Share

Chapter 11

last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-01 09:00:41

“Which color do you think suits me?” Ang gay man nagpapakalalaki na naman ngayon habang pumipili ng damit niya. Ang mga saleslady rito eh nakalimutan yatang may trabaho silang aatupagin kakatingin dito sa baklang ‘to.

Pinagpalit-palit niya ang dalawang polo shirt na kulay maroon at gray. Hindi naman ako makasagot agad dahil pareho namang bagay sa kanya.

“Kunin mo na lang dalawa,” sabi ko.

He just shrugged his shoulder and said Okay. Okay, talk about that he can buy anything.

Alas onse na ng umaga at sa ilang stores na aming napapasukan, mas marami pang damit ang nabibili niya kaysa sa akin. Walong bags lang ang bitbit ko ngayon habang ang kanya ay isang dosena.

Naglalakad kami at papunta sa food court.

“Sana pala sinama mo si Flynn para may taga bitbit tayo,” sabi ko sa gitna ng tahimik naming paglalakad.

“Tayo? Kung isinama ko man siya, akin lang ang bibitbitin niya.”

“Hindi mo siya maisasama kung sa’yo lang bibitbitin niya dahil hindi ako papayag na sasama siya.”

“Hmp, that was so selfish.” Inirapan niya na naman ako. Kung nakikita lang talaga ng mga tao ang maliliit na detalyeng ito sa paggalaw niya ay talagang mabubulgar siya. Pero kasi masyadong nabubulag ang mga tao lalo na ang mga babae sa pagkagandang lalaki niya.

“Oh, wait.” He’s looking at a store for women. Ano namang gagawin niya riyan? Pipili ng bestida niya?

Pumasok siya kaya sumunod lang din ako. Iniwan muna namin sa baggage ang mga paperbags na bitbit namin.

“Hmm...” Pinadaan niya ang kamay sa mga naka-hanger na pastel color dresses. Pagkaraa’y huminto siya sa isang pink color at kinuha iyon.

“What do you think of this?” aniya habang pinipresenta ang bestida.

Sinong magsusuot, siya?

“Okay ang color.” Matagal siyang nakatingin sa akin. Okay? May dapat pa ba akong sabihin?

“That’s it?” aniya na tila bitin na bitin sa komento ko.

“Ano pala?”

“Ikaw talaga, sinasayang mo ang pagkababae mo.” Nabigla ako nang hinila niya ako at tinapat sa akin ang bestida.

“See? It suits you,” aniya. Paasik kong inalis ang bestida sa harap ko.

“Nakita mo ba ang mga damit ko? Mukha ba akong nagsusuot niyan?” Walang kabuhay-buhay kong sagot sa kanya.

“Maisusuot mo ‘to, sa first date niyo ng future jowa mo.”

“Tsk. De saka na ako bibili. Baka ‘di na magkasya sa akin ‘yan ‘pag nagka-boyfriend ako. At saka gastos lang ‘yan sa pera.”

“Alam mo girl, matulungin ka pero makunat ka sa pera. Para namang maghihirap ka agad ‘pag magpapalabas ka ng pera. At saka ano ka ba, akong bahala, hahanapan kita ng boylet.”

“Hindi ko bibilhin ‘yan, tara na.” Iniwan ko na siya at tinungo ang baggage para kunin ang mga paperbags.

“Missy?” Lumingon ako sa tumawag sa akin. A lady who just entered the store, but I don’t recognize her. I can see confusion, shock, and amazement in her eyes while looking at me.

Tipid akong ngumiti, naghihintay na sana magpakilala siya.

“Don’t you remember me? My god, Missy!” Nagulat ako nang niyakap niya ako. “I miss you. Where have you been? Didn’t you miss me? Nakakatampo ka, I’m Gwen, your one and only friend na nagtagal sa friend list mo dahil may pagka-bitchesa ka.”

Kailangan ba talagang sabihin iyon? Every person I met that I knew me before always describes me as a sort of bitch. Am I like that before? Kahit si Mira naninibago sa kabaitan ko mula noong bumalik ako.

“I really want to catch up with you, but I have a date, I’m just here to buy dress. Can we exchange numbers?” aniya at pinalabas ang cellphone.

I don’t really recognize her and never did Mira nor Mama mentioned about her as my friend, but I’m interested that she knows me. Kinuha ko ang cellphone niya at tinipa ang number ko.

“Let’s go?” Sabay kaming napatingin kay Miel na siyang nagsalita mula sa likuran ko. Bumaba ang tingin ko sa bitbit niyang pink na paperbag. Tsk. Binili niya talaga ‘yong dress.

