LOGINUltra Gays Galaxy
Remake 2020© iMarjayNari(Kaminari amanashi)ULTRA SEVEN: Killing Spree
Kinaumagahan, alas cinco ng madaling araw no'ng bumaba ako ng silid. Dahan-dahan at hindi ako gumawa ng kahit anong ingay habang palabas ng aming bahay. Pagdating ko palang dito sa tarangkahan ay bumungad na si Meiji mula sa labas habang nakaantabay sa upuang gawa sa bato.
Madilim pa ang buong kalawakan at nakadungaw mula sa taas ang mga bituing kumikisap-kisap. Malamig ang simoy ng hangin na nagbibigay ng kaba sa'kin sa tuwing sumasagi sa'king isipan na magiging tagapagligtas ako ng mundo. Ito ang kakaibang nangyari sa buhay ko, ang magsanay ng kapangyarihan na kung saan hindi normal dito sa mundo. Sa halip na kaligtasan ng aking pamilya ang iisipin ko ay nadamay pati ang mga sangkatauhan dahil hawak ko na ang kaligtasan ng mundo.
"Nauna na ang mga kaibigan mo sa kanilang pagsasanay, mabuti naman at nagising ka na."wika ni Meiji noong binubuksan ko ang aming tarangkahan.
"Pasensya na kung medyo na huli ako ng gising, kailangan ba talaga na madaling araw tayong mag ensayo?"tanong ko.
Tumango si Meiji, "Mahalaga, dahil mas aktibo ang portal tuwing gabi at madaling araw. Ito rin rason kung bakit nananaginip ang mga tao. Sa tuwing matutulog ang tao ay humihiwalay ang kanilang espirutu at pumapasok sila sa portal of dreams. Pero hindi na ito mahalaga pa, halika na at magsimula narin tayo."salaysay ni Meiji sabay hawak sa aking balikat, kasabay nito ang paglitaw ng isang malawak at imiikot-ikot na butas.
Halos lumuwa ang mata ko sa nakita, kaya naman napakapit ako sa kamay ni Meiji. "Huwag kang matakot dahil wormhole ang tawag diyan. Dadalhin tayo ng wormhole sa ibang lugar na kung saan payapa at maayos tayong makakapag ensayo."paliwanag niya kaya naman wala akong nagawa kundi tumango.
"Handa na ako."bulong ko sa'king sarili at kapwa kami tumalon ni Meiji sa naturang wormhole. Ilang sandali pa ay bumagsak kami sa isang malawak na damuhan, kulay luntian at medyo namamasa marahil dulot ito ng hamog. Madilim parin ang paligid at tanging dilaw na buwan ang nagsisilbing tanglaw namin ni Meiji.
"Sandali nasaan tayo bakit parang nasa gitna tayo ng kagubatan?"tanong ko at bakas sa'king sarili ang pagtataka habang nililibot ng tingin ang paligid.
"Nandito tayo sa bundok, hindi ko lang alam kung anong bundok ito ngunit natitiyak kong malapit lang Ito sa inyong bayan."tugon naman ni Meiji.
"Mabuti naman, ang akala ko dinala mo na ako sa ibang lugar at aasawahin nalang. Ayoko ng gano'n please Meiji, kung binabalak mo mang gahasahin ako ay siyempre ready ako, charot charot lang 'yong kanina!"hirit ko sa kanya at nilapitan ito upang yakapin, ngunit bigla niyang tinapat sa akin ang kanyang kanang kamay sabay pitik ng hangin, dahilan para tumilapon ako at sumadsad sa damuhan.
Pakiwari ko ay nabali ang aking mga buto dahil sa lakas ng air pressure na tumama sa aking katawan. Agad akong bumangon at pinagpag ang aking damit. "Nakakainis ka naman biro lang naman iyon! Balak mo ba akong patayin. Pasalamat ka dahil may super powers ka, kung wala lang ay baka kinalbo na kita."pagmamaktol ko at suray-suray na lumapit sa kanya.
