LOGIN
"Sister sabi ko protect your heart and don't subo!" Ani Sonniva at hinimas ang aking buhok
Kinuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari. Tapos nagulat siya kasi di naman daw niya inaasahan na magiging ganon ang mangyayari she even said sorry dahil pinilit daw niya ako na magustuhan si Theseus at di na mag move on.
Nakaupo kami ngayon at ako ay nakayakap sa kaniya.
"Okay lang iyon." Mahinang sambit ko at napahagulgol muli
Ang sama sama niya! Marunong lang humarot pero walang isang salita! Bakla nga pala siya kaya wala siyang balls!
Mas napipilitan pa akong mag move on kaysa sa ibigin siya at umasa sa wala. Kung dati at kinikilig pa ako kapag naalala ko siya ngayon hindi na talaga! Naiinis na ako sa kaniya! He's a cheater and i must tell that to his girlfriend.
Pero magiging mukha akong kabit kapag ginawa ko iyon. Malay mo hindi lang siya sa akin ganon. Hindi lang naman ako ang nag iisang babae na may gusto sa kaniya! Marami kami at isa ako sa mga mapalad na nasaktan niya!
Naalala ko ang halik na pinagsaluhan namin. Nakakasuka na nakakadiri!
Kinuha ko ang handkerchief na nasa bulsa ko at pinahid ng mariin sa aking labi ang panyo.huli na nga iyon kailan ma'y hindi ko na nais pang makahalikan siya! Isang malaking pag sisi na nagpa ubaya ako!
Napayakap ako ng mahigpit kay Sonniva habang nagpupunas ng luha.
"Oi bukas ha, wala na talagang malaking T bukas ha." Paalala niya at niyakap ako
"Ofcourse tama lang naman talaga yon. Hinding hindi na talaga last na iyon!" Naiinis na sambit ko at napasinghot
"Oy kahit mahilig ako magpalibre ayaw ko pa rin nakikita na luhaan kang lalapit sa akin. Mas matagal kaya ang relationship natin!" Aniya at biglang kumunot ang kaniyang noo
Napatawa ako at napapunas sa aking mata, tama naman kasi mas nauna kong nakilala si Sonniva kaysa kay Theseus. Hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan namin para lang sa isang lalaki na walang ibang ginawa kundi ang saktan ako. Sa bibig na mismo niya nanggaling hindi magiging kami at hindi rin siya magiging akin. edi wag niya!
naglakad lakad kami ni Sonniva nag uusap lang kami ng kung ano ano ng biglang may tumamang bola sa noo ko.
"Sonniva!!! ang saket!!" sigaw ko at napaluha dumagdag pa kasi yung binigay na sakit ni Theseus kaya naiyak talaga ako.
pakiramdam ko ay anytime mahihimatay ako pero mas nangingibaw ang emotional pain ko kesa sa sakit ng ulo ko.
"Omg! sister!!buhay ka pa ba?!!!" sigaw niya at dinaluhan ako at pinilit na itayo para madala sa clinic.
bago ko pa siya mahawakan ay dumilim na ang paligid ko.
SONNIVA'S-
Nagulat ako ng bumulagta nalang siya sa damuhan at papikit na ang kaniyang mata, agad ko itong sinubukang itayo.kung biro niya lang ba ito o kung ano. kanina lamang ay umiiyak siya ngayon naman nahimatay.
jusq! lagot ako sa kaniya!
sisigaw na sana ako para humingi ng tulong ng lumapit sa akin si Dallas ang pinakagwapo kong crush pero hindi namana ako gusto! palibhasa ang gusto ay mga models na malalaki ang dede tapos mabait.
"sorry sonniva, hindi naman sinasadya ng kateam ko na matamaan siya." aniya at lumuhod at chineck niya ang pulso ni Nahia at ang paghinga nito
nilapit niya ang mukha niya at mukang manghahalik pa! agad akong nataranta at nagsalita "hoy! bakit mo hahalikan? tanga ka ba? hindi naman siya si aurora ah-
"shut up! i'm checking her if okay ba ang paghinga niya." aniya at binuhat na ng tuluyan si Nahia at tumayo siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa clinic
"anong nangyari?!" galit na tanong ni Pres. at ang mata ay masamang nakatitig kay Dallas pati ako ay binalingan ng masamang tingin!