“Miel?” Napatingin din ako sa babae named Gwen. She knows Miel, too? Kung kanina’y may confusion, shocked and amazement ang mukha niya nang makita ako. This time, it was just pure shock for Miel.

“Are you together?” tanong niya.

“We shop together but we are not together like what you think,” agad kong sagot. Kitang-kita ko kasi kung paano niya tiningnan ang bitbit na paperbag ni Miel saka binalik ang tingin sa akin. Hindi na rin nakaimik si Miel.

She just managed to flash a smile. “Anyway, at least I have your number. We have a long story to catch up. Talk to you, soon.” Nilampasan niya na ako at nang sa harap na siya ni Miel ay nawala ang ngiti niya.

Okay, what’s the matter?

Lumabas na kami ng store. “Do you know her?” tanong niya. Umiling-iling ako.

“No, sabi niya siya lang daw ang nag-iisa kong kaibigan at nakatagal sa ugali ko.”

“Nakatagal sa’yo? Gosh, ibig sabihin bitchesa ka talaga. See? Lumalabas na talaga ang old-self mo.”

Binalewala ko na lang sinabi niya. “How about you? Parang may something siya sa’yo.”

He avoided my gaze and answered. “I don’t know her, too.”

Hanggang sa makarating kami sa food court ay tahimik kong napaisip sa mahiwagang babae na ‘yon. She really knows something about me and she has something with Miel, too.

Ano kaya ‘yon?

Tahimik na rin kaming kumakain nang may tumapik kay Miel sa balikat at tinawag siya.

“Mi.” Muntik ko nang maibuga ang kinakain nang marinig ang tawag niya kay Miel at nang makilala siya.

It’s Flynn.

Mabilis akong sumipsip sa drinks ko.

“Oh, Fi. Here you are, c’mon join us.” Hinawakan pa ni Miel ang kamay ni Flynn na nasa balikat niya. Ang sweet naman, parang gusto kong itapon sa kanila ‘tong drinks ko.

“What do you want to it? I’ll order it,” tanong ni Miel pagkaupo ni Flynn sa tabi niya. Nasa harap nila ako  nakaupo. Ito rin siguro ang pinagkakaabalahan ni Miel kanina kakapindot sa cellphone niya, pinapunta niya pala ang isang ‘to.

Nilapag ko ang drinks ko. “What the heck did you just call to each other?” Nanliliit ang mata kong tanong.

Napangiti si Miel habang walang reaksyon naman si Flynn.

“I’ll just order,” paalam ni Miel at tumayo na.

“He likes it,” ani Flynn.

“The what?”

“Me calling him Mi and him calling me Fi.”

“Damn, you’re both sick,” komento ko sa kakornihan nilang dalawa. Medyo may pagkaseryoso kasi si Flynn kaya hindi ko inaakalang pati ang gano’n ay papatulan niya para kay Miel.

Ilang beses ko na silang nakakasama and as what I’ve said minsan nagiging third wheel ako while people thought it’s a love triangle. Every time they are together, I never crossed the line like questioning their label or relationship. I also never asked Flynn if he’s serious for Miel. Naisip ko na ring baka pineperahan lang ni Flynn si Miel because Flynn is living averagely while Miel is a freak. I mean freaking rich.

Mas intimate at clingy kasi si Miel. I chose to shut my mouth and won’t give a damn on their flirting activities.

Yes, I admit. I had a crush on Miel. Had, so it was ended. It was ended when I witnessed how gay he is. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin ayoko siyang maging kaibigan dahil kahit ako’y naging komportable na rin sa kanya.

So, I think I’ll just go third wheeling on them.

Hapon na kami natapos kakarampa sa mall courtesy by Miel at tumama nga ako sa sinabi ko kanina, naging tagabitbit namin si Flynn. Wala na ring nagawa si Miel para pigilan si Flynn. Kinilig pa nga ang bakla dahil sa sweet daw ito.

Palubog na ang araw nang hinatid nila ako sa bahay.

“Thanks for today, Missy girl. Don’t forget to bring the pink bag,” aniya habang nakatingin sa rearview mirror. Nasa back seat ako habang si Flynn ay nasa passenger seat at siya naman ang nagmamaneho.

Isa-isa ko ng kinuha ang mga pinamili ko, dinampot ko na rin ang pink paperbag na naglalaman ng dress na binili niya.

“I told you, I don’t need it but I will keep it dahil binili mo.”

“I’m telling you, you’ll need it someday.”

Hindi na ako sumaggot at bumaba na ng sasakyan. We exchanged goodbyes before he drove off.

Pagkapasok ng bahay ay dumiretso na ako ng kwarto. Wala sina Mama at Papa, malamang nagtatrabaho at mamaya ng gabi pa ang dating. Si Mira naman malamang nagpapakalunod sa kdrama niya sa kwarto.

