Share

Chapter 1

last update publish date: 2020-07-28 09:15:13

I am unpacking my things after giving myself some rest. Nilabas ko ang tent at inayos sa ilalim ng lilim ng malaking puno.

After fixing my tent, I walked towards the edge of the cliff to jump. Syempre joke lang 'yan, hindi naman ako umakyat ng bundok ng ilang oras at ilang tubig ang naubos para lang magpakamatay.

Tumayo ako sa edge at dinamdam ang hangin. Ang ganda ng tanawin, parang pang-Sagada na rin ang view. Pumikit ako para namnamin ang katahimikan. Napaka-refreshing ng lugar, tanging pagaspas ng hangin at huni ng mga ibon ang maririnig.

"Oy oy mga tol! Tulong naman! 'Wag niyo 'kong iwan!"

...at maingay na hiyaw ng lalaking parang bakla rin pala.

Ano ba 'yan, nasa tuktok na nga ako ng bundok para maasam ang katahimikang minimithi ko pero hindi rin pala.

Bumalik nalang ako sa tent dahil nasira na ang solemnity.

"'Nak ng! Seryoso na 'to mga tol! Hoy!"

Nakarinig nalang ako ng mga nag-uunahang yabag.

"Tara tol! Kaya niya na 'yan"

Napailing nalang ako, nagkamali yata ako ng piniling lugar.

"Tulong! May tao ba riyan? Help!"

Ano bang trip ng mga 'to? In-on ko na lang ang maliit na bluetooth speaker na dala ko. I let Bon Jovi hit the place with his It's My Life.

Pumwesto pa akong parang may hawak na gitara at sinabayan ang kanta.

"This isn't a song for a brokenhearted

No silent prayer for the faith-departed!"

"May tao! May tao! Help! Whoever you are with a kind heart! Help me please!"

Napatigil ako sa pag-he-headbang sa narinig. Seryoso na ba talaga 'yan? Naglakad ako patungo kung saan nanggagaling ang sigaw.

"Tulong! Kung sino ka man, please tulungan mo ako!"

Umabot na ako sa dulo ng bangin wala pa rin akong nakikita. Nanlaki ang mata ko, 'di kaya may nahulog na rito? Tapos ngayon nanghihingi ng tulong?

Jusko. Mag-isa pa man din ako.

"Tulong! Nandito ako! Hello? I'm here sa baba! Please naman, the sanga will gonna crack na!"

The sanga will what?! Napaka-conyo, anak ng!

Yumuko pa ako dahil baka nasa ilalim mismo ng bangin ang sumisigaw. I bend my knees and clutch on the big rock beside me. Mahirap na, kakasilip ko sa baba eh ako ang pumaibaba.

Sa ilalim, sa pinakagilid, soon ko nga nakita ang lalaking parang bakla kung humiyaw.

"Miss! Tulungan mo ako! Iniwan ako ng mga walangya kong kaibigan!"

Talagang mahuhulog nga siya at tanging ugat nalang ng puno ang kinakapitan niya, unti-unti na nga rin iyong bumibigay.

"Miss titigan portion lang ba tayo? Patulong naman oh!"

Umatras ako. "Miss! 'Wag kang umalis! Miss tulungan mo'ko! ano, ano ba ahm – ano? Kailangan ko ba talagang gawin 'to? Bahala na – Miss! Ibibigay ko sa'yo virginity ko 'pag niligtas mo ako!"

Huh? Napahinto ako sa paglalakad pabalik sa tent para kumuha ng tali, ano raw? Virginity niya? Aanhin ko 'yon? Nakakayaman ba 'yon?

At saka pwede na palang i-trade ‘yon ngayon?

Nagdadalawang isip na tuloy ako kung tutulungan ko siya.

Baka pala manyakis ito o rapist.

Kinuha ko pa rin ang tali sa bag, girl scout yata 'to. Ilang mga kabundukan at kagubatan na rin ang naeexplore ko kaya always ready na ako.

Aktong ibaba ko na ang tali pero tinanong ko muna siya.

“Bago kita tulungan, paano ako makasisiguradong hindi ka masamang tao?” sigaw ko para marinig niya.

