Home / All / Crestfallen / Chapter 3

Share

Chapter 3

last update publish date: 2020-07-27 21:54:38

Hindi ko alam na humaba pala ang naging tulog ko. Nagising na lang ako na papalubog na ang araw. Nagbawi siguro ang katawan ko sa pagod nitong mga nakaraang araw. Inayos ko na rin ang susuotin ko para bukas. May iilang texts rin akong natanggap galing kina mommy at sa kambal.

Loko talaga itong si Kojin at ginawa pa akong manager. Kaya pala kung makangiti. Isa pa itong si Suijin, ang sabi niya sa akin kahapon e kaibigan daw niya ang mag-i-interview sa akin. Tapos ngayon 'HAHAHAHA' lang ang nireply niya. Magkapatid talaga! Parehas may mga sapak sa utak.

Puro paalala naman ang laman ng text na galing kay mommy. Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay nagpasya akong magluto ng magiging hapunan ko. Isang buwan na ako dito sa Manila, sa bago kong apartment.

Pagkatapos kong lumuwas ay nagsimula na akong maghanap ng panibagong trabaho dito. Pansamantala kong iniwan ang pagtuturo sa Vinzons. Oo, naging part time instructor ako sa isang unibersidad. Pero akala ko noon madali lang ang magturo, mahirap din pala. Lalo na kailangan pagkakatandaan mo parati na parang anak mo na rin talaga sila kahit hindi nalalayo ang mga edad ng iilan sa kanila sa akin kaya nangangailangan ng napakahabang pasensya.

Ngayon naman, sinusubukan kong mag apply sa mga malalaking kumpanya dito sa maynila at isa na roon ang Alicante and Co. na may nakakabuwist na CEO.

Kinabukasan maaga akong gumising. Hindi pa nagbubukas ang coffee shop ay narito na ako. Kasabay kong naghihintay ang iilang crew na maaga rin na dumating. Nagpakilala na rin ako bilang bagong manager nila para hindi na rin sila masyadong mailang sa akin mamaya.

Naagaw ang pansin ko nang dumating ang sasakyan ni Kojin. Narinig ko din ang mahihinang tilian ng dalawang babaeng crew sa gilid ko.

"Gwapo ba iyang sir ninyo?" Tanong ko sa babaeng nakatirintas ang buhok.

"Opo Miss Nyx! Kung pwede nga lang na asawahin ko siya o kahit maging sperm donor ko na lang siya masaya na ako!" Biro niya sabay hagikgik. Bumuka ng bahagya ang bibig ko sa gulat dahil sa sinabi niya.

"Susmaryosep Selene, hindi mangyayari iyon. Huwag ka ng umasa. Hindi pumapatol si boss sa gaya mo. Pang model na katawan ang gusto ni boss at iyong tipong artistahin!" Sabat naman ni Eros na natatawa pa.

"Alam mo, kapag naging kami ni sir who you ka sa akin letse ka!" Natatawa na lang akong habang tinitignan ang dalawang ito.

"Hey Nyx, ang aga mo yata?" Si Kojin. Hindi ko na napansin na nakalabas na pala siya sa sasakyan niya. Nakakasilaw rin minsan ang mukha nitong tao na 'to. Hindi na ako magtataka kung talagang habulin siya ng babae. Minsan na ngang may lumapit sa amin at sinabing nabuntisan siya nito pero sabi naman niya e hindi niya kilala si ate girl. Matandain daw siya sa mga nagiging babae niya hahaha.

"Ikaw ba yan Kojin?" Biro ko sa kanya. Akala mo kasi model ng isang sikat na clothing brand. Sabagay sayang ang kakisigan nito kung hindi niya ipagyayabang. Chinito si Kojin tulad ng mommy niya samantalang medyo bilugan naman ang mga mata ni Suijin na kuha sa daddy nila. Mas matanda lamang ako sa kambal ng dalawang taon pero aakalain mo na mas matanda sila sa akin. Ilang beses na rin kaming napapagkamalan na may relasyon dahil masyadong sweet silang dalawa sa akin.

Si Kojin ang may pagkaplayfull ang ugali habang si Suijin naman ay may pagkamisteryoso. Total opposite na kambal.

"Ganito talaga ako kapag weekdays, nag-uumapaw sa pagiging cute. Kapag weekends naman doon ko nailalabas ang tunay na ako. Mas busy ako ng sabado at linggo. Marami kasi akong nabibiktma dahil triple ang kagwapuhan ko sa mga araw na iyon." Sabay kindat niya kay Selene. Oh God, siya na talaga. Walang kupas.