Aba! kung hindi niya sinaktan ang kaibigan ko hindi yon mangyayari! hindi iiyak ang kaibigan ko! kapal niya! kung di lang siya Presidente ay nahampas ko na talaga siya in Public kaso masyadong marami ang fans at lovers niya kailangan maging lowkey lang.
"Bakit mo samin tinatanong? ikaw kaya ang nanakit dito." galit na sagot ko sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay
kumunot naman ang noo niya at napatitig kay Nahia na naka- pikit at walang malay. jusq sana ayos lang siya kasi baka hindi ko matiis at masampal ko nga talaga itong lalaki na ito!
"tss! that's not what i'm asking! akin na nga siya!" Ani Theseus at pilit na kinuha si Nahia kay Dallas.
"oh! pagkatapos mo saktan kaibigan ko may pake ka pa?!" galit na sunod kong kwestiyon sa kaniya
"whatever." maikling sagot niya at parang siya pa ang galit.
pare-parehas kaming napatakbo papunta sa clinic, kaming dalawa ay nasa likod. pinapatabi niya rin ang mga estudyante na nakaharang pinagbantaan niya pa ang iba na hindi agad umalis. labis na kaba ang nararamdaman ko dahil parang kapatid ko na si Nahia at di ko kaya na masasaktan siya ng kung sino lang.
oo binibiro ko siya na sana hindi siya i-crushback pero, hindi naman ganito pakiramdam ko ay stressed na stressed na siya sa mga nangayayari sa kaniya. At hindi ko alam kung anong gagawin ko sa lalaking ito kapag may nangyaring masama kay Nahia.
Nang maipasok si Nahia sa loob ng clinic ay agad niya itong inihiga sa kama at pinatawag ang nurse.
Lumabas ako para di ako mabadtrip sa President na yon. Saka hindi ko muna gustong marinig ang sasabihin ng nurse.
Umupo ako sa may upuan malapit sa may clinic. Napabuntong hininga ako at napaisip.
Sana nga ay anumang oras ay magising na siya. Kinakabahan ako dahil baka makagalitan ako ni Tito. Syempre kaibigan ko siya at nagtatanong pa rin ang parents niya sa whereabouts ni Nahia.
Naramdaman kong may umpo sa tabi ko at nakita kong si Dallas iyon. Matagal ko na rin siyang kilala at nakakapag usap naman kami, oo isa siya sa mga crush ko pero hanggang don nalang yon.
"Hey.." aniya
"Hey your face dickhead!" Mataray na sagot ko sa kaniya
Ngumisi siya at tumingin sa akin.
"I'm talking to you nicely and i i got a nice answer." He sarcastically said at natatawang ginulo ang buhok ko, he really knows how to annoy me.
"Dahil sayo nahimatay kaibigan ko!" Bulyaw ko at hinampas siya sa braso niya.
He said ouch in a girly way manner, bakla ba talaga lahat ng lalaki sa council? My god! Nakakaloka sila!
"I already said I'm sorry, tanga ka ghorl?" Aniya
"Tanga ka din ba? Soccer ball tumama sa ulo niya! Kahit ano pang sabihin mo ghorl, kasalanan mo yon!" Paninisi ko sa kaniya and i rolled my eyes at him
He did the same and spoke.
"It's not my fault, nobody's fault it's an accident. Wala ka ring karapatan na sisihin ang teammate ko dahil hindi niya iyon sinasadya.sisihin mo si pres tignan mo bukas wala ka na dito sa school."
"Bobo ka?hindi naman ako uto uto para sundin ka noh!" Mataray ma sabi ko sa kaniya at umirap muli
He just laughed at me at naputol lamang ang tawa niya ng lumabas si Theseus at mukang may hatid na magandang balita sa amin pero poker face pa din siya takot yata malaman ng iba na may iba pa siyang expression.