“H-ha?! Do I really need to answer that right now? In the middle of my life and death?”

“Syempre! Hindi ako sigurado. Baka pala runaway convict ka!”

“Shucks! How will I prove it? Magre-recite ako ng bible verse rito?!”

Napailing-iling ako. Wala rin akong maisip para patunayan ang sarili niya. Basta maling galaw niya lang mamaya, kaya kong maging masamang tao para iligtas ang sarili ko.

Hinawakan ko ang dulo ng tali.

"Miss! Are you still there? Tulong!"

"Aish, ito na nga 'wag ka ng magsalita. Ang sakit mo sa tenga. Oh, hawakan mo." Hinulog ko ang kabilang dulo ng tali sa kanya.

Mabilis niya naman itong hinawakan kaya sinubukan ko ng hilain, pero ang bigat niya. "Oy suportahan mo rin sarili mo, ang bigat mo kaya."

Dahan-dahan ko nang hinila ang tali. Dinig ko rin ang paghihikahos niya para maiangat ko hanggang sa huling malakas na ng pwersa ang binigay ko. Napaatras ako at bumagsak nang makaakyat na siya. At dahil sa hila-hila ko ang tali ay bumagsak siya sa'kin.

"Ugh!" I grunted. Ang sakit sa likod.

"So-sorry... Miss?!" nanlalaki ang mata niyang sabi at inaasahan kong tatayo na siya pero wala.  Nakatingin lang siya sa'kin na parang inuusisa ang mukha ko.

"Ba't alam mo pangalan ko?"

"Huh? Uh... Miss...Miss...Miss, babae ka eh."

Ah, ay oo nga pala. Ano ba naman kasing pangalan 'yan, ilang beses na akong naging assuming dahil sa pangalan ko eh. Pakiramdam ko kilala ako ng lahat ng tao.

"Hoy ano na? Alis na, ang bigat mo kaya."

"Ay akala ko kasi sisingilin mo na ako ng virginity ko"

"Ha? Gago!" Tinulak ko siya paalis sa ibabaw ko at tumayo. Pinagpagan ko ang sarili, pagkatapos ay inirolyo ulit ang tali.

“Hindi ko alam kung anong klaseng tao ka pero isang maling aksyon mo lang, makikita mo,” pagbabanta ko. Tiningnan ko siya from head to foot at hindi naiwasang mapatawa sa itsura niya.

Naka-sleeveless at yellow miniskirt siya, wala rin siyang suot na tsinelas. Litaw na litaw ang kaputian niya sa itim na sleeveless pati na rin ang may katamtamang laki niyang biceps. Sinuyod ko ang suot niynag miniskirt, kitang-kita ang makinis niyang legs, may kakaunting balahibo lang. Nakaka-insecure ang kutis niya, at siguro kung sa ibang pagkakataon ko lang siya nakita na iba ang suot niya baka nagka-crush na ako sa kanya.

Pero teka nga, ba’t ganyan ang suot niya? Ginahasa ba siya?

Putek mas lalaki pa ang outfit ko sa kanya. Nakasuot ako ng cargo pants at black v-neck shirt.

Napatingin siya sa sarili. Napakamot siya sa batok at tila nahihiya nang tumingin sa'kin. Tumalikod na lang ako at bumalik sa tent matapos irolyo ang tali.

Siya nama'y parang natuod na sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung ngayon lang ba siya nakakita ng maganda, o multo na ang nakikita niya o 'di kaya'y 'yong nanggahasa sa kanya. Shookt na shookt siya eh.

Naramdaman ko ang pagsunod niya. "A-ano...salamat ulit." Hindi na ako sumagot at dire-diretso lang sa tent.

I'm Missy Variego. Kaya gano’n nalang ang reaction ko kung tinatawag akong Miss.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Traumatic Kiss   Chapter 12

    I was pacing back and forth inside my room. Here it is again. I stare at my hands. Its trembling and sweating, but I can’t feel it. It feels like it isn’t my hands. I clutched my head and it feels like I’m not holding my head.Naiiyak na ako. I’m panicking, I’m so anxious. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama.“Right its 6 in the evening. I’m inside my room, inside our house. Is it a while ago when I talked to Mira?” Tiningnan ko ang pinto ko. “I think so, yeah Mira just left my room.”Hinigpitan ko ang paghawak sa cellphone ko. Shucks, here I am again. Oh, dear Lord please help me.“The date today is July 3, 2020 and yesterday I was with Miel. Yes, Miel...”

