Share

ULTRA EIGHT

Author: iMarjayNari
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-08 21:34:12

ULTRA GAYS GALAXY

REMAKE 2020

©iMarjayNari

(Kaminari amanashi)

ULTRA EIGHT: FAREWELL

Makalipas ng tatlong araw ay medyo nahasa na ang aking stilo sa pakikipaglaban. Lumiksi ang aking galaw 'di gaya ng dati na natatapilok ako sa tuwing umiilag ako sa mga atake ni Meiji. Kaya ko na ding kontrolin ang ipinamalas ni Meiji na kapangyarihan; ang kapangyarihang mapanira na isang pitik lang ay kayang gibain ang isang gusali.

"Huwag mong pigilan ang kapangyarihan ni Kitsune, hayaan mong lamunin ka ng apoy niya!"sigaw ni Meiji na nasa itaas ng puno habang abala kami sa pag-eensayo.

"Duh! Ang init kaya buti naman sana kung hindi mainit noh!"sigaw ko palabalik saka 'ko in-atras ang aking kanang paa upang bumwelo. Huminga ako ng malalim at inipon ang enerhiya sa magkabila kong paa.

"Ang enerhiya ay maaaring ilipat sa kahit anong parte ng iyong katawan. Bilisan mo nga! Kanina pa ako nilalamok dito sa taas."

Napakamot ako ng ulo at inirapan ito, "Willing to wait? Alalahanin mo baguhan palang ako. Aba! Madali bang umakyat ng puno na gamit lang ang paa."pagmamaktol ko naman, ilang sandali pa ay naramdaman kong gumaan ang aking mga paa kaya naman agad akong bumwelo sabay takbo sa may puno. Mistulang ninja ang aking takbo paakyat ng puno, pakiwari ko'y dumaan din ako sa pagsasanay ng Team 7 sa panuod na Naruto. Pagdating ko dito sa taas ay agad akong sumampa sa malaking sanga ng punong ito.

Walang ibang makikita kundi luntian, pati ang mga sanga dito'y kulay berde dahil sa pinapalibutan na rin ito ng lumot.

"Subukan mong ilabas 'yung apoy ni Kitsune, dapat ngayon palang ay alam mo na dapat itong gamitin."wika ni Meiji.

"Mainit nga!"

"Subukan mo lang, kapangyarihan mo 'yan dapat tanggapin mo ng buo."ani'to kung kaya't humalukipkip ako at inirapan si Meiji.

"Remember! Hindi ako gaya ng sa binabasa kong wordpad na taglay na nila ang superpowers. Tao ako noh at hindi fictional character gaya sa wordpad."tugon ko naman.

Marahang tumawa si Meiji at ilang sandali ay seryosong tumitig sa akin. "Walang mangyayari kung hindi mo ilalabas ngayon ang taglay na binigay sa'yo ni Kitsune. Kung puro reklamo ka ay wala kang ma-ililigtas na tao, isipin mo nalang na ito na ang huli Jonel."aniya at sa isang kisap mata ay nandito na siya sa aking harapan.

"Kung iisipin natin Jonel, sa pagrereklamo mo ngayon ay maaaring mabigo ka sa isang misyon. Tandaan mo, bilyun-bilyong tao ang nandito sa mundo kabilang ang mga mahal mo sa buhay. Kakayanin mo bang makita silang naghihirap?"

Napaisip ako sandali at tila nakaramdam ako ng takot at lungkot, hindi ko naman kasi inaasahan na ganito pala kahirap maging isang bayani. Natatakot ako na baka sa unang laban ko palang ay mamamatay na'ko. Inaamin kong hindi mapagkakatiwalaan si Larry at Julian dahil alam kong reklamador din sila gaya ko. Hindi naman sa minamaliit ko ang kanilang kakayahan ngunit may kutob talaga ako na mabubura nalang kami sa unang laban.

"Bakit kasi ako pa? Oo pinangarap ko dati na maging isang superhero, pero ngayon, hindi na. Pwede bang kayo nalang?"atrasado kong wika na ikinailing naman niya.

