LOGINSinubukan ni Shai Cosejo na takasan ang kan'yang nakaraan at isa lang ang naisip niyang solusyon.... ang tumalon sa Kalilayan Bridge. Ngunit bago pa man lumapat ang kan'yang katawan sa malalim at malamig na tubig sa ilalim, ang mga bisig ng isang estranghero ang sumalo sa kan'ya. Paano mababago ng estrangherong ito ang kan'yang buhay? At ano ang nakaraan na gusto niyang takasan?
View More"Hey!" tawag ko kay Gabe ngunit hindi niya ako nilingon; patuloy lang siya sa paglalakad.Malalaki ang hakbang niya kung kaya lakad-takbo ang ginawa ko upang maabutan siya. Nang maabutan ay hinigit ko siya sa braso."Hey!"Seryoso ang mukha niya nang lumingon sa akin."Did you just left me?" tanong ko.Mataman niya akong tinitigan."Yep. Why? Hindi naman tayo friends 'di ba?"Agad na nawala ang pagkunot ng noo ko. Kasunod niyo'y lumarawan ang ngiti sa aking labi na unti-unting napunta sa pagtawa."Really? I didn't know you were this petty.""Ano naman kung petty?"Tumikhim ako at inalis ang ngiti sa labi ko. "Look, I'm really sorry for I've said that night. I didn't mean any of that.""Hindi ba talaga?""Yeah, I'm really sorry. Can you forgive me?" tanong ko bago ngumiti n
Isang linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari ang orientation party at simula na rin ng bumabahang assignments at requirements sa school.Kinagat ko ang hawak kong burger bago bumuntong-hininga.Ang dami ko pang dapat gawin."Alam mo bang masamang bumuntong-hininga habang kumakain?"Malungkot akong tumingin kay Arya."Hindi ko na alam anong uunahin kong gawin."Maging siya ay mabilis na lumungkot ang expression matapos marinig ang sinabi ko."Huwag mo nang ipaalala, please? Hindi ko na rin alam anong gagawin ko."Sabay kaming bumuntong-hininga.Buong araw ay naging abala ako sa pagtatapos ng mga gawain. Nang dumating ang alas-tres ay nakahinga ako nang maluwag. Dalawang requirements na lang ang dapat kong gawin at sa isang linggo pa naman ang pasa niyon."Kain tayo?" yaya ni Arya.
Nagising ako sa loob ng isang kuwarto at ang nag-aalalang mukha ni Arya ang sumalubong sa akin. Mukhang tapos na siyang magswimming dahil bago na ang suot niyang damit. Nakita ko ang isa pang pigura sa aking peripheral view. Nang tingnan ko ito ay nakita ko si Gabe na nakasandal sa pader at nakapamulsa habang seryosong nakatingin sa akin.Marahan akong bumangon bago inilibot ang tingin sa paligid. Nasa resort pa rin ako base sa ingay na nagmumula sa labas."Okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" tanong ni Arya.Umiling ako. "Anong nangyari?"Umingos si Arya. "Nahimatay ka dahil sa kalasingan. Sa susunod huwag uminom ng marami ha?"Tumingin ako kay Gabe. Itinaas niya ang kan'yang dalawang kilay."Ah, oo. Naparami kasi ang inom ko. Sorry ha, nag-alala ka pa."Umaliwalas ang mukha niya. "Wala 'yun, ang mahalaga okay ka na.""Anong oras na?"
Medyo masakit ang katawan ko nang magising ako kinabukasan ngunit pinilit kong bumangon. Napaungol ako nang makitang alas dose na ng tanghali. Wala akong pasok ngayong araw ngunit may orientation party mamayang gabi kung kaya kailangan ko nang maglaba ngayon para wala na akong iisipin bukas.Humihikab pa ako habang iniisa-isa ang aking maruruming damit. Matapos ilagay ang mga iyon sa washing machine ay nagsimula na akong maghanda ng tanghalian.Nagsalang ako ng bigas sa rice cooker at habang naluluto iyon ay kumuha ako ng manok sa mini ref. Matapos kuhain ang hita ng manok ay ibinalik ko na iyon sa freezer. Tinimplahan ko ang hita at idineep fry iyon. Nagluto rin ako ng ginisang repolyo na kasya lang para sa isang tao.Nang maluto ang kanin ay tahimik akong kumain habang nanunuod ng videos sa cellphone ko.Pagkatapos kumain ay hinango ko ang mga damit sa washing machine at inilagay iyon sa dryer. Nang baha