"The nurse said she's now fine, paki alagaan naman Sonniva." Aniya na kinainis ko
"Hoy kahit di mo sabihin gagawin ko yon! Di ako puro pangako at sabi lang gaya mo!" Sagot ko sa kaniya at napatayo
Nakipagtapatan ako ng tingin sa kaniya at ganon din ang ginawa niya.
Napabuga ako ng hangin at magsasalita na sana ng unahan niya ako.
"Babalik ako, puntahan mo muna siya kakausapin ko lang last subject teacher niyo." Aniya na ikinagulat ko
At kailan pa niya nalaman ang class schedule namin??? Ano ang ibig niyang sabihin?
"Stop that sht Sonniva, I'm the president." Sabi niya ng mapansing nagtaka ako sa sinabi niya
Well sbagay may point naman siya baka naman nabasa niya kasi araw araw ay madami siyang dalang papeles.
Pumasok ako sa loob at nakita ko sa aking gilid na nag usap pa sina Dallas at Theseus.
Puro oo at tango lang ang naiintindihan ko. Napansin naman nilang nakikinig ako sa usapan kaya agad akong pumasok sa loob at pumunta sa may bed ni Nahia.
She's sleeping peacefully at halatang namumutla at pagod na pagod. Kanina pa active katawan niya hindi lang sa academics pati rin sa pag ibig pero sa tingin ko mas napagod siya sa pag ibig niya para sa lalaking hindi naman siya gusto at ginusto.
Naawa ako sa kaniya kapag kinukwento niya ay palaging tungkol kay Theseus. Kahit masakit sa kaniya ay sige lang siya kasi sabi niya nga ay mahal niya at ganon naman daw kapag nagmamahal.
Ayokong maramdaman niya ang naramdaman ko noon. Hindi ko talag alam bakit ganito kami sa pag ibig.
Umupo ako sa may gilid kung saan malapit ang table. Mahimbing ang tulog niya at mukang walang dinadalang problema.
Nagulat ako ng unti unti niyang ginalaw ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking kamay.
Minulat niya ang kaniyang mata at biglang tumulo ang luha.
"Sana hindi nalang ako gumising." Aniya at humagulgol at napaluha na rin ako dahil sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig
092220
—
Salamat po if ever na may nagbabasa hihi
Imbes na nakauwi na ako ay, heto naririto ako at isinama ng buong council sa date ng couple na nasa harap ko. Ashalee is so sweet to Theseus, they looked so good together.
"Sister sabi ko protect your heart and don't subo!"Ani Sonniva at hinimas ang aking buhokKinuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari. Tapos nagulat siya kasi di naman daw niya inaasahan na magiging ganon ang mangyayari she even said sorry dahil pinilit daw niya ako na magustuhan si Theseus at di na mag move on.
"Sumama ka sakin."aniya at tila hindi man lang pinakinggan ang aking sinabi na ayaw ko"Ayaw ko nga diba! bitawan mo ako!!"saka ko pinilit na tanggalin ang kaniyang pagkakahawak
Hanggang ngayon namumula pa rin ako, epal kasi tong si Sonia nakakagigil! Kanina ang tapang ko ngayon eto tiklop ako at pahiya nanaman sa harap niya.But i managed to benormalhindi iiyak, hindi tatawa, hindi mag rereact, kahit inis na inis na ako!They're laughing at me!! T_T nakakagigil! Tapos pigil na pgil pa parang natatae lang.Tahimik na liningon ko sila.Heis just silent nagsusulat
Pagmulat ko ng aking mata kusang tumulo ang aking luha. Naalala ko nnman ang ginawaniyasa akin at ang pangyayari kanina bago ako mawalan ng malay.Sabi ko na nga eh mag mo-move on na ako tatapusin ko na ito. Last na talaga yon.
Lumabas na ako ng classroom ng mag bell na it's already break time kaso ay 40 minutes lang Kailangan mabilis ang galaw.Naramdaman kong tumayo siya at nagmamadali na inayos ang kaniyang bag at dinala ang mga mahahalagang gamit.Nagmamadaling lumihis ako ng d