LOGINKabanata 2
Secretly rich, but she doesn't know it.Matapos nilang mag-agahan ay magkahawak-kamay nilang tinungo ang hardin, upang madiligan ang mga halaman na naroon. Malawak ang hardin at maraming mga bulaklak roon, pero ang pinaka-nagustuhan niya ay ang bulaklak ng sampaguita.
"Frio, alam mo ba kung ano ang paborito kong bulaklak?" anya kay Frio na abala sa pag-puputol ng mga natuyot na rosas. Tumigil ito at lumingon sa kaniya, panandaliang nanahimik. Hindi pa rin umiimik ang binata, sa kaniyang palagay hindi nito nahulaan ang paborito niyang bulaklak. Huminga siya ng malalim at saka pinakawalan iyon ng magaan. Kinuha niya ang pinaka-mayabong sibol ng sampaguita at inabot kay Frio. Nagtaka naman ang binata ng malamang iyon ang paborito niya. "Oo, iyan nga ang paborito ko!" mahinang sambit ni Airacia kay Frio. "Pang-altar naman ito! Bakit naman ito? May cornelia, mayroon din dahlia, may tulips, may roses, maraming mas makukulay. Bakit sampaguita ang pinili mo, amoy altar at simbahan iyan?" walang modong turan ni Frio. "Dahil itong sampaguita ang bumuhay samin ni inay! Dito kami nakita kapag araw ng simba, ito ang nagpapakain sa amin— buhat ng mawala na si itay." tila mababasag na ang kaniyang tinig nang sambitin niya ang silbi ng sampaguita sa buhay niya. "Kung wala lang sakit ang nanay, hindi naman talaga ko mananatili dito saiyo," mahinang sambit niya. "Ano 'yon?" sambit ni Frio, pero umiling-iling lamang siya at hindi sinabi ang totoo. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagdidilig, habang si Frio ay nililinis ang mga pinutol na lantang halaman. Kung hindi lang siguro siya napagbubuhatan nito ng kamay, hindi niya iisiping bihag siya ng isang Frio Ribosome. Hindi naman ito ganoon kalupit noong nag-aaral pa sila, ni hindi na siya nakapag-patuloy ng pag-aaral ng kolehiyo, dahil sobra itong seloso. Nagagalit ito kapag may mga lalakeng aali-aligid sa kaniya, kung kaya't hanggang sekondarya lamang ang kaniyang natapos. "Frio, ayaw mo bang maging architect ako?" wala sa hulog na nasambit ni Airacia kay Frio. "Bakit mo naman naitanong? Akala ko ba tapos na tayo diyan sa aral-aral mo na iyan?" sambit ni Frio, tila umangat nanaman ang alta-presyon nito dahil sa kaniyang sinambit. "Kalimutan mo nalang," sambit niya. Sinarado na niya ang gripo kapagkuwan ay iniligpit ang hose at pumasok na sa loob. Nagtungo siya sa kusina, uminom ng tubig at kinalma ang sarili. Ayaw niyang mabasag ng tuluyan ang kaniyang tinig, batid niyang nahimigan ng binata ang kalungkutan sa kaniyang tinig. Kapag edukasyon ang pinag-uusapan nagiging emosyonal talaga siya, at hindi mapigilan ang panghihinayang. Ilang taon siyang nahinto, nagka-trabaho na sana siya o hindi naman kaya ay nagma-masteral. Pero hindi niya lubos maunawaan, kung bakit tila ayaw ng binata na tumbasan din niya ng salapi ang naging utang niya dito. "Gusto ko talagang makaalis na dito, para magkasama na kami ni mama! Pero hindi ko rin magawa dahil seloso si Frio, ayaw niya kong magbalik-eskwela. Gusto niya palagi nalang akong nakaburo sa napaka-laking mansiyon na ito, gusto niya hawak niya lang ako sa leeg!" tuluyan nang nag-unahan na maglandas ang kaniyang mga luha na kanina pa niya pinipigilang bumagsak. Tuluyan nang binalot nang kalungkutan ang kaniyang puso.--End of the chapter--