  • The Traumatic Kiss   Chapter 11

    “Which color do you think suits me?” Ang gay man nagpapakalalaki na naman ngayon habang pumipili ng damit niya. Ang mga saleslady rito eh nakalimutan yatang may trabaho silang aatupagin kakatingin dito sa baklang ‘to.Pinagpalit-palit niya ang dalawang polo shirt na kulay maroon at gray. Hindi naman ako makasagot agad dahil pareho namang bagay sa kanya.“Kunin mo na lang dalawa,” sabi ko.He just shrugged his shoulder and said Okay. Okay, talk about that he can buy anything.Alas onse na ng umaga at sa ilang stores na aming napapasukan, mas marami pang damit ang nabibili niya kaysa sa akin. Walong bags lang ang bitbit ko ngayon habang ang kanya ay isang dosena.Naglalakad kami at papunta sa food court.“Sana pala sinama mo si Flynn para may taga bitbit tayo,” sabi ko sa gitna

  • The Traumatic Kiss   Chapter 10

    Mabilis ang paglipas ng araw at mabilis din akong naging komportable kay Miel. Baklang-bakla talaga siya na naging komportable na ako sa kanya. Dapat ko ng balewalain kung ano mang pagtingin na mayroon ako sa kanya simula noong kinilig ako sa ginawa niya.Wala na, siya na mismo ang pumatay sa kilig kong ‘yon.Madalas na kaming mag-hang-out ngayon, pero minsan nagiging third wheel ako sa kanilang dalawa ni Flynn. Kaya kitang-kita ko ang kalandian nilang dalawa ‘pag magkasama kaming tatlo.Okay naman si Flynn, mabait at walang panghuhusga.“Ate? Aalis ka?” t

  • The Traumatic Kiss   Chapter 9

    Lumagok ako ng tubig na para bang nakipagkarera ako saka bahagyang binagsak ang baso sa mesa.“What?!” gulat na turan ng gay man na ito. Ibinaba niya ang kutsara at tinidor.Nasa isang fast-food chain na kami at kumakain pero hindi pa rin ako maka-get over sa na-witness ko kanina.“Fuck, you’re really gay,” I said with disbelief and amazement. Yes, I know he’s gay. But I don’t know to what extent his gayness is. The lady just stripped in front of him and... well I appreciate how he covered her body, but to be not affected? It’s on different level.He make-face. “Why? Do you believe I’m straight?”“Hindi lang ako maka-get over. Based on your reaction, its usual, isn’t it?” Dahan-dahan siyang tumango.Kinuha ko na rin ang kutsara’t

  • The Traumatic Kiss   Chapter 8

    “You will be enrolled as a first-year student again, Missy,” sabi ni Mama habang nagmamaneho.“I expected that Ma,” sagot ko naman na diretso lang ang tingin sa daan.Papunta kami ng BIS ngayon at last day na ng enrollment. I had two weeks of thinking about going to school again and I decided.“Will you still take the same course?”“Of course, Ma. Bachelor of Science in Software Engineering is the best.”

  • The Traumatic Kiss   Chapter 7

    Nakahilata lang ako sa kama rito sa kwarto ko at kanina ko pa tinitigan ang number ni baklang Miel sa cellphone.Dalawang araw na ang nakalipas pero iniisip ko pa rin kung tatawagan ko ba siya o hindi. Kung tatawagan nama’y wala rin akong sasabihin. Yes, I helped him, but I don’t intend to make him pay back. If he owed me his life, I haven’t thought of any things on how to pay that.Binalik ko na lang ang cellphone sa bedside table ko at humilata ulit, tiningnan ang kisame. Nakarinig ako ng pagkatok mula sa pinto, bumukas iyon at pumasok si Mira.“Ate!” She&rs

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status