Malalim na ang gabi. Sinipat ko ang cellphone para tingnan ang oras. Alas onse na pala, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Gano’n din yata ang kasama kong ‘to na kanina pa walang imik at kibo.Nagbukas ako ng cup noodles na dala ko, binigyan ko rin siya. Mabuti nalang talaga at sobra-sobra ang mga dala ko.Pinahiram ko na rin siya ng damit. Tshirt iyon dahil 'yon naman ang damit ko lahat, pati na rin camouflage shorts. Asiwang-asiwa na rin kasi ako sa itsura niya, hindi na ako nag-e-enjoy. Masakit na sa mata.Pagkatapos kumain ay nagsindi ako ng mga sanga, malayo-layo sa tent. Mahirap na kung malapit, masunog pa eh. Napapagitnaan namin ang apoy at wala kaming imik. Pero maya-maya lang ay panay ang titig niya sa akin. Ano bang problema ng baklang 'to?"Anong tingin 'yan?""Ahm..." Para siyang balisa, hindi mapakali. Panay ri
Last Updated : 2020-07-28 Read more