"Tara na uwian na." Sagot ko sa kanya. Natawa na lang din siya sa sinabi ko.

Pinakilala niya ako sa iba pang crew hanggang sa guard at utility workers.

"Malugi na ang shop huwag lang ang mukha ni Nyx naiintindihan ninyo ba?" Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Kojin. Ang lakas talaga ng isang ito.

"I'll be gone for a while, pero alam ko naman na hindi niya kayo pababayaan."

"Hala sir totoo? Hindi nga, talaga?" Nilingon naming lahat si Selene. Siya lang yata ang nagreact ng sobra.

"Yes Selene pero dapat pagbalik ko rito wala ka pang boyfriend ah?" At kinindatan na naman niya ito. Kulang na lang tuloy ay magkapunit-punit na ang uniform ni Eros sa kilig ni Selene. Itong si Eros naman ay nakabusangot ang mukha. If I know, ayaw lang niya umamin pero halata naman na gusto niya ito kahit parati niyang inaasar at niloloko. Galawan ng mga bullies.

Ganyan din si Aether sa akin noon. Hindi naman ako panget pero walang araw na hindi niya ako tinantanan para sabihing panget ako.

Ewan, bakit ko ba inaalala pa iyon.

"Aalis ka na ba sa susunod na araw?" Tumango naman si Kojin.

"Boss, siguro mas maganda kung mamaya ay magpainom ka tapos i-celebrate na rin natin ang pagdating ni Ms. Nyx." Excited na sabi ni Eros.

"Oo nga naman Kojin para mas makilala ko rin sila ng lubusan ." Sabi ko sabay ayos ng mga magazines na nakapatong sa table. Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na babae na cover ng isang magazine.

"Sa tingin ko nga ay tama ang sinabi ninyo. Sige, maaga tayong magsasara. Pero dapat lahat ay kasama mamaya." Nginitian naman ako ni Kojin. Natuwa rin ang mga kasama namin sa naging desisyon ng boss nila.

"Sir sa Astral tayo ulit ah!" Sigaw naman ng isa.

Astral? Napansin siguro ni Kojin ang pagtataka ko kaya agad siyang sumagot.

"Kina Aether at Rhea iyon. Ano tuloy pa ba natin? O baka naman gusto mo sa iba na lang?" Ramdam ko naman ang tingin sa akin ng buong crew na tila nagtataka sa pag-aalinlangan ko.

Ayaw ko naman na magdisappoint sila at isipin bigla na kill joy ako. Kung mag su-suggest naman ako na sa iba na lang e baka akalain ni Kojin na affected pa rin ako kina Aether. Alam kong sinusukat niya ang ekspresyon ko. Hindi pa rin talaga siya convinced na naka moved-on na ako. Kaya lang, kaya ko na nga ba? Hindi na nga ba talaga ako affected?

"Sige ayos iyon at doon na lang. Mukhang okay naman yata sa Astral." I smiled back.

"Oh payag na si Ms. Nyx! Magpaalam na kayo sa mga asawa ninyo hahaha." Humahalakhak na sigaw ni Kuya , ang security guard. Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi niya.

Naubos ang oras ko sa pag-aaral ng mga dapat kong gawin. Hindi naman napakalaking adjustments ang mangyayari dahil ito rin naman ang tinapos ko at ito rin ang itinuro kong subject sa trabaho ko noon.

Nang dumating ang hapon ay tinapos na lamang namin ang inventory para makapagsara na. Kaya maaga pa lang ay nandito na kami sa Astral.

Hindi ako mapalagay simula palang ng pumasok kami rito. Oo tanggap ko na, na may sariling buhay na si Aether at ikakasal na. Pero alam kong may awkwardness pa sa pagitan namin kaya hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kung sakaling magkita kami ngayon dito and worst kung kasama pa niya si Psyche.

"You okay insan?" Nilingon ko siya ng mabilis. Pakiramdam ko nagiging alerto ako sa paligid ko. Sana naman wala sila ngayon dito. Sana nagda-date sila ngayon sa isang magandang restaurant o busy sa paghahanda sa kasal nila.

Nakakabaliw naman pala itong ginagawa ko. Sa totoo lang, ang akala ko rin ay okay na ako e. Pero bakit ba ganito ngayon ang nararamdaman ko? Parang sinisilaban ang pwet ko sa nerbyos.

