"Yes, ihaw-ihaw!"Excited kong nilapitan ang isang stall na nagtitinda ng iba't ibang klase ng ihaw-- isaw, ulo, adidas, betamax, barbecue, balat, longganisa, at marami pang iba.Kumuha ako ng dalawang isaw at isang balat at tuwang-tuwang pinanuod ang pagluluto rito. Nang maluto iyon ay agad ko iyong nilantakan. Ilang saglit pa'y nakain ko na ang dalawang isaw at akmang isusubo ko na ang balat nang maalala ko ang kasama ko.Napatigil ako sa pagkain at lumingon sa paligid upang hanapin siya. Nakita ko siya sa gilid-- nakatingin sa akin habang tila natatawa sa akin.Apologetic akong ngumiti."Hala, sorry! Ngayon na lang kasi ako ulit nakapunta rito. Nakalimutan kong kasama nga pala kita." Inubos ko na ang natitirang ihaw. "Gusto mo ba?"Umiling siya."Tara dun sa may Jamaican Jerk Chicken, masarap dun!" yaya ko bago hinigit ang manggas ng damit niya. Napilit
Huling Na-update : 2020-08-25 Magbasa pa