LOGINMaingay pa rin ang music na nagpe-play. Nagbukas ako ng isang coke in can na dala ko. Lumabas ako ng tent at umupo sa malaking bato sa harap nito at tinungga ang coke. At sa lahat ng kilos kong 'yon nakatayo't nakasunod ang tingin ng lalaking 'to sa akin.
Tiningnan ko siya. "May kailangan ka pa?" tanong ko.
"A-ah ano..." Napatingin ako sa coke na hawak ko. Pumasok ako ulit sa loob ng tent at kumuha ng isa pa. Baka kasi na-stress ang lalamunan niya kakasigaw kanina.
"Oh." Initsa ko iyon sa kanya at ‘di siya magkamayaw sa pagsalo. "S-salamat."
"May speech deficiency ka ba?" tanong ko bago tinungga ulit ang coke.
"Huh? Wala. Bakit mo nasabi?"
"Kanina ka pa nauutal."
"Ay hindi. Nagulat lang ako sa'yo. Hindi mo ba ako kilala? P-pwede ba kitang hawakan?" Nagtanong pa't bigla lang din naman akong nilapitan at hinawakan sa mukha.
"Oy teka, ano ba!" Paasik na pinalis ko ang kamay niya.
"Sorry," aniya at napayuko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Sino ka ba para kilalanin?"
"W-wala."
Wala naman pala. Bakit sino ba siya? Baka naman artista at hindi nasanay na walang taong hindi nakakakilala sa kanya. Well, I’m sorry. I was lost in this world years ago. I can’t even recognize my family back then, how much more the people around me that I do not know in the first place.
Binaling ko na lamang ang tingin sa harap ko, sa view, sa mga nagbeberdehang puno. Tanaw na tanaw mula rito ang ganda ng kalikasan. Berdeng puno, asul na ulap at nagliliparang ibon. Napakapayapa. Pero nasira lang dahil sa lalaking ‘to kanina.
"Umalis ka na. Iniwan ka na ng barkada mo," sabi ko.
"Barkada? Hindi ko na sila barkada mula kanina. Iniwan nila ako roon. Hindi na 'yon biro dahil kung 'di mo ako tinulungan malamang nahulog na ako. Kaya thank you talaga ha?" Sabay hawak sa kamay ko pero agad ko iyong kinuha.
Hindi kami close. At bakit ba napakadali sa kanya hawak-hawakan ako? Kanina pisngi ko, ngayon nama’y kamay ko.
At saka iba talaga pakiramdam ko sa kanya eh, iba ang pilantik ng pilikmata niya.
Tumahimik na ako at hindi na sumagot pa.
"Ikaw lang ba mag-isa?" tanong niya.
"Depende," sagot ko.
"Anong depende?" kunot-noo niyang tanong.
"Depende. Kung may nakikita ka pang iba edi hindi ako mag-isa."
Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko at yumapos. Palinga-linga rin siya na parang may kinatatakutan.
"Hoy! Ano ba!" Sabay tulak ko sa kanya kaya napahiga siya sa damuhan. "Sht." Bumangon naman siya kaagad.
"Teka ba't biglang bumaho?" tanong ko habang sumisinghot.
"Ew." Sinundan niya pa ang sinabi ng maarteng ngawa habang tinitingnan ang kamay. Hindi ko alam sa oras na ‘to kung mamangha ba ako sa inaasta niya o sasapukin ko siya.
"Sht nga talaga," sabi ko na lang habang natatawa. Naitukod niya lang naman ang kamay sa alam niyo na. 'Yong mabaho. A poop.
Diring-diri niyang inilalayo ang kamay na kung pwede’y puputulin na lang ito. "Err do you have something –"
"Tubig? Pang-inom ko lang 'yon. Tissue? Nah uh. Not suitable."
Hindi niya rin alam kung anong gawin sa kamay. "Doon oh." Pagnguso ko sa dulo ng bangin.
"Where? May tubig ba roon?"
"Oo, kailangan mo lang tumalon," seryoso kong turan habang siya tinatantya kung talaga bang seryoso ako.