"Matagal na kaming nandito Jonel, itinakda talagang may tagapagtanggol ang inyong mundo at ikaw 'yun wala ng iba."tugon naman ni Meiji.

"Alisin mo ang mga negatibong bumabagabag sa isip mo. Kaya nga sinasanay na kita para may panghahawakan ka sa mismong labanan ninyo. At isa pa'y 'di na kami magtatagal dito, marahil mamaya ay babalik na kami sa aming lugar."dagdag pa niya dahilan para panliitan ko siya ng mata.

"Wait lang naman, bakit atat na atat kang umuwi sa inyo. Echoserong pogi na 'to, hindi ko pa na bubuksan ang kapangyarihan ni Kitsune. Oi! Hindi pa kami handa."sabi ko habang nagpapadyak ng paa.

Ngumisi ito at humlukipkip, "Sa huling pagkakataon. Ibigay mo na ang iyong natutunan; nais kong makita kung may nahubog ba sa'yo."wika nito at mabilis na lumundag pa atras.

Agad naman akong lumukso sa pinaka itaas ng punong kinatatayuan namin upang kumuha ng bwelo sa gagawin kong atake. Maya-maya ay lumukso din ito sa mga sanga upang pumunta dito sa aking kinatatayuan, kung kaya't inipon ko ang enerhiya sa aking hita at pwersa akong lumundag upang lumipad sa kabilang puno. Ganon din ang ginawa ni Meiji at noong makalapit ito ay biglang nabalot ng kulay asul na liwanag ang kanyang kamao, kasabay nito ang pagsuntok sa akin ngunit agad akong tumabingi pakanan bilang pag ilag. Iniumang ko naman ang aking kaliwang paa at inipon din ang enerhiya sabay sipa ng malakas sa tagiliran ni Meiji dahilan para tumilapon ito at tumama ang katawan sa kabilang puno.

Hinawi ko ang aking buhok at inipit ito sa likod ng aking tainga. "Meiji gusto kong ibigay mo din ang iyong tunay na lakas. Gusto kong masubukan kung hanggang saan ang kaya ko."sabi ko dito kung kaya't agad itong umayos at ininat ang kanyang magkabilang kamay. Lumundag ito pababa at sumenyas na sumunod din ako.

"Sige kung 'yan ang gusto mo."tugon nito sabay kindat, ikinuyom niya ang magkabila nitong kamao at dito ay binalot ng kulay asul na liwanag tulad ng kanina.

Naging alerto ako sa mga oras na 'to dahil alam kong malakas talaga si Meiji. Ayokong maging kaawa-awa sa harap niya kaya naman in-atras ko ang aking kaliwang paa upang bumwelo.

"Nandiyan na ako, ipapakita ko sa'yo kung paano makipaglaban ang isang tagapag-alaga ng planetang earth!"sigaw niya nang bigla itong sumulpot sa aking harapan kaya naman namilog ang aking mga mata dahil sa gulat. Niyuko ni Meiji ang kanyang katawan at buong pwersang sinuntok ang lupang kinatatayuan ko; dahilan para magdulot ito ng malakas na pagsabog at pag-angat ng lupa.

Bumulagta ako sa damuhan at nagkalat ang mga malalaking bato sa paligid dulot ng ginawang atake ni Meiji. "Huwag ka lang humiga diyan, nandito na ako!"sigaw pa niya kaya naman agad akong gumulong at mabilis na bumangon. Nagtamo ako ng gasgas sa katawan ngunit hindi ko ito ininda bagkus nag-pokus ako sa pakikipaglaban.

"Napatumba mo ako dahil mabilis kang kumilos. Humanda ka din!"bulalas ko sabay takbo palapit sa kanya, noong makalpit ako ay akma niyang suntukin ang aking mukha ngunit kaagad akong lumundag upang pumunta sa kanyang likuran. Inipon ko ang enerhiya sa kanan kong kamao at dito'y binalot ito ng kulay berdeng liwanag.

