Crestfallen

Crestfallen

last updateHuling Na-update : 2020-07-27
By:  ForlorngoddessOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
75views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

A Calaguas Series Iyong akala mo kayo na. Iyong akala mo siya lang sapat na. Iyong akala mo na wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan ninyong dalawa. Hindi pala. Magkakaroon pa pala ng iba. May darating pa na 'siya'. Kung alam ko lang na hindi pala tayo ang para sa isa't isa, Sana noon pa man ay nakilala ko na siya

view more

Kabanata 1

Prologue

Maingat kong hinawi ang kumot na nakabalot sa aming dalawa. Mahimbing na natutulog ang pinakahuling lalakeng mamahalin ko sa buong buhay ko. Inayos ko ulit ang gamit ko na siya mismo ang naghanda at ibinalik sa bag kong kanina pa naghihintay saakin.

Ito na iyon..

Itinupi ko ang kapiraso ng papel na sinulatan ko at ipinatong sa tabi ng relo niya. Lumapit ako sa kanya sa huling pagkakataon para pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Ang mukhang siguradong hinding-hindi ko makakalimutan.

Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanya habang bumubuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang mga kamay ko at madali kong itinakip sa aking bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay.

Nababasag ang boses ko habang binabanggit ko ng mahina ang mga salitang gustong gusto ko na maririnig niya araw-araw sa tuwing gigising siya sa umaga.

"M-ahal na mahal kita Aether."

Hindi ko yata alam kung kakayanin ko ito. Kakayanin ko bang mabuhay pa kung mawawala na ang nakagisnan kong mundo? Makakaya ko bang mawala 'yong taong sa bawat pagmulat ko ay siya na ang nakikita ko?

Muli, Inikot ko ang paningin ko rito sa lugar kung saan dalawang taon kong nakasama. Dalawang taon na puro ala-ala ng masasayang araw at saksi sa pagmamahalan naming dalawa.

Goodbye Aether..

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata
Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status