"Ew so hard ka naman. What am I gonna do with this sht?"
Nginisihan ko lang siya at tinapon ang wala ng laman na lata sa malayo saka pumasok sa tent.
Nakarinig ako ng ilang yabag at mga kaluskos. Bahala siya riyan.
Sumapit na ang hapon. Nasayang ang oras ko, imbis na nakapagmasid na sana ako rito at na-enjoy ang view nanakaw pa ng lalaking 'yon ang panahon. Ewan ko nga lang kung talagang lalaki ba 'yon.
Kinuha ko ang cellphone at nag-scan ng playlist ko. Aksidente kong napindot ang sound effect ng lion. Hinayaan ko nalang habang naghahanap pa rin ako ng i-pe-play.
Pero nagulat ako nang pumasok ang lalaking 'to at yumapos sa akin, napindot ko tuloy ang ibang kanta.
"Hoy! Teka, ano ba! Hoy bitiw nga!" Nagpupumiglas ako pero walang epekto dahil sa higpit ng pagkayapos niya sa akin.
Ano ba 'tong nangyayari sa kanya?
"Narinig mo ba 'yon?"
"Ang alin?" kunot noo kong tanong habang siya'y nagmamasid at abang na abang sa labasan ng tent.
"Hindi mo ba narinig 'yong mabangis na tunog? Baka nga lion na 'yon eh. Aren't you scared?"
With that, napahalakhak ako nang bonggang-bongga. As in, ‘yong napapaluha na ako? Ang sakit sa tiyan. Taena. Ngayon lang ako ulit humalakhak ng ganito sa dalawang taon.
"Oy oy what are you laughin' at?"
Kinuha ko ang cellphone na nabitiwan ko kanina dahil sa biglang pagyapos ng isang 'to at pinlay ulit 'yong sound effect. "Ito ba narinig mo?"
"'Yan 'yon?" Tumango-tango ako.
"The fudge. Akala ko totoo na. Bakit ka ba kasi may ganyan?"
"Eh sa nagamit ko 'to dati sa orphan center, sound effects para sa play ng mga bata. Teka nga, bitiw na. Chansing ka na ah."
"Chansing? Eww never been think of that one." Agad naman siyang bumitiw at lumayo.
Wengya. Diring-diri? Kung makayapos nga sa akin kanina eh.
Hindi na ako sumagot kaya binalot na kami ng katahimikan. Dinamdam ko na iyon, bahala na siya. Hindi ko naman siya bisita para libangin.
"Ano...” Napalingon ako sa kanya. “Anong pangalan mo?" tanong niya.
Nakaupo siya habang yakap-yakap ang tuhod. Nakita kong namumula ang paa niya, siguro’y sa kagat ng lamok.Iniwanan ko na siya ng tingin. "Missy," sagot ko at kumalikot na sa cellphone.
"Missy? Hmm..." Nakita ko sa pheripheral vision ko na tumango-tango pa siya na parang may naaalala.
"Ikaw?" tanong ko.
"Ako?"
"Ah hindi, 'yong palaka sa labas baka may pangalan siya eh."
"Oh, ano raw sabi?" Napatingin ako sa kanya at pinanliitan siya ng mata.
Ay aba, kung pilosopa ako mas pilosopo pala ang isang 'to. Pinaikutan ko na lang siya ng mata.
"Mistery," biglang sambit niya.
"Mistery? Ano ka? Pa-mysterious effect?"
"Mistery. Parang sa'yo, Missy. Miss. Akin naman, Mistery. Mister."
Tiningan ko siya at tinatanya kung sigurado ba siya o baka pinagloloko lang ako nito. Malay ko ba kung magkapareho ang daloy ng isip ng mga magulang namin pagdating sa pagpapangalan.
"Ako ba ginagago mo?" nanliliit ang matang tanong ko.
"Chill. Ang hot mo, I'm Miel."
