LOGIN
"Aether n-nakakahiya naman 'to." Lumapit siya sa akin habang hawak niya ang banner na may nakasulat na "I LOVE YOU BABY!" Lah kainis haha.
"Ayos lang 'yan baby! Tignan mo sila oh, masaya sila sa atin." Sabay halik niya sa aking noo. Mas lalong lumikha ng ingay ang paghalik niya sa akin. Sobrang saya ko dahil ang pinakagwapong lalaki dito sa university ay boyfriend ko.
Isang taon na simula ng i-bully niya ako. Hindi ko alam na mahuhulog pala kaming parehas sa isa't isa.
Simula ng maging kami, halos walang araw na hindi kami nagkikita. Madalas ay pumupunta siya sa bahay at ganoon din ako. Wala iyong problema sa parents namin dahil kahit kailan hindi kami nagpabaya sa pag-aaral namin.
"Tita nagpaplano po kasi kami ni Nyx na kapag nakuha namin iyong pera galing kay mayor at iyong ibibigay sa akin ni dad ay magtatayo sana kami ng maliit na restobar sa Mahabang Buhangin." Hawak niya ang kamay ko habang ipinapaalam niya kina daddy ang plano namin.
"Oo nga po sana mommy. Pati 'yong ibinigay ninyo sa akin ni dad para mas mapaganda po sana namin iyon." Sabay tingin ko kay dad na seryoso na nakatingin lang din sa amin.
Isinara niya ang dyaryo na kanina pa niya hawak pero hindi niya binabasa. "Bakit ayaw mong sumunod sa daddy mo? Ayos lang ba sa kanya na hindi mo ipagpatuloy ang pagdo-doktor mo? At ikaw nak, akala ko ba ikaw ang maghahawak nag negosyo natin dito? Hindi ba at nakikipagtalo ka pa sa akin dati?"
Tumayo ako't tumabi kay daddy. "Eh kasi po napag-alaman namin na halos wala ng mapuntahan iyong ibang turista kahit hindi naman sila ganun karami pero kakaunti lang din po kasi ang mga hotels doon. Kahit tayo mismo na taga rito lang e walang restobar na mapupuntahan dahil puno.
"Sa school pa lang po, halos lahat ng mga nag-aaral dun ay parating nasa tinaga para pumunta sa mahabang buhangin kaya sa tingin ko, maganda iyong idea po namin."
----
Dalawang taon nang makagraduate kami. Nagpasya kaming tumira sa iisang apartment dito malapit sa Tinaga. Ang mga Delgado at Clemente ay kilala rin sa buong Vinzons. Magkaibigan ang mga pamilya namin noon pa man kaya may tiwala ang mga magulang namin sa aming dalawa ni Aether.
Pero madalas na dumarating sa punto na away-bati kami. Nang tumuntong kami ng ika-anim na taon, nagsimulang maapektuhan ang relasyon namin dahil sa di magandang epekto nang pagsasara ng restobar. Nangyari kasi na isinara muna sa publiko ng isang taon ang mahabang buhangin. Nawalan ng trabaho ang marami kaya kahit kami mismo ay madalas na nasa bahay na lang.
Dahil din sa nangyari ay nagpasya kaming maghanap ng trabho pansamantala. Ngunit sa hindi namin madalas na pagkakaintindihan, parehas naapektuhan ang pagtatrabaho namin. Hindi kasi mawala iyong isyu ng selos sa amin.
Hanggang sa naging okay ulit kami. Ganoon lang kami parati. Madalas nag-aaway. Paminsan-minsan naman eh halos para kaming bata na naglalaro ng mga mobile games. Nakadepende kami sa mga magulang namin. Wala na kaming ibang nakikita. Masyado naming mahal ang isa't isa. Kaya nakalimutan na namin na may mga tao pa bukod sa amin. Hindi ko alam na doon na pala magsisimula ang lahat.
Minsan kong narinig na nag-uusap si Aether at ang mommy niya. Alam kong hindi na kami maganda para sa isa't isa. Napipigilan na namin ang mga sarili naming gawin ang mga dapat dahil iniintindi namin ang iniisip at nararamdaman ng bawat isa.
Hind ko rin maintindihan noong una ang sarili ko. Masyado kong minahal si Aether at ganoon di siya sa akin. Hindi ko yata kaya kapag nawala siya. Kahit marami kaming pangarap para sa aming dalawa, hindi namin matupad iyon dahil sa nararamdamn namin. Tinamad kami. Hindi kami makaalis sa comfort zone namin.
Si Aether, pangarap niyang maging isang doktor habang ako naman ay maging isang successful na business woman katulad ni mommy at daddy.