"Nandito ako sa likuran mo!"tiim bagang kong sigaw at hinablot ang kanyang likod kasabay no'n nang paghampas ko sa kanya sa lupa. Nagdulot ito ng malakas na pagsabog at nagkalat ang mga alikabok sa paligid, nagtamo din ng malakas na pagyanig ang lupa dahil sa lakas ng impact.

tumambling ako paurong at nilagutok ang aking leeg. "Paghilumin mo lahat ng sugat ko pagkatapos nito a."sabi ko at muling tumakbo papunta sa pwesto niya, pagdating ko sa harapan niya ay muli kong ginawad ang aking kamao ngunit bigla itong nawala.

"Sa likod mo!"sigaw niya kaya nilingon ko ito nang makita kong nakalahad na pala ang kanyang kamay at handa nang pumitik. Walang plano na lumabas sa aking utak at tila natuod ako sa aking kinatatayuan. Pinitik niya ang hangin kasabay ng pagsabog nito sa aking harapan, dahilan para tumilapon ako palayo sa kanya at sumadsad ang aking katawan sa batuhan.

Napangiwi ako sa sakit saka muling bumangon. Pakiwari ko ay nalumpo ako sa ginawang atake ni Meiji, baka mamaya fractured na lahat ng buto ko dahil sa kanya. Agaran akong bumangon at kinuyom ang aking kaliwang kamao sabay suntok sa'king kanang palad.

"This is my time to shine, please Jonel makisama ka."bulong ko sa aking sarili at muling inipon ang enerhiya sa aking kanang kamao. Ilang saglit pa ay agad kong sinuntok ang lupa kung kaya't gumapang ang patusok na kulay berdeng enerhiya papunta sa direksyon ni Meiji. Hindi niya nagawang umilag dahil mabilis na gumapang ang enerhiyang pinakawalan ko, mistulan itong geyser na sabay-sabay sumabog papunta kay Meiji. Sumemplang ang kanyang katawan sa kalayuan na parang isang laruan. Pakiramdam ko tuloy ay nagamit ko ng husto ang aking enerhiya.

Yumukod ako at humawak sa aking tuhod, "Ta-Tama na, na-nakakapagod din pala. TIME OUT!"hingal kong wika at dito'y bumagsak ang aking katawan sa lupa. Naligo ako sa sarili kong pawis at sobrang init sa pakiramdam dulot ng pagod. Para bang dumidilim ang aking paningin at nakakaramdam ako ng hilo.

●●●

Alas cinco ng hapon noong makabalik kami ni Meiji dito sa gilid ng dagat na kung saan malapit lang sa aming bahay. Nandito na din sina Julian at Larry kasama ang kanilang tagapagsanay—sina Gira at Phaleos. Kapansin-pansin sa aking kaibigan ang puro gasgas at madumi nilang damit dahil sa ginawang pagsasanay.

"Nabuksan na ba ni Jonel ang binigay ni Kitsune?"tanong ni Gira noong makaupo ako sa malambot na buhanginan. Kulay puti at pinung-pino ang naturang buhangin.

Umiling naman si Meiji saka tumingin sa akin, "Nahihirapan siyang buksan ito, pero susubukan nating buksan doon sa walang taong lugar."sagot naman nito.

"Pipilitin niyong palabasin? Baka mahimatay ako?"kinakabahan kong tanong sa kanila.

Tumango si Phaleos at tila sumasangayon sa akin. "Hayaan natin si Jonel mismo ang bumukas nito. Kung pipilitin natin siya ay baka bumigay ang kanyang katawan."tugon naman nito.

Kumunot ang noo ni Gira sa sinabi ni Phaleos, "Wala tayong magagawa kundi gawin 'yun. Aalis na tayo mamaya at dito na nagtatapos ang kanilang pagsasanay."ani Meiji

"At isa pa'y na buksan na nila Larry at Julian ang kanilang awakening transformation. Si Jonel nalang ang hindi."sabi naman ni Gira sabay tingin sa dalawa kong kaibigan.

