LOGIN
Oks Lang ako by Jroa
"Hi, Nyx."
Matagal kong ninamnam ang mga salita niya. Pinroseso ko ng maigi kung tama nga ba ang pagkakarinig ko. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi sakit. Gusto ko siyang pagbabatuhin ng masasakit na salita. Gusto kong sumabog at pagmumurahin siya dahil hindi niya ako ipinaglaban. Hindi siya lumaban. Hinayaan niyang masira kami. Hinayaan niya na mauwi sa wala ang lahat.
Pinabayaan niya ako. Oo, kailangan pero hindi naman siguro dapat humantong sa ganito e. Dapat pinilit niyang kayanin kahit sobrang hirap na.
Bakit iyong pagmamahal ba namin sa isa't isa ng ilang taon naming pinanghahawakan ay di kasing tibay ng inaakala niya para hindi namin kayanin ang lahat ng hirap? Sobrang kitid ko ba talaga?
Sana hinarap namin pareho. Pwede naman eh. Tapos ito lang ang maririnig ko sa kanya? Pagkatapos kong magsakripisyo para sa gusto niya? Malalaman ko na magpapakasal siya kay Psyche at hindi sa akin? Kay Psyche talaga na bestfriend ko pa? Kagaguhan.
Dala na yata ng alak kaya kulang na lang ay mamamatay siya sa titig ko. Nakakatawa lang isipin na ang puso niyang ilang taon kong pag-aari sa iba lang din pala mapupunta.
Ngayon ko gustong ibuhos ang lahat ng sakit na ginawa niya sa akin. Nakita ko na naman ang mukha niyang ilang taon kong minahal at iniyakan. Akala ko ba napapawala ng alak ang lahat ng sakit? Bakit hindi makisama ang puso ko kahit ngayon lang? Kahit maging manhid lang sana kahit saglit lang.
Alam kong malakas na ang tama sa akin ng alak kaya sa halip na makapag-isip pa ako ng maayos para baguhin ang reaksyon ko ay agad akong tumayo. Naramdaman ko ng bahagya ang pag-ikot ng paningin ko. Hindi pa ako lasing dahil malinaw pa sa akin ang itsura ni Aether.
Bago ko pa hindi mapigilan ang pamumuo ng luha ko ay nagpaalam ako na magbabanyo muna. Traydor 'tong mga luha ko at ayaw makisama.
Kung katabi ko lang siguro si Kojin ay alam kong hindi niya hahayaan na ganito ang gagawin ko. Mas gugustuhin niyang manatili ako sa kinauupuan ko para makita nilang lahat na okay ako. Na tangina okay ako.
Hi Nyx? Nagkakalokohan ba kami? Sa pagkakasabi niyang iyon at sa tono niya, parang hindi niya ginusto iyong nangyaring pag-alis ko. Ang mukha niyang iyon na parang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya? Nagpapatawa ba siya! Ang huli kong natatandaan, siya pa ang nag-impake ng gamit ko. Nagulat na lang siguro siya dahil wala na ako sa tabi niya nang magising siya. Gusto niya kasiy siya mismo ang maghahatid sa akin sa terminal. Sobrang tanga ko na lang kung hahayaan ko pa iyon.
Sa halip na dumiretso at pumunta ng restroom, kumanan ako at pumwesto dito sa mini stage. Walang nakakakita sa akin. Walang may alam na narito ako. Kagaya noon, Matagal bago nila nalaman kung nasaan ako. Di ko kayang harapin sina mommy at daddy at kahit na sino sa kanila. Isa akong malaking kahihiyan sa pamilya. Puro puso lang ang pinairal ko. Ang gaga ko, Kung bakit ko ginawang mundo ko si Aether.
Wala sa sarili akong nagtipa ng numero na kakantahin ko. Paano ko ba ilalabas ang lahat ng sakit. Akala ko ubos na ang mga luha ko. Akala ko wala iyong sakit. Bakit puro akala na lang ngayon samantalang ilang taon na, ilang taon nang okay ako ng wala siya. Ilang taon ko ng tanggap na mas mabuti sa aming dalawa na hindi kami magkasama.
Ngayon ay unti-unting bumabalik ang lahat. Parang sariwa pa sa akin na tila kahapon lang nangyari kaya tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko. I hate you Aether, I hate you.
▶️Oks Lang by Jroa
"Nyx, mag-usap tayo." Seryosong sabi niya na nakapagpatigil sa akin.
Humarap ako sa kanya na tila alam ko na ang sasabihin niya. Ngumiti ako ng mapait at dahan- dahang bumalik sa pagkakaupo. Nakatingin ako sa pinggan ko at sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang tumulo ang luha ko.
