Share

Dalawa

Author: hanahisui
last update publish date: 2020-08-25 22:14:10
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Stay for a while    Sampu

    "Hey!" tawag ko kay Gabe ngunit hindi niya ako nilingon; patuloy lang siya sa paglalakad.Malalaki ang hakbang niya kung kaya lakad-takbo ang ginawa ko upang maabutan siya. Nang maabutan ay hinigit ko siya sa braso."Hey!"Seryoso ang mukha niya nang lumingon sa akin."Did you just left me?" tanong ko.Mataman niya akong tinitigan."Yep. Why? Hindi naman tayo friends 'di ba?"Agad na nawala ang pagkunot ng noo ko. Kasunod niyo'y lumarawan ang ngiti sa aking labi na unti-unting napunta sa pagtawa."Really? I didn't know you were this petty.""Ano naman kung petty?"Tumikhim ako at inalis ang ngiti sa labi ko. "Look, I'm really sorry for I've said that night. I didn't mean any of that.""Hindi ba talaga?""Yeah, I'm really sorry. Can you forgive me?" tanong ko bago ngumiti n

  • Stay for a while    Siyam

    Isang linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari ang orientation party at simula na rin ng bumabahang assignments at requirements sa school.Kinagat ko ang hawak kong burger bago bumuntong-hininga.Ang dami ko pang dapat gawin."Alam mo bang masamang bumuntong-hininga habang kumakain?"Malungkot akong tumingin kay Arya."Hindi ko na alam anong uunahin kong gawin."Maging siya ay mabilis na lumungkot ang expression matapos marinig ang sinabi ko."Huwag mo nang ipaalala, please? Hindi ko na rin alam anong gagawin ko."Sabay kaming bumuntong-hininga.Buong araw ay naging abala ako sa pagtatapos ng mga gawain. Nang dumating ang alas-tres ay nakahinga ako nang maluwag. Dalawang requirements na lang ang dapat kong gawin at sa isang linggo pa naman ang pasa niyon."Kain tayo?" yaya ni Arya.

  • Stay for a while    Walo

    Nagising ako sa loob ng isang kuwarto at ang nag-aalalang mukha ni Arya ang sumalubong sa akin. Mukhang tapos na siyang magswimming dahil bago na ang suot niyang damit. Nakita ko ang isa pang pigura sa aking peripheral view. Nang tingnan ko ito ay nakita ko si Gabe na nakasandal sa pader at nakapamulsa habang seryosong nakatingin sa akin.Marahan akong bumangon bago inilibot ang tingin sa paligid. Nasa resort pa rin ako base sa ingay na nagmumula sa labas."Okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" tanong ni Arya.Umiling ako. "Anong nangyari?"Umingos si Arya. "Nahimatay ka dahil sa kalasingan. Sa susunod huwag uminom ng marami ha?"Tumingin ako kay Gabe. Itinaas niya ang kan'yang dalawang kilay."Ah, oo. Naparami kasi ang inom ko. Sorry ha, nag-alala ka pa."Umaliwalas ang mukha niya. "Wala 'yun, ang mahalaga okay ka na.""Anong oras na?"

  • Stay for a while    Pito

    Medyo masakit ang katawan ko nang magising ako kinabukasan ngunit pinilit kong bumangon. Napaungol ako nang makitang alas dose na ng tanghali. Wala akong pasok ngayong araw ngunit may orientation party mamayang gabi kung kaya kailangan ko nang maglaba ngayon para wala na akong iisipin bukas.Humihikab pa ako habang iniisa-isa ang aking maruruming damit. Matapos ilagay ang mga iyon sa washing machine ay nagsimula na akong maghanda ng tanghalian.Nagsalang ako ng bigas sa rice cooker at habang naluluto iyon ay kumuha ako ng manok sa mini ref. Matapos kuhain ang hita ng manok ay ibinalik ko na iyon sa freezer. Tinimplahan ko ang hita at idineep fry iyon. Nagluto rin ako ng ginisang repolyo na kasya lang para sa isang tao.Nang maluto ang kanin ay tahimik akong kumain habang nanunuod ng videos sa cellphone ko.Pagkatapos kumain ay hinango ko ang mga damit sa washing machine at inilagay iyon sa dryer. Nang baha

  • Stay for a while    Anim

    Tiningnan ko ang relo sa harapan. Twenty minutes na lang at tapos na ang klase ko sa araw na iyon. Sinapo ko ang aking ulo, medyo masakit iyon dahil sa pag-inom ko kagabi."Okay ka lang?" tanong ni Arya.Tumango ako. "Medyo masakit lang ang ulo ko. Uminom ako kagabi e."Tumaas ang kilay niya. "Aba! At hindi mo man lang ako niyaya?"Tumawa ako. "Biglaan kasi 'yun, hindi ko akalain na mapaparami ang inom ko."Umingos siya. "Sinong kasama mo?"Napangiti ako nang maalala si Gabe.Tumaas ang kaliwang kilay niya at tiningnan ako habang nanliliit ang mga mata."Iba ang ngiti mo a, may boyfriend ka ba?"Mabilis akong umiling. "Isa sa mga senior natin ang kasama ko. Aksidente lang kaming nagkita kahapon e wala akong kasama kaya niyaya ko."Bumuntong-hininga siya. "Mabuti ka pa may kakilala na sa mga senior natin. S

  • Stay for a while    Lima

    "Yes, ihaw-ihaw!"Excited kong nilapitan ang isang stall na nagtitinda ng iba't ibang klase ng ihaw-- isaw, ulo, adidas, betamax, barbecue, balat, longganisa, at marami pang iba.Kumuha ako ng dalawang isaw at isang balat at tuwang-tuwang pinanuod ang pagluluto rito. Nang maluto iyon ay agad ko iyong nilantakan. Ilang saglit pa'y nakain ko na ang dalawang isaw at akmang isusubo ko na ang balat nang maalala ko ang kasama ko.Napatigil ako sa pagkain at lumingon sa paligid upang hanapin siya. Nakita ko siya sa gilid-- nakatingin sa akin habang tila natatawa sa akin.Apologetic akong ngumiti."Hala, sorry! Ngayon na lang kasi ako ulit nakapunta rito. Nakalimutan kong kasama nga pala kita." Inubos ko na ang natitirang ihaw. "Gusto mo ba?"Umiling siya."Tara dun sa may Jamaican Jerk Chicken, masarap dun!" yaya ko bago hinigit ang manggas ng damit niya. Napilit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status