Natatawa at napapailing na lang ako. "Huwag mo muna akong kausapin Kojin. Kailangan kong magfocus. hahaha." Biro ko na lang sa kanya. Alam ko kasi na kung sasabihin kong oo at okay ako, alam kong hindi rin naman siya maniniwala lalo na sa itsura ko ngayon. Kaya mas mabuting idaan ko na lang sa biro ang kaba ko.

Isipin mo iyon Aether, restobar talaga? hahaha.

Maaga pa at iilan pa lang ang mga tao rito kaya nagpasya akong alisin muna ang gumugulo sa isipan ko.Tama, pumunta kami rito para mag-enjoy at kilalanin ang buong crew. Hindi para isipin ang nakaraan ko.

Maya-maya lamang ay nagsimula ng dumami ang mga tao at masasasabi kong dinadayo talaga ang Astral. Marami rami rin akong nakitang negosyante at artista. Well, maganda kasi talaga rito. Hindi katulad sa iba na pagpasok mo pa lang ay maaamoy mo na agad ang pinaghalo-halong amoy ng sigarilyo at alak. Dito malinis at maayos.

May mini stage rin sila na may isang cubicle sa gitna na may two-way mirror wall sa na kasya lang ang dalawang tao at may isang stool chair sa loob. Kahit sino ay pwedeng pumasok doon at kumanta dahil kapag nasa loob ka naman ay hindi ka nila makikilala.

Ilang oras na rin kami rito at sina Selene ay mukhang nalasing na. Ang ibang lalake na kasama naman namin ay abala sa mga babae na nakilala nila kanina pagpadating namin dito. Samantalang halata mo naman sa mukha ni Eros ang pagkairita dahil niyayakap-yakap siya ni Selene kanina pa.

Si Kojin? Nandito sa tapat ko at may dalawang babae na nakayapos sa kanya. Mabuti na lang at maraming baon na kwento si kuya Apollo kaya puro kami tawanan. Ang sabi pa niya e noon daw sa tuwing lumalaki daw ang tiyan ng asawa niya ay dinadala niya ito sa albularyo. Ayaw daw niya kasing isipin muna na buntis ito at baka namatanda lang. Kapag nakumpirma niya na buntis nga ang asawa niya ay doon lamang sila magpapacheck up sa doctor.

"Kung ako ang babae at si Eros ang asawa ko, ibibilin ko sa albularyo na ibigay siya mga engkanto at gawing alay para payamanin ako hahaha!" Si Selene. Gising pa pala 'to . Lasing na lasing na talaga siya.

"Anong sabi mo? Hah! Alam mo, hinding hindi mangayayari iyon kasi hindi kita magiging asawa. Asa ka naman Selene." Namumula na sagot naman ni Eros sa kanya. Masaya silang kasama. Alam kong magkakasundo kaming lahat.

"Baka naman sa kakaganyan ninyo e kayo rin pala ang magkatuluyan? May kilala rin akong sa ganyan din nagsimula hahahaha." Singit ni Kojin kaya sinimangutan ko siya pero ngumisi lang siya sa akin. Laking gulat naman namin ng biglang tumayo si Selene at tila hindi nagustuhan ang sinabi ng boss niya hahaha.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ngayon Kojin ah." Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng biglang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae.

Si Psyche.

Nasa punto ako ng buhay ko kung saan gusto kong magpakain sa lupa. Nasa likod ko siya kaya hindi ko alam kung nakita na niya ako.

Lalagukin ko na sana ang isang shot ng JD ng biglang tumaas ang balahibo ko sa presensya ng lalaking nakikita ko ngayon sa harapan ko.

Tatlong taon.

Tatlong taon nang huli kong makita ang mukha niyang ito. Ang mukhang hinding-hindi ko makakalimutan.

Aether.

Nanlalamig ako sa kinauupuan ko. Tama ba ang nakikita ko sa kanya ngayon? Madilim niya akong tinititigan na parang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya at kailangan kong magbayad.

"Hi Nyx."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Crestfallen   Chapter 4

    Oks Lang ako by Jroa"Hi, Nyx."Matagal kong ninamnam ang mga salita niya. Pinroseso ko ng maigi kung tama nga ba ang pagkakarinig ko. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi sakit. Gusto ko siyang pagbabatuhin ng masasakit na salita. Gusto kong sumabog at pagmumurahin siya dahil hindi niya ako ipinaglaban. Hindi siya lumaban. Hinayaan niyang masira kami. Hinayaan niya na mauwi sa wala ang lahat.Pinabayaan niya ako. Oo, kailangan pero hindi naman siguro dapat humantong sa ganito e. Dapat pinilit niyang kayanin kahit sobrang hirap na.Bakit iyong pagmamahal ba namin sa isa't isa ng ilang taon naming pinanghahawakan ay di kasing tibay ng inaakala niya para hindi namin kayanin ang lahat ng hirap? Sobrang kitid ko ba talaga?Sana hinarap namin pareho. Pwede naman eh. Tapos ito lang ang maririnig ko sa kanya? Pagkatapos ko