"Well, maganda kasi kami kaya madali naming na buksan ang chuchu transformation namin. Owemgi! Marunong na ako gumamit ng baril."natutuwang wika ni Julian.

"Ewan ko ba kay papa Phaleos, palagi kaming nag swo-swordfight don't get me wrong ha! Literal talagang swordfight."sabad naman ni Larry na nakaupo sa gilid, habang hinahangin ang kanyang buhok.

Pumakawala ng isang buntong hininga si Meiji at tumango, "Sige. Hayaan natin si Jonel na mag bukas ng bibigay ni Kitsune. Pero, mapipilitan akong ibigay sa kanya ang sandata kong murasame."ani'to kaya naman napatingin si Gira at Phaleos sa kanya.

"Mapanganib ang murasame, hindi dapat binibigay kung kani-kanino ang espadang 'yan."tugon naman ni Phaleos.

Kumunot naman ang aking noo sa kanilang pinag uusapan, "Sandali nga, ano bang meron sa murasame na 'yan?"tanong ko naman.

Napatingin sa akin si Meiji at ngumiti. "Isa itong mapanganib na armas na kung sino man ang masusugatan nito ay tiyak na mamamatay agad. Ito ay dahil sa sumpa nitong taglay, ang sumpang kayang kumitil ng buhay."paliwanag niya sa akin kung kaya't napatango ako.

"Ikaw ang bahala Meiji. Pero sa ngayon kailangan na nating ibigay ang kani-kanilang armas dahil malapit ng magdilim."tugon naman ni Gira.

Tumango kaming lahat at nagsitayuan, nagtabi-tabi kami nila Julian at Larry. Dito ay humarap sa amin ang aming tagapagsanay, sa oras na'to ay tila may namumuong kaba sa aking dibdib pero pilit ko itong iwinawaksi at pilit na nagpapakatatag.

Malamig ang hangin at kapwa tinatangay nito ang aming damit at buhok, wala na rin tao sa paligid. Tanging alon nalang na humahampas sa dalampasigan ang maririnig at ang mga ibong lumilipad sa ere.

Pumakawala ng isang buntong hininga si Phaleos at lumapit kay Larry, ngumiti ito ng matamis kung kaya't napakagat ng ibabang labi si Larry animo'y kinikilig.

"Larry, tanggapin mo ang aking regalo para sa'yo. Sana ay ingatan mo itong sandata ko. Ito ay maaaring maging sibat at makapangyarihang tungkod ng oras at espasyo. Binabati kita, isa ka ng ganap na bayani."wika ni Phaleos at inabot nito ang hawak niyang sandata.

Isang mahabang tungkod na may manipis na talim sa magkabila nitong gilid doon sa dulo. Sa gitna ng ng dalawang talim ay may nakalagay doong hugis bilog na kristal at may asul itong kulay. Mistulang armas ito ni Adhara doon sa panood na Encantadia.

"Oh gosh! Number one fan ako ng encatadia. Naku, hindi ko inaasahang mapapasakamay ko ang tungkod na'to."natutuwang wika ni Larry at kinuha ito sa kamay ni Phaleos.

"Oh yeah! Pangarap ko dati na maging isang superhero. Noong bata ako, gustong-gusto ko dati na maging si Superman, pero noong nag matured na ako, gusto ko nang maging si Wonder woman."ani Larry at lumapit kay Phaleos sabay lingkis ng kanyang kamay na tila isang butiki. "But now, ikaw na ang pangarap ko. Coz you know why? I found something special in you naks! Sarap sa ears."malandi niyang hirit sa tagapagsanay nito dahilan para matawa si Phaleos.