Kabanata 4The man who stabbed her.Pinagmamasdan lamang ni Airacia ang canvass na ginawa ni Frio sa laptop nito, hindi niya maiwasang hindi mapahanga sa talento ng binata. Sinubukan niyang magbukas ng panibagong tab, para gayahin ang ginawa ni Frio. "Lalalala— ang dali lang pala nito, napaka-galing mo talaga self!" bilib na bilib na sambit ni Airacia sa kaniyang sarili, nakarinig siya ng papalapit na yabag. Kinikilig-kilig pa siya habang hinihintay ang hudyat ng kaniyang pagtayo, para yakapin ang binata at maramdaman nito ang lihim niyang pag-ibig dito, kahit palihim lamang iyon at hindi naghihintay ng kapalit. "Frio, tapos ko na ang arts na ginagawa ko!" sambit niya sabay tayo at tila gumuhit ang kidlat mula sa langit, yakap-yakap niya ang lalakeng inakala niyang si Frio. "S-sino ka
Kabanata 3School 2020-2021 Dahil sa pandemic hindi rin nakapag-enroll si Airacia, kung kaya't online nila ginawa ang pag-register. Mabilis lang dahil na din sa tulong ng kaibigan ni Frio na si Britain, ilang siya dito dahil hindi man lang siya makatanggi kapag ito ang humihingi ng pabor kay Frio. Ito rin kasi ang nagiging kakampi niya sa tuwing sinusumpong si Frio ng topak nito, at malimit siyang tulungan nito sa tuwing nais niyang bisitahin ang kaniyang ina. "Mabilis lang pala kapag online, pero mabilis lang kaya kapag online ang klase? Hindi pa naman ako sanay kapag via phone ang usapan! Alam mo na may phobia ko sa pagsagot ng telephone, sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko kung paano pinatay si papa!" pagsasalaysay niya sa naging sitwasyon noon ng kanilang pamilya. "Mahirap para sa akin kalimutan la
Kabanata 2Secretly rich, but she doesn't know it. Matapos nilang mag-agahan ay magkahawak-kamay nilang tinungo ang hardin, upang madiligan ang mga halaman na naroon. Malawak ang hardin at maraming mga bulaklak roon, pero ang pinaka-nagustuhan niya ay ang bulaklak ng sampaguita. "Frio, alam mo ba kung ano ang paborito kong bulaklak?" anya kay Frio na abala sa pag-puputol ng mga natuyot na rosas. Tumigil ito at lumingon sa kaniya, panandaliang nanahimik. Hindi pa rin umiimik ang binata, sa kaniyang palagay hindi nito nahulaan ang paborito niyang bulaklak. Huminga siya ng malalim at saka pinakawalan iyon ng magaan. Kinuha niya ang pinaka-mayabong sibol ng sampaguita at inabot kay Frio. Nagtaka naman ang binata ng malamang iyon ang paborito niya. "Oo, iyan nga ang paborito ko!" mahinang
Kabanata 1Stripper Humahangos siya ng pumasok sa loob ng kwarto, hinahabol nanaman siya ni Frio... Tatlong taon na mula nang kunin s'ya nito sa kaniyang nanay. Nahablot ng binata ang kaniyang bestidang suot, napunit iyon dahilan upang mahubuan siya. "Lagi ka nalang ganiyan, Airacia! Ayoko nang tinatakbuhan ako!" galit na turan ng binata sa kaniya. Pumasok ang kaibigan nitong si Britain, nanghilakbot nanaman siya. Nilapitan siya ng binatang si Britain at umupo ito sa gilid ng kama kung saan siya inihiga ni Frio. Pinaghiwalay ni Frio ang kaniyang binti, dahilan upang masilayan nito ang kaniyang rosas na mamula-mula. "Tama na," sambit niya sa binata, subalit hindi papatinag ang isang Frio sa salitang 'Tama na!' Halos hindi na makadilat pa si Airacia dahil sa pag-dampi ng mainit n