LOGIN
"I'm sorry miss.. May I know your name again?" Nakakunot ang noong tanong ng manager na kaharap ko.
"Nyx po sir. Nyx Delgado." Kinakabahan akong umupo.Ramdam ko rin ang pagtitig sa akin ng ilang mga aplikante sa pagdating ko. Tusukin ko mga mata ninyo eh. Mind your own business.
"Ah yes Nyx. Ikaw pala ang ni-refer ni Mr. Serafin. Tinawagan ka kahapon diba?" Tumango ako at inabot sa kanya ang resume ko. Kinuha naman niya ito at saglit na tinignan. "Nasabi naman siguro ng sekretarya ko sa'yo na alas-otso ng umaga ay nandito kana. Miss, hindi ako tumatanggap ng late." Seryoso niyang sabi sabay sulyap sa wrist watch niya. "It's already eight forty five and that means you're late." Napapakuyakoy na lang ako sa nerbiyos. Parang nakikita-kita ko na rin ang magiging resulta nito.
"S-sir ilang minuto pa lang naman po akong late 'di ba? Wala pa naman pong nine." Napansin kong mas sumeryoso ang mukha ng lalakeng kaharap ko.
"Kaya nga diba? Late ka." Matigas niyang sagot sa akin sabay balik ng atensyon niya sa mga papel na hawak niya. Kinumpas rin niya ang kanyang kamay na tila ibig sabihin ay lumayas na ako sa harapan niya.
"But sir, malayo po kasi ang bahay ko rito, maaga naman po akong umalis sa ami.." Sabi nila effective raw iyong eye to eye contact. Baka sakali namang mapakiusapan pa.
"No buts Miss. Hindi lang naman ikaw ang naiipit sa traffic araw-araw. Walang mangyayari sa buhay mo kung magdadahilan at magdadahilan ka. Kaya kung tapos ka na, makakaalis ka na." Ano raw? Teka, grabe siya. Walang man lang consideration?
"Sobra ka naman sir." Nag-isip ako kunwari."Dibale.." Tumayo ako at inirapan siya. "Babalik na lang ako ulit kapag hindi na ikaw ang manager dito. Magsisisi ka at hindi mo ako tinanggap." Maingay kong dinampot ang folder ko na naglalaman ng sandamakmak kong requirements. Narinig ko din na napasinghap ang mga usisero at usisera dito. Umuwi na kayo sayang lang ang oras niyo dito.
"Wait miss. Sino ba nagsabi sa'yo na manager ako rito?" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya ng may pagtataka.
"Bakit ano ka ba rito? Manager ka lang naman. Kahit anong posisyon mo pare-parehas lang tayong tao rito. Hindi porket manager ka e ganyan na dapat ang pakikitungo mo sa mga aplikante ninyo. Hindi rin naman siguro importante na malaman ko pa kung sino ka? Kahit pa anak ka ng may-ari nito building na to o anak ka ng presidente ng Pilipinas wala akong pake kasi may karapatan akong magsalita dito bilang tao dahil may dahilan ako. Hindi rin dapat ganyan itrato ng may-ari ang mga aplikante niya o ang mga tao niya. Dapat malawak ang pang-unawa niya sa lahat ng bagay mapamaliit man o malaking sitwasyon. At isa pa, excuse me lang ha hindi ka mukhang CEO. " Kamuntikan pa akong kapusin ng hininga. Ganitong ilang araw na akong pagod tapos gaganituhin pa ako! Ayos ah, ang yabang! Hindi man lang ako na-inform ng pinsan ko na may attitude itong manager nila. Kaasar!
"Hindi mo talaga ako kilala?" Nakita kong bahagyang gumalaw ang panga niya. Nagpipigil na ata sa inis.
"Care ko? Uulitin ko sa'yo. Babalik ako rito kapag wala ka na o kaya magtatrabaho ako sa karibal ninyong kumpanya para malaman mo iyong sinayang niyo letse!" Sabay irap ko sa kanya.
Umawang naman ng bahagya ang bibig niya marahil sa hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya. "Hahaha okay." Naiilang niyang sabi. At may gana pa talaga siyang tumawa.