Napakaraming opportunities ang dumating kay Aether pero pinakawalan niya. Minsan na rin akong kinausap ng magulang ko. Nilapitan din ako ng magulang ni Aether dahil mali na ang mga nagiging desisyon namin.
Mas naging madalas ang pag-aaway namin. Mas lalo kaming hindi nagkakaintindihan. Nagkasakit ang mommy niya ng cancer at halos naubos na ang pera ng family niya para madugtungan lamang ang buhay ni tita.
----
Hanggang sa isang gabi umuwi siyang lasing. Namamaga ang mata. May bakas pa ng luha. Hindi ako nagtanong dahil alam kong may pinagdadaanan siya. Gaya niya, ilang beses na rin akong umiyak. Bumagsak na ang negosyo namin ng paputok dahil ipinagbabawal na ito. In short, malaki ang nalugi sa amin. Madalas na ring nag-aaway sina mommy at daddy.
Halos hindi na kami nakakapagkita araw-araw. Palaging nasa ospital si Aether para bantayan si tita. Minsan isang beses sa isang linggo ako kung makadalaw. Madalas ay naiiwan ako dito sa apartment. May pagkakataon din na hindi kami nagpapang-abot dahil may raket ako minsan.
Dumaan ang mga buwan na halos hindi na kami nakakapag-usap. Maraming bagay ang nagbago. Pero sinisigurado ko naman lahat ng pag-aasikaso ko sa kanya ay hindi nawawala. Sa umaga, nakahanda pa rin ang kape niya at ang toasted bread na paborito niya. Sinasabayan ko pa rin siyang kumain kahit alam kong may mali ay nasa tabi pa rin niya ako.
Alam kong mali dahil hindi pa kami kasal pero maraming beses na rin na may nangyari sa amin. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako tuwing gabi na may mangyayari sa amin tapos kinabukasan pagkagising namin, bumabalik kami sa hindi pagpapansinan . Noon, yayakapin niya ako at sasabihin niya sa akin na mahal na mahal niya ako. Pero ngayon, tatalikod na lamang siya pagkatapos.
Pakiramdam ko ginagamit na lang niya ang katawan ko. Gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako sa malalaman ko. Natatakot ako sa pwede kong marinig. Natatakot ako sa mararamdaman ko. Natatakot akong tama ang hinala ko. Kaya sa tuwing tatalikod siya, haharap ako sa kanya para yakapin siya. Ang tangi ko na lang nagagawa ay umiyak ng di niya nalalaman.
Sina daddy at mommy, hindi na sila nagkakasundo. Naiipit na rin ako dahil gusto ni daddy na umuwi ako sa kanila dahil nakikipaghiwalay na raw si mommy sa kanya. Noong una, ayaw ko pang maniwala pero noong minsang tumawag si mommy at umiiyak, doon ko nakumpirma na totoo pala ang lahat.
Masosolusyunan sana ang problema sa negosyo namin kung hindi nag-invest si daddy sa isang MLM business at pinangakuang ibabalik ng triple ang pera sa loob ng dalawang buwan. Pero naloko si dad and worst hindi alam ni mommy. Hindi na rin ako makapag isip ng maayos dahil nag-iisang anak lang ako at ayaw kong mahiwalay sa isa sa kanila. Daddy's girl ako pero mahal ko rin si mommy. Ni hindi ko maikwento ito kay Aether dahil kumpara sa problema ko, mas mabigat ang kanya at ayokong makadagdag pa.
Isang araw nag-away kami. Away na masasabi kong pinakamalala.
"Nahihirapan na ako." Binitawan niya ang kutsarang hawak niya. Napalingon naman ako sa kanya ng may pagtataka.
"Baby bakit? May nangyari ba kay tita? Ayos lang ba siya?" Kahit ako ay nagulat nang banggitin ko ang endearment namin. Matagal na kasi nung huling beses ko itong ginamit.
"Nyx naman, You know she's not okay diba? May sakit siya. Bakit nagtatanong ka pa?" Napayuko ako sa sinabi niya. Alam ko naman pero hindi naman iyon yung ibig kong sabihin. Hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko.
Napansin ko rin ang mabibigat niyang paghinga. Ganoon na lang ba ang galit niya sa akin?
"Sorry. Alam kong may pinagdadaanan ka na pero ganito pa ako. Sandali lang at kukuha lang ulit ako ng tubig." Akmang tatayo ako nang bigla siyang magsalita.
"Nyx, mag-usap tayo."