  • Crestfallen   Chapter 3

    Hindi ko alam na humaba pala ang naging tulog ko. Nagising na lang ako na papalubog na ang araw. Nagbawi siguro ang katawan ko sa pagod nitong mga nakaraang araw. Inayos ko na rin ang susuotin ko para bukas. May iilang texts rin akong natanggap galing kina mommy at sa kambal.Loko talaga itong si Kojin at ginawa pa akong manager. Kaya pala kung makangiti. Isa pa itong si Suijin, ang sabi niya sa akin kahapon e kaibigan daw niya ang mag-i-interview sa akin. Tapos ngayon 'HAHAHAHA' lang ang nireply niya. Magkapatid talaga! Parehas may mga sapak sa utak.Puro paalala naman ang laman ng text na galing kay mommy. Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay nagpasya akong magluto ng magiging hapunan ko. Isang buwan na ako dito sa Manila, sa bago kong apartment.Pagkatapos kong lumuwas ay nagsimula na akong maghanap ng panibagong

  • Crestfallen   Chapter 2

    "Happy anniversary baby!" Naririnig ko ang mga tilian ng mga nakapaligid sa amin. Ang mga classmates namin na todo ang suporta sa aming dalawa."Aether n-nakakahiya naman 'to." Lumapit siya sa akin habang hawak niya ang banner na may nakasulat na "I LOVE YOU BABY!" Lah kainis haha."Ayos lang 'yan baby! Tignan mo sila oh, masaya sila sa atin." Sabay halik niya sa aking noo. Mas lalong lumikha ng ingay ang paghalik niya sa akin. Sobrang saya ko dahil ang pinakagwapong lalaki dito sa university ay boyfriend ko.Isang taon na simula ng i-bully niya ako. Hindi ko alam na mahuhulog pala kaming parehas sa isa't isa.Simula ng maging kami, halos walang araw na hindi kami nagkikita. Madalas ay pumupunta siya sa bahay at ganoon din ako. Wala iyong problema sa parents namin dahil kahit kailan hindi kami nagpabaya sa pag-aaral namin."Tita nagpapla

  • Crestfallen   Chapter 1

    "Sir please, give me another chance! Traffic po talaga sa Edsa eh." Halos nalukot na ang folder na dala-dala ko na naglalaman ng resume ko na pinaghirapan ko pang i-edit kagabi."I'm sorry miss.. May I know your name again?" Nakakunot ang noong tanong ng manager na kaharap ko."Nyx po sir. Nyx Delgado." Kinakabahan akong umupo.Ramdam ko rin ang pagtitig sa akin ng ilang mga aplikante sa pagdating ko. Tusukin ko mga mata ninyo eh. Mind your own business."Ah yes Nyx. Ikaw pala ang ni-refer ni Mr. Serafin. Tinawagan ka kahapon diba?" Tumango ako at inabot sa kanya ang resume ko. Kinuha naman niya ito at saglit na tinignan. "Nasabi naman siguro ng sekretarya ko sa'yo na alas-otso ng umaga ay nandito kana. Miss, hindi ako tumatanggap ng late." Seryoso niyang sabi sabay sulyap sa wrist watch niya. "It's already eight forty five and that means you're late." Napapakuyakoy na la

  • Crestfallen   Prologue

    Maingat kong hinawi ang kumot na nakabalot sa aming dalawa. Mahimbing na natutulog ang pinakahuling lalakeng mamahalin ko sa buong buhay ko. Inayos ko ulit ang gamit ko na siya mismo ang naghanda at ibinalik sa bag kong kanina pa naghihintay saakin.Ito na iyon..Itinupi ko ang kapiraso ng papel na sinulatan ko at ipinatong sa tabi ng relo niya. Lumapit ako sa kanya sa huling pagkakataon para pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Ang mukhang siguradong hinding-hindi ko makakalimutan.Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanya habang bumubuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang mga kamay ko at madali kong itinakip sa aking bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay.Nababasag ang boses ko habang binabanggit ko ng mahina ang mga salitang gustong gusto ko na maririnig niya araw-araw sa tuwing gigising siya sa umaga.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status