"Shit. Umiiyak ka ba?" Ramdam ko ang pagka- stress sa boses ni Aether. Agad kong pinahid ang mga luha ko sa aking pisngi. Ginulo naman niya ang buhok niya sabay hampas sa lamesa.
"Sorry." But I can't. Hindi ko kayang pahintuin ang mga luha ko.
"Bakit ka nagso-sorry? Fuck!" Hinarap ko siya nang bigla siyang tumayo. Saka ko lamang natitigan ulit ang mukha niya. Nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya. Hindi na rin siya makapag shave ng bigote. Sobrang dami ng gumugulo sa isip niya. Bakit pakiramdam ko, isa na ako oon.
"Nyx, alam mo siguro dapat sinunod natin sina mommy at tita eh." Pilit na mahinahon niyang sabi habang paikot-ikot na naglalakad.
"Aether, umupo ka muna. Mag-usap tayo ng maayos. Pag-usapan natin itong problema. Kumalma ka muna. Alam kong nahihirapan ka ngayon sa sitwasyon mo.." Tumigil siya sa paglakad at hinarap ako.
"Paano ako kakalma kung Diyos na lang ang nakakaalam kung kailan mamawala si mommy? Tangina! Wala na kaming pera." Nagulat ako sa sinabi niya. Buong akala ko ay medyo okay pa si tita kahit na alam kong hindi sobrang buti ang kalagayan niya ngayon, hindi ko lang inaasahan na ganito na pala kalala ang sitwasyon.
"Kay daddy Aether! Hihingi ako ng tulong kay daddy." Huli na ng maisip kong wala na rin nga pala kami. Bumagsak na ang negosyo namin.
"Are you out of your mind? Nasa krisis din ang negosyo ninyo Nyx! Dapat kasi.. fuck! Dapat itinuloy ko na ang matagal ng gusto ni mommy e! Sana itinuloy ko na lang ang pagdo-doktor ko. Edi sana, sana baka sakali may naitutulong ako ngayon." Alam na niya pala. Pero bakit puro pagsisisi ngayon ang lumalabas sa bibig niya? Ramdam ko ang panghihinayang niya pero sa halip na magsalita ako ay pinakinggan ko na lang siya.
"Nyx, kung hindi ka sana natali sa akin, matutupad mo sana ang mga pangarap mo, ganoon din ako." Nilingon ko siya ng may pagtataka.
"Kung sana, hindi lang tayo nagpadala sa damdamin natin. Kung sana ginawa nating inspirasyon ang bawat isa. Hindi iyong kaunting kibot selos, kaunting pagod, ayaw na. Edi sana hindi tayo ganito." Hindi na healthy sa isa't isa. Right. Iyong ang punto niya.
"Sana nagfocus tayo sa pangarap natin-" Pinutol ko siya. Hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niya.
"Nagsisisi ka ba Aether na minahal mo ako?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
"No, of course not! Ang akin lang, kung mahal kita at mahal mo ko, sana sinuportahan natin ang isa't isa. Masyado pa tayong bata na nagsama agad sa iisang bubong."
"Mahal naman natin Aether ang isa't isa diba? Ang alam ko lang noon, basta kasama kita masaya na ako."
"Iyon nga ang mali natin eh! Naging makasarili tayo. Hindi lang tayo ang tao sa mundo. Nagpakulong tayo sa paniniwala natin na mabubuhay tayo kahit wala sila." Bumibilis ang paghinga ko kasabay nito ang mga luha kong ayaw tumigil. Nananakit ang lalamunan ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Lalo na ng makita ko 'yong mga mata niya na parang puno ng pagsisisi, panghihinayang at galit.
"Anong mali sa pagmamahal Aether? Oo bata pa tayo, pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi tayo magma-matured at matututo! Ito na nga iyon eh, pagsubok 'to sa relasyon natin. Dito tayo sinusubok kung matatag tayo. Bakit parang hindi mo na kaya?" Tama pa ba ang mga sinasabi ko? Tama pa ba na tanungin ko pa siya?
Tumalikod siya sa akin at paulit-ulit niyang sinuntok ng malalakas ang pader. Alam kong napako na ako sa kinauupan ko sa ginawa niya pero nang humarap siya at makita ko ang kanyang mga mata na mapupula at may mga luha, Bigla ko na lamang siyang niyakap.
"Ano ka ba tama na yan! Masasaktan ka lang. S-sige huwag mo na akong sagutin. Alam kong dapat hindi ang relasyon natin ang pinag-uusapan natin dito." Madiin ko siyang niyakap. Ayaw ko ng ganito. Pakiramdam ko mawawala siya sa akin.