Oks Lang ako by Jroa"Hi, Nyx."Matagal kong ninamnam ang mga salita niya. Pinroseso ko ng maigi kung tama nga ba ang pagkakarinig ko. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi sakit. Gusto ko siyang pagbabatuhin ng masasakit na salita. Gusto kong sumabog at pagmumurahin siya dahil hindi niya ako ipinaglaban. Hindi siya lumaban. Hinayaan niyang masira kami. Hinayaan niya na mauwi sa wala ang lahat.Pinabayaan niya ako. Oo, kailangan pero hindi naman siguro dapat humantong sa ganito e. Dapat pinilit niyang kayanin kahit sobrang hirap na.Bakit iyong pagmamahal ba namin sa isa't isa ng ilang taon naming pinanghahawakan ay di kasing tibay ng inaakala niya para hindi namin kayanin ang lahat ng hirap? Sobrang kitid ko ba talaga?Sana hinarap namin pareho. Pwede naman eh. Tapos ito lang ang maririnig ko sa kanya? Pagkatapos ko
Hindi ko alam na humaba pala ang naging tulog ko. Nagising na lang ako na papalubog na ang araw. Nagbawi siguro ang katawan ko sa pagod nitong mga nakaraang araw. Inayos ko na rin ang susuotin ko para bukas. May iilang texts rin akong natanggap galing kina mommy at sa kambal.Loko talaga itong si Kojin at ginawa pa akong manager. Kaya pala kung makangiti. Isa pa itong si Suijin, ang sabi niya sa akin kahapon e kaibigan daw niya ang mag-i-interview sa akin. Tapos ngayon 'HAHAHAHA' lang ang nireply niya. Magkapatid talaga! Parehas may mga sapak sa utak.Puro paalala naman ang laman ng text na galing kay mommy. Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay nagpasya akong magluto ng magiging hapunan ko. Isang buwan na ako dito sa Manila, sa bago kong apartment.Pagkatapos kong lumuwas ay nagsimula na akong maghanap ng panibagong
"Happy anniversary baby!" Naririnig ko ang mga tilian ng mga nakapaligid sa amin. Ang mga classmates namin na todo ang suporta sa aming dalawa."Aether n-nakakahiya naman 'to." Lumapit siya sa akin habang hawak niya ang banner na may nakasulat na "I LOVE YOU BABY!" Lah kainis haha."Ayos lang 'yan baby! Tignan mo sila oh, masaya sila sa atin." Sabay halik niya sa aking noo. Mas lalong lumikha ng ingay ang paghalik niya sa akin. Sobrang saya ko dahil ang pinakagwapong lalaki dito sa university ay boyfriend ko.Isang taon na simula ng i-bully niya ako. Hindi ko alam na mahuhulog pala kaming parehas sa isa't isa.Simula ng maging kami, halos walang araw na hindi kami nagkikita. Madalas ay pumupunta siya sa bahay at ganoon din ako. Wala iyong problema sa parents namin dahil kahit kailan hindi kami nagpabaya sa pag-aaral namin."Tita nagpapla
"Sir please, give me another chance! Traffic po talaga sa Edsa eh." Halos nalukot na ang folder na dala-dala ko na naglalaman ng resume ko na pinaghirapan ko pang i-edit kagabi."I'm sorry miss.. May I know your name again?" Nakakunot ang noong tanong ng manager na kaharap ko."Nyx po sir. Nyx Delgado." Kinakabahan akong umupo.Ramdam ko rin ang pagtitig sa akin ng ilang mga aplikante sa pagdating ko. Tusukin ko mga mata ninyo eh. Mind your own business."Ah yes Nyx. Ikaw pala ang ni-refer ni Mr. Serafin. Tinawagan ka kahapon diba?" Tumango ako at inabot sa kanya ang resume ko. Kinuha naman niya ito at saglit na tinignan. "Nasabi naman siguro ng sekretarya ko sa'yo na alas-otso ng umaga ay nandito kana. Miss, hindi ako tumatanggap ng late." Seryoso niyang sabi sabay sulyap sa wrist watch niya. "It's already eight forty five and that means you're late." Napapakuyakoy na la
Maingat kong hinawi ang kumot na nakabalot sa aming dalawa. Mahimbing na natutulog ang pinakahuling lalakeng mamahalin ko sa buong buhay ko. Inayos ko ulit ang gamit ko na siya mismo ang naghanda at ibinalik sa bag kong kanina pa naghihintay saakin.Ito na iyon..Itinupi ko ang kapiraso ng papel na sinulatan ko at ipinatong sa tabi ng relo niya. Lumapit ako sa kanya sa huling pagkakataon para pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Ang mukhang siguradong hinding-hindi ko makakalimutan.Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanya habang bumubuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang mga kamay ko at madali kong itinakip sa aking bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay.Nababasag ang boses ko habang binabanggit ko ng mahina ang mga salitang gustong gusto ko na maririnig niya araw-araw sa tuwing gigising siya sa umaga.