Ilang sandali pa ay lumapit si Gira kay Julian at ginawaran niya ito ng matamis na ngiti. "Julian, alam kong nasabihan kita ng masasakit noong nag eensayo pa tayo. Pero, gusto ko lang naman na maging seryoso ka kaya nasabi ko ang mga bagay na'yon. Hayaan mo, ang kapangyarihang ipinagkaloob ko sa'yo ay magdadala sa'yo ng kinang. Ngunit, tanggapin mo muna ang aking regalo at sana'y ingatan mo ito."sabi ni Gira at inabot kay Julian ang dalawang Shipka SMG na may kakaibang disenyo.

Ang baril na'to ay hindi basta-basta ordinaryong baril, ang kaksahan nito ay tila babasaging tube na may kulay dilaw sa loob. Kaagad namang kinuha ni Julian ang kanyang armas at niyakap niya ng mahigpit si Gira.

"Salamat master Gira."ani'to.

"Basta gamitin mo 'yan sa kabutihan a."sabi naman ni Gira at muling niyakap si Julian. At habang sa ganoong katuwaan ng dalawa ay lumapit na si Meiji sa akin.

Nilahad niya ang kanyang kamay at dito ay lumitaw ang isang katana na nakalagay sa lagayan nitong kulay itim. Inabot niya sa'kin ang katanang 'yon at saka hinugot mula sa lalagyan.

"Ang murasame, heto pahalagaan mo at sana huwag mong gamitin sa katuwaan dahil nakakamatay 'yan."ani Meiji at muling binalik sa lalagyan nito. Kulay pula ang kanyang hawakan at parang nay nakasulat na characters dito.

"Salamat, pangako iingatan ko 'to. Pero sana bago ka man lang umalis ay pa kiss nga pliit?"

Umirap ito at inamba ang kanyang kamay na handang pumitik, sumimangot naman ako at inirapan siya sa ere.

"Kiss lang naman e! Ang damot mo talaga."pagmamaktol ko dahilan para matawa ito. Nagpatuloy pa ang aming katuwaan hanggang sa tuluyan na nga silang binabalot ng liwanag. Dito ay napagpasiyahan nilang magpaalam upang bumalik na sa kanilang lugar. Pinanood namin silang lumutang sa ere hanggang sa tuluyan na silang bumulusok palipad ng kalawakan.

Tahimik at magkaakbay naming nilisan nila Julian at Larry ang tabing dagat. Heto na, nandito na ang bagong tagapagtanggol ng mundo.

"Wait anong name ng grupo natin?"tanong ni Julian habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Larry kasi dumating 'yung ate niya galing Japan.

"Alam niyo kagabi ko pa 'yan naisip. Gusto ko na ang tawag sa atin ay Power puff gays!"puna ni Larry.

Napakunot ako ng noo sa naisip niya, parang wala namang originality kung iyon pa ang itatawag sa amin. "Guys what if, Ultra Gays Galaxy nalang para mas malakas ang datingan, since tagapagligtas tayo ng mundo."sohestiyon ko naman.

"Okay lang sa akin basta ako excited nang kumain ng dinner kina Larry. Bigyan mo kami ng chocolate a."ani Julian.

Natawa naman si Larry, "Kawawang Julian. Sige na nga ang mahuli hindi magkaka-jowa o kaya naman magiging monstercock ang titi niyo."pag de-deklara ni Larry saka ito bumitaw sa akbayan naming tatlo at tumakbo ng mabilis.

"Aba! Walang ganiyanan mga bakla!"sigaw ni Julian na hirap itong tumatakbo para habulin kami. Binalot ng tawanan ang buong kalye habang kami ay tinatahulan ng aso mula sa bawat bahay na aming nadadaanan. Ito na ang pinakamagandang kayamanan ang meron ako. Ang aming pagkakaibigang hindi kailanman masisira...

●●●

Pagdating namin ng bahay nila Larry ay na abutan namin ang pamilya niyang kumakain at masaya silang nag salo-salo doon sa kusina nila.

"Tara kain! Sa'n ba kayo galing at ang dudungis ninyo?"tanong sa'min ng mama ni Larry.