"Siguraduhin mong wala ka rito kapag bumalik ako. Papalagpasin ko ang inasal mo sa akin ngayon. Hindi mo kilala ang backer ko dito baka mamaya tanggalin ka. Sayang, gwapo ka pa naman kung hindi lang panget ang ugali mo." Nakakapikon siya buwiset. Tumalikod ulit ako at nagpasyang lumabas na ng opisina niya.
"I am the CEO. I see, nag-apply ka pero wala ka pa lang alam sa company na pag-aaplyan mo." Katahimikan.. Nabingi yata ako. CEO daw ano iyon joke? As in may-ari? Iyong pinakaboss ganun? Asa.
Isang malalim na paglunok ang ginawa ko bago natuon ang atensyon ko sa pangalan na nakaukit sa parihabang babasagin na nasa table niya. Sa kamamadali ko hindi ko na napansin iyon. Nakakaloka ka Nyx!
MR. HADES OSWALD ALICANTE
CEO"Now, leave."
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatulala kay Mr. CEO. Oo, Mr. CEO nga raw. Hindi ako makapaniwala na ang tanga ko. Nag bastos ko pa yata. Nanlulumo akong lumabas sa building ng pang sampung kumpanya na inapplayan ko ngayong buwan. Walang hiya ka talaga Nyx. Pinairal mo na naman iyang ugali mo talaga! Sana nagtimpi ka na lang.
---
Umupo ako pansamantala rito sa waiting shed habang nag-iisip ng susunod kong gagawin. Sobrang nakakahiya iyong ginawa ko.
"Wala na akong pera. Nakakabuwisit naman iyon! Sinabi din ba sa kanya ng sekretarya niya na pinagkuha na ako ng mga requirements! Langya talaga. Ginastusan ko pa 'to. Kainis!"
Magpapahinga na muna ako siguro ngayon. Ilang araw na din akong stress kakaisip kung saan ako magtatrabaho. Sa dami ng inapplyan ko, wala man lang tumatawag. Hay nako, bahala na nga.
---
"Oh insan kamusta? Sabi ni Suijin okay raw doon ah. Malaki pasahod!" Sumalampak ako sa couch na palagi kong pinupwestuhan sa tuwing pumupunta ako rito sa coffee shop ni Kojin. Nagpasya akong dito na dumiretso para makapagkape muna ng libre hehe. Maganda rin kasi ang ambiance rito kaya nababawasan ang stress ko.
"Kung alam mo lang kung gaano kaganda ang office nila. Ang sarap magtrabaho doon Kojin! Iyon nga lang.." Bumuntong hininga ako ng hindi ko matapos ang sinasabi ko.
"Hahaha. Oh kape. Kawawa ka naman. Matalino ka naman pero kahit kailan ang malas mo talaga sa mga ina-applayan mo hahaha." Tumabi siya sa akin.
"Tawa pa. Lagot sa akin iyang kambal mo. Hindi niya nilinaw na ang kaibigan pala niya ang mismong CEO ng kumpanya! Sinagot sagot ko pa man din letse!" Sumandal ako at pumikit. Isang buwang puro pag-aasikaso ng requirements at pag-a-apply ang ginawa ko. Nakakapagod. Nakakaubos ng lakas.
"Sinabi ko naman kasi sa'yo diba na welcome ka rito habang wala ka pang nahahanap na trabaho. Ako na muna ang bahala sa'yo." Dumilat ako at nakataas ang kilay na humarap sa kanya.
"Ano payag ka na?" Ngumiti siya na parang alam niyang mananalo siya ng jackpot. Matagal na niya akong gustong kunin. Ako lang talaga ang umaayaw. Syempre, mas gugustuhin ko namang umasenso sa paraan ko at hindi humihingi ng tulong sa iba. Iyong bang maipagmamalaki ko kasi pinaghirapan ko. Kagaya niya. Pinaghirapan niya itong coffee shop niya.
"Magkano sahod?" I smirked.
"Yes! Sabi na eh. Wooh sa wakas." Siraulo hahaha. Nagtatanong pa lng ako eh. Loko talaga. Sabay akbay niya sa akin. "Huwag kang mag-alala. Malaki ang sahod mo sa akin. Para makaipon ka din. Sa totoo lang, kilala mo ako. Di ako basta-basta nagtitiwala sa mga hindi ko kilala. Magbubukas na kasi iyong branch ko sa Calaguas. Mas pagkakatiwalaan kita rito at ako naman ang pupunta roon para maayos ko ng personal iyon. Unless baka gusto mo doon?"