"Nyx, Hindi ko na alam kung dapat pa ba natin itong ituloy. Ang nasa isip ko ngayon kung paano na kami kapag wala na si mommy! Hindi ko kaya Nyx, hindi ko kaya!" Nagulat ako hindi dahil sa biglaan niyang paghagulgol. Kundi nang sabihin niya sa akin na hindi na niya alam kung dapat pa ba namin itong ituloy. Iba na itong nakikita ko ngayon sa kanya. Niyakap ko siya dahil alam kong sa ngayon ito lang ang magagawa ko. Nasasaktan ako pero mas nasasaktan siya. Sumisikip ang dibdib ko at hindi ko na rin napigilang sabayan siya sa pag-iyak niya.
"Gusto ni dad na pumunta akong Berlin. Gusto niyang isama ko doon si mommy." Berlin? Doon nagtatrabaho si tito. Marahil ay gusto nilang dalhin doon si tita at doon ipagamot.
"G-gaano kayo katagal doon? Hanggang sa gumaling si tita?" Pinunasan niya ang luha ko sa pisngi ko.
"We're going to stay there for good." Wala sa sarili akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.
"K-kailangan ba talaga na kasama ka?" Teka, paano naman ako?
"Listen, kailangan ako ni mommy at kailangan ko din siya." Ako Aether, paano ako? Paano tayo?
"Pero kailangan din kita.." Halos hindi ko na narinig ang huli kong sinabi. Naramdaman ko na lang na inangat niya ang mukha ko para makita niya ang mga mata ko.
"Mas kailngan ka nila rito Hindi pwede na isama kita. Look, kailangan ako ng family ko, kagaya mo. Alam mo ang sitwasyon natin ngayon. Nasa krisis ang business ninyo at nagkakaroon din ng problema ang mommy at daddy mo. Kailangan nating magsakripisyo ngayon." Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Palagay ko ay si mommy ang nagsabi sa kanya
"Pero Aether.." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Pinagbigyan tayo ng parents natin na makasama natin ang isa't isa sa iisang bubong. Sapat na iyon. Ngayon naman ay kailangan nila tayo. Naniniwala ako na kung tayo talaga, tayo talaga." Am I dreaming? This isn't happening.
"Makakaya mo ba na wala ako?" Hindi ako makapaniwala. Sa isang iglap lang ganito ang mangyayari sa amin. Hindi ba uso ang LDR? Umiwas siya ng tingin. Kita ko ang pagtiim-bagang niya.
"Wala tayong choice." May choice! There's always a choice. Palaging may option, palaging may solusyon! Why Aether? Bakit parang ayaw mong lumaban? Gustong gusto kong itanong sa kanya pero natatakot ako.
"Hindi ko kaya Aether. Sabay buhos ulit ng aking mga luha. "Please, huwag ganito. Baka mayroon namang ibang paraan pa." Nakayuko kong sabi habang patuloy sa pag-iyak.
"Hindi magwo-work ang long distance relationship sa atin Nyx. Alam ko iyan, at alam mo rin iyan. Kilala natin ang isa't isa. You need to be strong for your family."
"You don't love me anymore." Natutulala ako. Ang nauunawaan ko lang ngayon ay iiwan niya ako.
"Fuck no. Buksan mo naman ang isip mo. I'm not asking for your permission. Nagpapaalam ako dahil kailangan at karapatan ko. Kailangan nila ako parang awa mo na. Please understand!"
Alam kong kailangan niyang gawin 'to pero bakit siya nakikipaghiwalay? Hindi ko maintindihan! At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit natatahimik ako. Ayaw ko nang magsalita, ayaw ko nang makinig. Kailangan ko ng hangin. Hindi ako makahinga sa mga sinasabi niya. Feeling ko tuloy mali kung sasabihin kong kailangan ko siya dahil mahal ko siya.
"Nyx.. I'll help you pack your things.. I'm sorry. Bukas na uwi mo. Alam na rin ni tita." Napalingon ako sa kanya. Seriously? Pwede bang lumuha ng dugo para ma-shock at matigil itong taong 'to? Hindi nga niya masabi na mahal pa niya ako. Hindi ba niya nakikita kung gaano ako nasasaktan? Am i too selfish?
"Susunduin ka ng ninong mo. I'm sorry but we need to do this." Titig na titig siya sa akin. Hinarap ko siya at sinuklian ang titig niya. Takot. Takot ang nakikita ko sa kanya na tila mababaliw na siya kung bigla akong tatanggi sa sinasabi niya.
"Magsalita ka nam.."
"Fine. In one condition." Kumunot ang noo niya. Sa lahat ba ng iniluha mo, kasama pa ba ako? Bakit ganoon kadali sa'yo. Bakit mahal na mahal kita? Bakit ang sakit at ang hirap tanggapin? Bakit sa huling pagkakataon, magpapakatanga ako?
"Let's make love.. sa huling pagkakataon."