I was pacing back and forth inside my room. Here it is again. I stare at my hands. Its trembling and sweating, but I can’t feel it. It feels like it isn’t my hands. I clutched my head and it feels like I’m not holding my head.Naiiyak na ako. I’m panicking, I’m so anxious. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama.“Right its 6 in the evening. I’m inside my room, inside our house. Is it a while ago when I talked to Mira?” Tiningnan ko ang pinto ko. “I think so, yeah Mira just left my room.”Hinigpitan ko ang paghawak sa cellphone ko. Shucks, here I am again. Oh, dear Lord please help me.“The date today is July 3, 2020 and yesterday I was with Miel. Yes, Miel...”
“Which color do you think suits me?” Ang gay man nagpapakalalaki na naman ngayon habang pumipili ng damit niya. Ang mga saleslady rito eh nakalimutan yatang may trabaho silang aatupagin kakatingin dito sa baklang ‘to.Pinagpalit-palit niya ang dalawang polo shirt na kulay maroon at gray. Hindi naman ako makasagot agad dahil pareho namang bagay sa kanya.“Kunin mo na lang dalawa,” sabi ko.He just shrugged his shoulder and said Okay. Okay, talk about that he can buy anything.Alas onse na ng umaga at sa ilang stores na aming napapasukan, mas marami pang damit ang nabibili niya kaysa sa akin. Walong bags lang ang bitbit ko ngayon habang ang kanya ay isang dosena.Naglalakad kami at papunta sa food court.“Sana pala sinama mo si Flynn para may taga bitbit tayo,” sabi ko sa gitna
Mabilis ang paglipas ng araw at mabilis din akong naging komportable kay Miel. Baklang-bakla talaga siya na naging komportable na ako sa kanya. Dapat ko ng balewalain kung ano mang pagtingin na mayroon ako sa kanya simula noong kinilig ako sa ginawa niya.Wala na, siya na mismo ang pumatay sa kilig kong ‘yon.Madalas na kaming mag-hang-out ngayon, pero minsan nagiging third wheel ako sa kanilang dalawa ni Flynn. Kaya kitang-kita ko ang kalandian nilang dalawa ‘pag magkasama kaming tatlo.Okay naman si Flynn, mabait at walang panghuhusga.“Ate? Aalis ka?” t
Lumagok ako ng tubig na para bang nakipagkarera ako saka bahagyang binagsak ang baso sa mesa.“What?!” gulat na turan ng gay man na ito. Ibinaba niya ang kutsara at tinidor.Nasa isang fast-food chain na kami at kumakain pero hindi pa rin ako maka-get over sa na-witness ko kanina.“Fuck, you’re really gay,” I said with disbelief and amazement. Yes, I know he’s gay. But I don’t know to what extent his gayness is. The lady just stripped in front of him and... well I appreciate how he covered her body, but to be not affected? It’s on different level.He make-face. “Why? Do you believe I’m straight?”“Hindi lang ako maka-get over. Based on your reaction, its usual, isn’t it?” Dahan-dahan siyang tumango.Kinuha ko na rin ang kutsara’t
“You will be enrolled as a first-year student again, Missy,” sabi ni Mama habang nagmamaneho.“I expected that Ma,” sagot ko naman na diretso lang ang tingin sa daan.Papunta kami ng BIS ngayon at last day na ng enrollment. I had two weeks of thinking about going to school again and I decided.“Will you still take the same course?”“Of course, Ma. Bachelor of Science in Software Engineering is the best.”
Nakahilata lang ako sa kama rito sa kwarto ko at kanina ko pa tinitigan ang number ni baklang Miel sa cellphone.Dalawang araw na ang nakalipas pero iniisip ko pa rin kung tatawagan ko ba siya o hindi. Kung tatawagan nama’y wala rin akong sasabihin. Yes, I helped him, but I don’t intend to make him pay back. If he owed me his life, I haven’t thought of any things on how to pay that.Binalik ko na lang ang cellphone sa bedside table ko at humilata ulit, tiningnan ang kisame. Nakarinig ako ng pagkatok mula sa pinto, bumukas iyon at pumasok si Mira.“Ate!” She&rs