"Boyhunting ma. Hindi ko naman ine-expect na may papatol sa akin, kaya 'yun wasak na—charot lang!"tugon naman ni Larry at umupo kami sa harap ng hapagkainan. At dito ay kumain kami ng niluto nilang ulam isa na dito ang paburito kong alimango na sobrang laki at mga hipon.

Habang sa ganoong pagkain ko ay palihim akong sumusulyap sa ate ni Larry. Mas gumanda pa ito 'di kagaya ng dati na parang hindi na aangat pa, iba talaga ang epekto ng cultural adaption. Napansin kong kulay pula din ang kanyang buhok na bumagay sa kanya. May hikaw ito sa pagitan ng butas ng kanyang ilong na para bang badgirl ang dating. Madami pa kaming pinag usapan isa na doon ang aming papasukang paaralan kapag tumunton na kami ng G12.

GABI na noong napagpasiyahan naming umuwi. Binigyan naman kami ni ate Zai ng sabon, lotion at mga chocolates at talaga namang ikinatuwa namin ni Julian. Nagpaalam muna si Larry at ihahatid daw kami sa bahay kahit walkinh distance lang 'to.

Tumigil kami dito sa tapat ng aming tarangkahan at dito'y nagpaalam na kami sa isa't-isa.

"Oy! Pakisabi ulit sa ate mo salamat a!"sambit ko na ikinangiti ni Larry.

"Parang pamilya na din tayo noh! Hayaan mo makakarating kay ate promise."ani Larry.

"Hay! Paniguradong mag pi-piyesta ang tiyan ni Julian mamaya."hirit naman niya dahilan para sumimangot si Julian.

"Sige goodnight na dahil naaamoy ko na yung mga pawis natin. Kitakits nalang sa school bukas bye."bati ko sa kanila. Papasok na sana ako sa loob nang may mapansin akong tao doon sa tuktok ng poste ng mga kable. Nakaupo ito na parang palaka at hinahangin ang kanyang buhok at mahabang kasuotan, hindi ko siya maaninag dahil nasa likod lamang niya ang bilog na buwan at tanging kulay pulang buhok lamang ang aking nakikita.

"Akala ko ba papasok ka na?"tanong ni Julian kaya agad nabaling sa kanya ang aking atensyon.

"Wala, sige na babay ingat kayo sa daan."sabi ko at muling tinignan ang babae sa taas ng poste ngunit wala na ito.

Sino siya?

Itutuloy...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ultra Gays Galaxy   ULTRA EIGHT

    ULTRA GAYS GALAXYREMAKE 2020©iMarjayNari(Kaminari amanashi)ULTRA EIGHT: FAREWELLMakalipas ng tatlong araw ay medyo nahasa na ang aking stilo sa pakikipaglaban. Lumiksi ang aking galaw 'di gaya ng dati na natatapilok ako sa tuwing umiilag ako sa mga atake ni Meiji. Kaya ko na ding kontrolin ang ipinamalas ni Meiji na kapangyarihan; ang kapangyarihang mapanira na isang pitik lang ay kayang gibain ang isang gusali."Huwag mong pigilan ang kapangyarihan ni Kitsune, hayaan mong lamunin ka ng apoy niya!"sigaw ni Meiji na nasa itaas ng puno habang abala kami sa pag-eensayo."Duh! Ang init kaya buti naman sana kung hindi mainit noh!"sigaw ko palabalik saka 'ko in-atras ang aking kanang paa upang bumwelo. Huminga ako ng ma

  • Ultra Gays Galaxy   ULTRA SEVEN

    Ultra Gays GalaxyRemake 2020© iMarjayNari(Kaminari amanashi)ULTRA SEVEN: Killing SpreeKinaumagahan, alas cinco ng madaling araw no'ng bumaba ako ng silid. Dahan-dahan at hindi ako gumawa ng kahit anong ingay habang palabas ng aming bahay. Pagdating ko palang dito sa tarangkahan ay bumungad na si Meiji mula sa labas habang nakaantabay sa upuang gawa sa bato.Madilim pa ang buong kalawakan at nakadungaw mula sa taas ang mga bituing kumikisap-kisap. Malamig ang simoy ng hangin na nagbibigay ng kaba sa'kin sa tuwing sumasagi sa'king isipan na magiging tagapagligtas ako ng mundo. Ito ang kakaibang nangyari sa buhay ko, ang magsanay ng kapangyarihan na kung saan hindi