Calaguas. "Pero hindi naman ba ako mahihirapang umalis kung sakaling kailangan ko na? Alam mo naman, gusto kong magtrabaho na nababagay sa tinapos ko."
"Tss oo naman! Basta huwag mo munang isipin iyon. Bukas makakapagstart ka na. Agahan mo na lang para maipakilala kita sa mga makakasama mo rito." Sabay kindat niya. Nginitian ko siya. Napakaswerte ko kahit hindi ko sila kadugo ay itinuturing nila akong parang kapamilya talaga nila. Pamangkin sila ng stepfather ko. Mababait ang mga Serafin sa amin ni mommy. Lalo na sa akin.
"Salamat Kojin ah. Sige mauuna na muna ako para makapagpahinga na ng maaga para may lakas ako bukas." Tumayo ako at yumakap sa kanya.
"Salamat sa inyo ni Suijin, hindi ninyo ako tinuturing na iba. Pinisil ko ang pisngi niya sa tuwa ko hahaha. "Ang cute niyo talagang magkapatid!"
"Aray naman! Mas cute ako kay Suijin insan. Isa lang ang girlfriend niya samantalang ako, apat." Sabay pameywang niya at may pagtaas baba pa ng ulo niya na parang sigurado siya na mas cute siya sa kapatid niya.
"Kalokohan mo na naman. Ano na lang kaya ang sasabihin ng kambal mo kapag sinabi ko rin iyon. Kayo talagang dalawa, ayaw magpatalo sa isa't isa." Naiiling habang natatawa kong sabi sa kanya.
"But seriously, I'm happy seeing you completely at peace. Yah of course alam naman natin na hindi ganun kadaling kalimutan iyong mga bagay na 'yon pero knowing na you still fighting kahit na mahirap pero kasi puno ka ng positive energy e. Unlike before. Insan iba ka." Nangingiti niyang sabi.
"Kojin, ayos na ako. Ayoko na lang din munang isipin iyong mga nangyari noon. Ilang taon na rin naman kasi eh." I smiled bitterly at him para at least kahit papaano ay makampante siya sa sagot ko. Alam nilang lahat ang pinagdaan ko at ng family ko. Kaya kung meron pa kong dinadala ngayon, alam kong maiintindihan nila iyon.
Alam ko naman na masaya na siya. Ginawa ko lang naman iyong gusto niya at ang sa tingin ko ay tama.
"Mabuti naman kung ganoon. Ikakasal na kasi siya next month." With that, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Tila ang sarap din ni Kojin hampasin ng throw pillow. Ang bigat. Ang bigat pa rin pala. Pero hindi ko pinakita sa kanya na apektado pa rin ako.
"Sila pa rin pala ano? Mabuti naman at hindi na niya pinakawalan pa, maswerte siya kay Psyche. Tanga na lang niya kung hindi niya pakAkasalan hahaha." I laughed.
"Yah. Pinakawalan ka nga niya diba." Ito masyado talaga 'to.
Alam kong sinusukat pa rin niya ang reaksyon ko kaya hindi na ako nagtagal pa at nagpaalam na sa kanya na aalis na.
----
Aether, Akala ko talaga tayo na. Napapikit na lang ako sa tuwing inaalala ko ang mga masasayang araw namin noon.