Inilagay ko sa carpeted floor sa harap ng kama ko ang mga bags. Pabagsak akong humiga sa kama at binuksan ang phone ko. Tinitigan ko lang ang screen.

I will wait for that Gwen to call me.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Traumatic Kiss   Chapter 12

    I was pacing back and forth inside my room. Here it is again. I stare at my hands. Its trembling and sweating, but I can’t feel it. It feels like it isn’t my hands. I clutched my head and it feels like I’m not holding my head.Naiiyak na ako. I’m panicking, I’m so anxious. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama.“Right its 6 in the evening. I’m inside my room, inside our house. Is it a while ago when I talked to Mira?” Tiningnan ko ang pinto ko. “I think so, yeah Mira just left my room.”Hinigpitan ko ang paghawak sa cellphone ko. Shucks, here I am again. Oh, dear Lord please help me.“The date today is July 3, 2020 and yesterday I was with Miel. Yes, Miel...”

  • The Traumatic Kiss   Chapter 11

    “Which color do you think suits me?” Ang gay man nagpapakalalaki na naman ngayon habang pumipili ng damit niya. Ang mga saleslady rito eh nakalimutan yatang may trabaho silang aatupagin kakatingin dito sa baklang ‘to.Pinagpalit-palit niya ang dalawang polo shirt na kulay maroon at gray. Hindi naman ako makasagot agad dahil pareho namang bagay sa kanya.“Kunin mo na lang dalawa,” sabi ko.He just shrugged his shoulder and said Okay. Okay, talk about that he can buy anything.Alas onse na ng umaga at sa ilang stores na aming napapasukan, mas marami pang damit ang nabibili niya kaysa sa akin. Walong bags lang ang bitbit ko ngayon habang ang kanya ay isang dosena.Naglalakad kami at papunta sa food court.“Sana pala sinama mo si Flynn para may taga bitbit tayo,” sabi ko sa gitna

  • The Traumatic Kiss   Chapter 10

    Mabilis ang paglipas ng araw at mabilis din akong naging komportable kay Miel. Baklang-bakla talaga siya na naging komportable na ako sa kanya. Dapat ko ng balewalain kung ano mang pagtingin na mayroon ako sa kanya simula noong kinilig ako sa ginawa niya.Wala na, siya na mismo ang pumatay sa kilig kong ‘yon.Madalas na kaming mag-hang-out ngayon, pero minsan nagiging third wheel ako sa kanilang dalawa ni Flynn. Kaya kitang-kita ko ang kalandian nilang dalawa ‘pag magkasama kaming tatlo.Okay naman si Flynn, mabait at walang panghuhusga.“Ate? Aalis ka?” t

  • The Traumatic Kiss   Chapter 9

    Lumagok ako ng tubig na para bang nakipagkarera ako saka bahagyang binagsak ang baso sa mesa.“What?!” gulat na turan ng gay man na ito. Ibinaba niya ang kutsara at tinidor.Nasa isang fast-food chain na kami at kumakain pero hindi pa rin ako maka-get over sa na-witness ko kanina.“Fuck, you’re really gay,” I said with disbelief and amazement. Yes, I know he’s gay. But I don’t know to what extent his gayness is. The lady just stripped in front of him and... well I appreciate how he covered her body, but to be not affected? It’s on different level.He make-face. “Why? Do you believe I’m straight?”“Hindi lang ako maka-get over. Based on your reaction, its usual, isn’t it?” Dahan-dahan siyang tumango.Kinuha ko na rin ang kutsara’t

  • The Traumatic Kiss   Chapter 8

    “You will be enrolled as a first-year student again, Missy,” sabi ni Mama habang nagmamaneho.“I expected that Ma,” sagot ko naman na diretso lang ang tingin sa daan.Papunta kami ng BIS ngayon at last day na ng enrollment. I had two weeks of thinking about going to school again and I decided.“Will you still take the same course?”“Of course, Ma. Bachelor of Science in Software Engineering is the best.”

  • The Traumatic Kiss   Chapter 7

    Nakahilata lang ako sa kama rito sa kwarto ko at kanina ko pa tinitigan ang number ni baklang Miel sa cellphone.Dalawang araw na ang nakalipas pero iniisip ko pa rin kung tatawagan ko ba siya o hindi. Kung tatawagan nama’y wala rin akong sasabihin. Yes, I helped him, but I don’t intend to make him pay back. If he owed me his life, I haven’t thought of any things on how to pay that.Binalik ko na lang ang cellphone sa bedside table ko at humilata ulit, tiningnan ang kisame. Nakarinig ako ng pagkatok mula sa pinto, bumukas iyon at pumasok si Mira.“Ate!” She&rs

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status