LOGIN
Naglalakad ako sa tulay na pamilyar sa akin then I saw someone walking across the bridge. Malungkot siyang tumingin sa akin. Sinubukan kong habulin siya kaso huli na. Masyadong madilim kaya agad siyang naglaho ang estranghero sa paningin ko. Tumalon ba siya?"May tao ba riyan?" sigaw ko. Hindi ako komportable sa paligid ko. Palagay ko ay may mali. Natatakot ako kaya nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Madilim pero sa tingin ko ay hindi pa gabi. Tumingin ako sa relo ko pero sira ito na ipinagtaka ko. Never akong nagsuot ng sirang relo.Umupo ako sa bench dito sa parke na nakita ko pagkalagpas ng tulay. May iilang bata ang naglalaro dito. Masaya silang naghahabulan habang nakaschool uniform pa.May isang bata pa ang nadapa at tinulungan ng batang lalake. Nakatayo naman malapit sa poste ang driver ng school bus nila na nakangiting pinapanood sila."Anong oras na kaya?"Kailangan ko na sigurong umuwi. Kaso saan ba