Chapter: Chapter 4Oks Lang ako by Jroa"Hi, Nyx."Matagal kong ninamnam ang mga salita niya. Pinroseso ko ng maigi kung tama nga ba ang pagkakarinig ko. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi sakit. Gusto ko siyang pagbabatuhin ng masasakit na salita. Gusto kong sumabog at pagmumurahin siya dahil hindi niya ako ipinaglaban. Hindi siya lumaban. Hinayaan niyang masira kami. Hinayaan niya na mauwi sa wala ang lahat.Pinabayaan niya ako. Oo, kailangan pero hindi naman siguro dapat humantong sa ganito e. Dapat pinilit niyang kayanin kahit sobrang hirap na.Bakit iyong pagmamahal ba namin sa isa't isa ng ilang taon naming pinanghahawakan ay di kasing tibay ng inaakala niya para hindi namin kayanin ang lahat ng hirap? Sobrang kitid ko ba talaga?Sana hinarap namin pareho. Pwede naman eh. Tapos ito lang ang maririnig ko sa kanya? Pagkatapos ko
Last Updated: 2020-07-27
Chapter: Chapter 3Hindi ko alam na humaba pala ang naging tulog ko. Nagising na lang ako na papalubog na ang araw. Nagbawi siguro ang katawan ko sa pagod nitong mga nakaraang araw. Inayos ko na rin ang susuotin ko para bukas. May iilang texts rin akong natanggap galing kina mommy at sa kambal.Loko talaga itong si Kojin at ginawa pa akong manager. Kaya pala kung makangiti. Isa pa itong si Suijin, ang sabi niya sa akin kahapon e kaibigan daw niya ang mag-i-interview sa akin. Tapos ngayon 'HAHAHAHA' lang ang nireply niya. Magkapatid talaga! Parehas may mga sapak sa utak.Puro paalala naman ang laman ng text na galing kay mommy. Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay nagpasya akong magluto ng magiging hapunan ko. Isang buwan na ako dito sa Manila, sa bago kong apartment.Pagkatapos kong lumuwas ay nagsimula na akong maghanap ng panibagong
Last Updated: 2020-07-27
Chapter: Chapter 2"Happy anniversary baby!" Naririnig ko ang mga tilian ng mga nakapaligid sa amin. Ang mga classmates namin na todo ang suporta sa aming dalawa."Aether n-nakakahiya naman 'to." Lumapit siya sa akin habang hawak niya ang banner na may nakasulat na "I LOVE YOU BABY!" Lah kainis haha."Ayos lang 'yan baby! Tignan mo sila oh, masaya sila sa atin." Sabay halik niya sa aking noo. Mas lalong lumikha ng ingay ang paghalik niya sa akin. Sobrang saya ko dahil ang pinakagwapong lalaki dito sa university ay boyfriend ko.Isang taon na simula ng i-bully niya ako. Hindi ko alam na mahuhulog pala kaming parehas sa isa't isa.Simula ng maging kami, halos walang araw na hindi kami nagkikita. Madalas ay pumupunta siya sa bahay at ganoon din ako. Wala iyong problema sa parents namin dahil kahit kailan hindi kami nagpabaya sa pag-aaral namin."Tita nagpapla
Last Updated: 2020-07-27
Chapter: Chapter 1"Sir please, give me another chance! Traffic po talaga sa Edsa eh." Halos nalukot na ang folder na dala-dala ko na naglalaman ng resume ko na pinaghirapan ko pang i-edit kagabi."I'm sorry miss.. May I know your name again?" Nakakunot ang noong tanong ng manager na kaharap ko."Nyx po sir. Nyx Delgado." Kinakabahan akong umupo.Ramdam ko rin ang pagtitig sa akin ng ilang mga aplikante sa pagdating ko. Tusukin ko mga mata ninyo eh. Mind your own business."Ah yes Nyx. Ikaw pala ang ni-refer ni Mr. Serafin. Tinawagan ka kahapon diba?" Tumango ako at inabot sa kanya ang resume ko. Kinuha naman niya ito at saglit na tinignan. "Nasabi naman siguro ng sekretarya ko sa'yo na alas-otso ng umaga ay nandito kana. Miss, hindi ako tumatanggap ng late." Seryoso niyang sabi sabay sulyap sa wrist watch niya. "It's already eight forty five and that means you're late." Napapakuyakoy na la
Last Updated: 2020-07-27
Chapter: PrologueMaingat kong hinawi ang kumot na nakabalot sa aming dalawa. Mahimbing na natutulog ang pinakahuling lalakeng mamahalin ko sa buong buhay ko. Inayos ko ulit ang gamit ko na siya mismo ang naghanda at ibinalik sa bag kong kanina pa naghihintay saakin.Ito na iyon..Itinupi ko ang kapiraso ng papel na sinulatan ko at ipinatong sa tabi ng relo niya. Lumapit ako sa kanya sa huling pagkakataon para pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Ang mukhang siguradong hinding-hindi ko makakalimutan.Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanya habang bumubuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang mga kamay ko at madali kong itinakip sa aking bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay.Nababasag ang boses ko habang binabanggit ko ng mahina ang mga salitang gustong gusto ko na maririnig niya araw-araw sa tuwing gigising siya sa umaga.
Last Updated: 2020-07-27