Oks Lang ako by Jroa"Hi, Nyx."Matagal kong ninamnam ang mga salita niya. Pinroseso ko ng maigi kung tama nga ba ang pagkakarinig ko. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi sakit. Gusto ko siyang pagbabatuhin ng masasakit na salita. Gusto kong sumabog at pagmumurahin siya dahil hindi niya ako ipinaglaban. Hindi siya lumaban. Hinayaan niyang masira kami. Hinayaan niya na mauwi sa wala ang lahat.Pinabayaan niya ako. Oo, kailangan pero hindi naman siguro dapat humantong sa ganito e. Dapat pinilit niyang kayanin kahit sobrang hirap na.Bakit iyong pagmamahal ba namin sa isa't isa ng ilang taon naming pinanghahawakan ay di kasing tibay ng inaakala niya para hindi namin kayanin ang lahat ng hirap? Sobrang kitid ko ba talaga?Sana hinarap namin pareho. Pwede naman eh. Tapos ito lang ang maririnig ko sa kanya? Pagkatapos ko
Hindi ko alam na humaba pala ang naging tulog ko. Nagising na lang ako na papalubog na ang araw. Nagbawi siguro ang katawan ko sa pagod nitong mga nakaraang araw. Inayos ko na rin ang susuotin ko para bukas. May iilang texts rin akong natanggap galing kina mommy at sa kambal.Loko talaga itong si Kojin at ginawa pa akong manager. Kaya pala kung makangiti. Isa pa itong si Suijin, ang sabi niya sa akin kahapon e kaibigan daw niya ang mag-i-interview sa akin. Tapos ngayon 'HAHAHAHA' lang ang nireply niya. Magkapatid talaga! Parehas may mga sapak sa utak.Puro paalala naman ang laman ng text na galing kay mommy. Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay nagpasya akong magluto ng magiging hapunan ko. Isang buwan na ako dito sa Manila, sa bago kong apartment.Pagkatapos kong lumuwas ay nagsimula na akong maghanap ng panibagong
"Happy anniversary baby!" Naririnig ko ang mga tilian ng mga nakapaligid sa amin. Ang mga classmates namin na todo ang suporta sa aming dalawa."Aether n-nakakahiya naman 'to." Lumapit siya sa akin habang hawak niya ang banner na may nakasulat na "I LOVE YOU BABY!" Lah kainis haha."Ayos lang 'yan baby! Tignan mo sila oh, masaya sila sa atin." Sabay halik niya sa aking noo. Mas lalong lumikha ng ingay ang paghalik niya sa akin. Sobrang saya ko dahil ang pinakagwapong lalaki dito sa university ay boyfriend ko.Isang taon na simula ng i-bully niya ako. Hindi ko alam na mahuhulog pala kaming parehas sa isa't isa.Simula ng maging kami, halos walang araw na hindi kami nagkikita. Madalas ay pumupunta siya sa bahay at ganoon din ako. Wala iyong problema sa parents namin dahil kahit kailan hindi kami nagpabaya sa pag-aaral namin."Tita nagpapla
"Sir please, give me another chance! Traffic po talaga sa Edsa eh." Halos nalukot na ang folder na dala-dala ko na naglalaman ng resume ko na pinaghirapan ko pang i-edit kagabi."I'm sorry miss.. May I know your name again?" Nakakunot ang noong tanong ng manager na kaharap ko."Nyx po sir. Nyx Delgado." Kinakabahan akong umupo.Ramdam ko rin ang pagtitig sa akin ng ilang mga aplikante sa pagdating ko. Tusukin ko mga mata ninyo eh. Mind your own business."Ah yes Nyx. Ikaw pala ang ni-refer ni Mr. Serafin. Tinawagan ka kahapon diba?" Tumango ako at inabot sa kanya ang resume ko. Kinuha naman niya ito at saglit na tinignan. "Nasabi naman siguro ng sekretarya ko sa'yo na alas-otso ng umaga ay nandito kana. Miss, hindi ako tumatanggap ng late." Seryoso niyang sabi sabay sulyap sa wrist watch niya. "It's already eight forty five and that means you're late." Napapakuyakoy na la
Maingat kong hinawi ang kumot na nakabalot sa aming dalawa. Mahimbing na natutulog ang pinakahuling lalakeng mamahalin ko sa buong buhay ko. Inayos ko ulit ang gamit ko na siya mismo ang naghanda at ibinalik sa bag kong kanina pa naghihintay saakin.Ito na iyon..Itinupi ko ang kapiraso ng papel na sinulatan ko at ipinatong sa tabi ng relo niya. Lumapit ako sa kanya sa huling pagkakataon para pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Ang mukhang siguradong hinding-hindi ko makakalimutan.Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanya habang bumubuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang mga kamay ko at madali kong itinakip sa aking bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay.Nababasag ang boses ko habang binabanggit ko ng mahina ang mga salitang gustong gusto ko na maririnig niya araw-araw sa tuwing gigising siya sa umaga.