Oks Lang ako by Jroa"Hi, Nyx."Matagal kong ninamnam ang mga salita niya. Pinroseso ko ng maigi kung tama nga ba ang pagkakarinig ko. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi sakit. Gusto ko siyang pagbabatuhin ng masasakit na salita. Gusto kong sumabog at pagmumurahin siya dahil hindi niya ako ipinaglaban. Hindi siya lumaban. Hinayaan niyang masira kami. Hinayaan niya na mauwi sa wala ang lahat.Pinabayaan niya ako. Oo, kailangan pero hindi naman siguro dapat humantong sa ganito e. Dapat pinilit niyang kayanin kahit sobrang hirap na.Bakit iyong pagmamahal ba namin sa isa't isa ng ilang taon naming pinanghahawakan ay di kasing tibay ng inaakala niya para hindi namin kayanin ang lahat ng hirap? Sobrang kitid ko ba talaga?Sana hinarap namin pareho. Pwede naman eh. Tapos ito lang ang maririnig ko sa kanya? Pagkatapos ko
Hindi ko alam na humaba pala ang naging tulog ko. Nagising na lang ako na papalubog na ang araw. Nagbawi siguro ang katawan ko sa pagod nitong mga nakaraang araw. Inayos ko na rin ang susuotin ko para bukas. May iilang texts rin akong natanggap galing kina mommy at sa kambal.Loko talaga itong si Kojin at ginawa pa akong manager. Kaya pala kung makangiti. Isa pa itong si Suijin, ang sabi niya sa akin kahapon e kaibigan daw niya ang mag-i-interview sa akin. Tapos ngayon 'HAHAHAHA' lang ang nireply niya. Magkapatid talaga! Parehas may mga sapak sa utak.Puro paalala naman ang laman ng text na galing kay mommy. Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay nagpasya akong magluto ng magiging hapunan ko. Isang buwan na ako dito sa Manila, sa bago kong apartment.Pagkatapos kong lumuwas ay nagsimula na akong maghanap ng panibagong
"Happy anniversary baby!" Naririnig ko ang mga tilian ng mga nakapaligid sa amin. Ang mga classmates namin na todo ang suporta sa aming dalawa."Aether n-nakakahiya naman 'to." Lumapit siya sa akin habang hawak niya ang banner na may nakasulat na "I LOVE YOU BABY!" Lah kainis haha."Ayos lang 'yan baby! Tignan mo sila oh, masaya sila sa atin." Sabay halik niya sa aking noo. Mas lalong lumikha ng ingay ang paghalik niya sa akin. Sobrang saya ko dahil ang pinakagwapong lalaki dito sa university ay boyfriend ko.Isang taon na simula ng i-bully niya ako. Hindi ko alam na mahuhulog pala kaming parehas sa isa't isa.Simula ng maging kami, halos walang araw na hindi kami nagkikita. Madalas ay pumupunta siya sa bahay at ganoon din ako. Wala iyong problema sa parents namin dahil kahit kailan hindi kami nagpabaya sa pag-aaral namin."Tita nagpapla
"Sir please, give me another chance! Traffic po talaga sa Edsa eh." Halos nalukot na ang folder na dala-dala ko na naglalaman ng resume ko na pinaghirapan ko pang i-edit kagabi."I'm sorry miss.. May I know your name again?" Nakakunot ang noong tanong ng manager na kaharap ko."Nyx po sir. Nyx Delgado." Kinakabahan akong umupo.Ramdam ko rin ang pagtitig sa akin ng ilang mga aplikante sa pagdating ko. Tusukin ko mga mata ninyo eh. Mind your own business."Ah yes Nyx. Ikaw pala ang ni-refer ni Mr. Serafin. Tinawagan ka kahapon diba?" Tumango ako at inabot sa kanya ang resume ko. Kinuha naman niya ito at saglit na tinignan. "Nasabi naman siguro ng sekretarya ko sa'yo na alas-otso ng umaga ay nandito kana. Miss, hindi ako tumatanggap ng late." Seryoso niyang sabi sabay sulyap sa wrist watch niya. "It's already eight forty five and that means you're late." Napapakuyakoy na la
Maingat kong hinawi ang kumot na nakabalot sa aming dalawa. Mahimbing na natutulog ang pinakahuling lalakeng mamahalin ko sa buong buhay ko. Inayos ko ulit ang gamit ko na siya mismo ang naghanda at ibinalik sa bag kong kanina pa naghihintay saakin.Ito na iyon..Itinupi ko ang kapiraso ng papel na sinulatan ko at ipinatong sa tabi ng relo niya. Lumapit ako sa kanya sa huling pagkakataon para pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Ang mukhang siguradong hinding-hindi ko makakalimutan.Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanya habang bumubuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang mga kamay ko at madali kong itinakip sa aking bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay.Nababasag ang boses ko habang binabanggit ko ng mahina ang mga salitang gustong gusto ko na maririnig niya araw-araw sa tuwing gigising siya sa umaga.