  • Ultra Gays Galaxy   ULTRA SIX

    ULTRA GAYS GALAXY REMAKE2020©iMarjayNariKaminari amanashiULTRA SIX: THE POWER OF USSABADO, mariin kong naririnig ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng aming bahay. May dala itong kakaibang kiliti sa aking tainga na tila tumataas ang aking balahibo at napapanatili nitong patulugin ang aking diwa. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa aking malambot na unan at damang-dama ng aking balat ang lamig na binubuga ng electric fan na nakatutok sa'kin.Bahagya kong binukas ang aking kaliwang talukap sa mata at nakita ko ang mga patak ng ulan sa bintana, na kung saan nasa kaliwang gilid ko lang. Tila pinaghalong asul at lila ang kulay ng kaulapan at kumikisapk

  • Ultra Gays Galaxy   ULTRA FIVE

    ULTRA GAYS GALAXYREMAKE 2020©Kaminari amanashiiMarjayNariULTRA FIVE: Black and WhiteAlas dos ng hapon noong nagtungo kami nina Larry at Julian dito sa athletic field. Tulad ng aming inaasahan ay tirik ang araw na may dalang kaunting init sa aming balat. Naupo kami dito sa pinakadulong stand at pinagmasdan ang lawak ng athletic field, ngunit sa bandang gilid nito ay makikita ang malaking crater dulot ng bumagsak na bulalakaw. Bakante namin ngayon at dito ang kalimitan naming pinagtatambayan sa tuwing wala kaming guro sa classroom."Kailangan pa talagang lumayo ng classroom para lang sa isang panaginip na ibabahagi mo friend?"tanong ni

  • Ultra Gays Galaxy   ULTRA FOUR

    ULTRA GAYS GALAXY2020 REMAKE©Kaminari amanashiULTRA FOUR: KitsuneIsang malakas na pagsabog ang umugong sa paligid kung kaya't napabalikwas ako ng bangon at bumilis ang tibok ng aking puso, na wari'y nakipaghabulan ako sa kabayo. Nilakbay ko ng tingin ang aking paligid at tila nandito ako sa walang hanggang gubat; madilim at puro nalantang puno ang na sa paligid.Hindi ko alam kung nasaang lugar ako napadpad sa aming bayan, kaya naman naisipan kong tumayo at hinanap ang daan pabalik ng aming bahay. Tumakbo ako ng walang humpay dito sa isang masukal na gubat habang tumutulo ang mga pawis sa aking noo.Tanging tunog ng tuyong dahon ang maririnig at mga kuliglig na nakakalat sa paligid. "Excuse me may tao ba dito?"sigaw ko ngunit eko lang a

  • Ultra Gays Galaxy   ULTRA THREE

    Ultra Gays GalaxyREMAKE 2020©kaminari_amanashiULTRA THREE: Unexpected VisitorNagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog dahil sa mainit na sensasyon sa aking dibdib. Parang nanunuot ang init na wari'y pinapaso ito kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon at hinawakan ang aking dibdib. Napangiwi ako sa init kung kaya't sinandal ko ang aking likod sa ulunan ng kama. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at nilakbay ko ng tingin ang buong paligid, mula dito sa aking posisyon ay kapansin-pansin ang kulay puting pintura ng silid at sa gilid ng aking kama ay nakabukas ang bintana. Malayang dinuduyan ng hangin ang asul na kurtina dito sa loob at mariin kong naririnig ang sipol nito na may dalang kapayapaan sa aking kaibuturan.Nagitla ko noong biglan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status