in1890. Panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang kanilang lugar ay nahahati sa tatlong linya, ang linya na para sa mga Espanyol, linya para sa mga Indio at ang linya na para sa mga immortal na kung tawagin nila ay mga bampira. Sinasamba ng halos karamihan ang mga bampira mas mataas ang kanilang posisyon noong panahon ng espanyol. Kristala Fulgencio o mas kilalang Tala ay pumasok sa isang Unibersidad na ekslusibo lamang para sa mga babae para sa isang misyon. Yun ay ang makapasok sa palasyo ng mga bampira at makilala ang batang pinuno nito na si Nicolas. Nag-umpisa ang kwento nong inutusan ng isang maestro si Kristala na iabot ang mga papel sa itaas na palapag ng Unibersidad. Doon niya unang nakilala si Nicolas ang sinasabing pinakabatang pinuno ng mga bampira. Namatay ang ama nito sa kamay ng mga indio at siya agad ang pinalit. Dahil kung walang pinuno ang mga bampira ang kanilang lahi ay manghihina. Nag-umpisa sa salitang “Binabati kita, ginalit mo ako” at si Kristala ay nagging isang sirviente de sangre. Isang Blood servant. Tagapagbigay ng dugo sa mga bampira dahil hindi sila mabubuhay ng matagal kung tanging dugo lamang ng mga hayop ang kanilang iinumin. Sa pagpasok ni Kristala sa palacio de vampiro ay marami siyang natuklasan tungkol sa mga bampira. Kumakain pala ito na parang isang tao. May mga bata at pamilya. Nasusugatan din at nanghihina at higit sa lahat marunong din pala silang umibig. Ayon sa mga babaylan at mangbabasa ng kapalaran si Tala ang rason ng panghihina ni Nicolas. Ayon din sa isang matanda, iibig si Kristala sa isang bampira ngunit hindi sa panahong ito uusbong ang kanilang pag-iibigan.
view more.dosmilveinte. .Ciudadde manila."Ha?! ganon lang yun?!" pasigaw na tanong ng isang dalaga sa dalawa niyang kaibigan sa loob ng bus na isang school service papunta sa Museum na kanilang bibisitahin ngayong araw.
Anong ingay ito? napakaraming sumisigaw at ang... init.. napakainit..Nararamdaman ko ang pagtulo ng aking pawis dahil sa napakalas ng init na aking nararamdaman. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nasaan na kami? bakit nasusunog ang kapaligiran? Magsasalita pa lamang ako nong napagtanto kong nakatali ang aking leeg at ang aking mga kamay. Ano ang nangyari?"Magagaling ang mga bampira mag iingat kayo!" napatingin ako sa sumigaw si Alab. Tatakbo na sana ako nong may nakahawak. sa tali. Agad akong napaupo at napahawak sa aking leeg
Akala ko ay hindi ako makakalabas ng buhay sa gubat na iyon, pero nakakapagtaka, dahil nandoon na sila tiya hinihintay ako. Pero mabuti nalang din. Agad nila akong binalik sa aming tribu. Ilang araw na ang nakakalipas simula noon. Gawa sa mga kawayan ang lahat ng makikita na kubo dito. Simula nong nawala sila ina at ama ay dito na ako lumaki."Kahit anong sabihin mo Tala...tuloy pa din ang plano." sabi ni tiya habang naglilinis ng mga espada at mga baril na nakaw nila mula sa mga espanyol. Hindi ko alam kung bakit ako umaatras ngayon