"Ang isang bayani ay sineseryoso ang bawat sitwasyon, hindi lahat ay puro katuwaan."pangangaral ni Meiji sa'kin na ikinairap ko sa ere.
"Grabe naman, ang retro mo sa totoo lang. Wala na tayo sa panahon ng old fantasy, hindi mo dapat pinu-pwersa ang sarili mo."tugon ko naman habang pinapagpag ang aking damit.
"Hayaa! Humanda ka!"sigaw ko sabay takbo sa kanyang kinatatayuan. Gumawad ako ng suntok sa kanyang mukha gamit ang aking kaliwang kamay ngunit agad niya itong nasalag.
"Ayos! kumagat ka sa plano."nakangisi kong sambit at mabilis na inihampas ang aking kanang palad sa kanyang sikmura, kaya naman napaatras ito ng bahagya at hindi masiyadong napuruhan.
"Aaminin ko, na sorpresa ako sa counterattack mo. Pero luma na ang stilong 'yon."nakangiting puna ni Meiji sabay suntok ng lupa dahilan para magdulot ito ng pagyanig. Gumewang-gewang ako sa lakas nito at halos mawalan ako ng balanse, maya-maya ay naramdaman kong uminit ang marka sa aking dibdib dahilan para napaluhod ako sa damuhan.
Napangiwi ako sa hapdi, "Ang akala ko ba binasbasan mo na ako kitsune."bulong ko sa aking sarili.
"Oh ano kailan ka tatayo diyan? Hindi pa natatapos ang pag eensayo natin Jonel. Madami kapang pagdadaanan."narinig kong wika ni Meiji sa'kin. Napatingin ako sa kanya at saka ako tumayo upang sugudin siya, ngumisi naman ito na tila natutuwa pa.
"Hindi ko pinangarap na maging isang superhero. Pero, gusto kong magkaroon ng powers pero hindi 'yung magiging tagapaglitas ng sangkatauhan."sigaw ko sa kanya at noong makalapit ako ay dinausdos ko ang aking kanang paa upang patumbahin siya. Pero agad itong lumundag upang umiwas.
"Nakakainis! Ang unfair mo naman anong klaseng pag eensayo ba'to?"tumayo ako at tinignan siya sa mata.
Natawa si Meiji at pumalakpak na wari'y nangaasar. "Sumagot ka nga at huwag mo akong pagtawanan, halikan kita diyan ng torrid e!"sigaw ko.
"Hindi mo ba talaga naiisip kung bakit ganito ang ating pag eensayo?"tanong niya habang nakangiti ang kanyang mga mata.
"Hindi, kaya nga ako nagtatanong 'diba!"
"Masasagot mo 'yan kapag nandoon ka na sa tunay na laban."tugon ni Meiji kung kaya't suminghal ako.
Muli akong tumakbo papunta sa kanyang kinatatayuan at pinaulanan ito ng suntok, ngunit mas mabilis pa siya sa kildat kung umilag. Bahagya itong umatras sabay gawad ng patalikod na sipa kaya naman agad akong yumukod upang iwasan ang kanyang atake.
"Huwag ka sa baba dahil delikado ang pwestong 'yan, tandaan mo kahit na umilag ka ay masasaktan ka parin."narinig kong wika ni Meiji kasabay non ng malakas na paglanding ng kanyang paa sa aking mukha. Dito ay bumulagta ako sa damuhan at tila nanunuot ang sakit sa aking ilong, na para bang napuruhan ito at pumawing sa ibang direksyon.
"Aray ko ang sakit non a! Akala mo ba hindi physical abuse 'yang ginagawa mo. Hahalikan na talaga kita!"pagbabanta ko habang bumabangon.
Marahang tumawa si Meiji nang bigla itong sumulpot sa aking harapan at nagawang lumapit sa isang iglap lang. Dala niya ang isang ngisi at nakakalokong tingin. "Sa inyong tatlo ay ikaw ang nakitaan ko ng pagiging responsable, kaya naman ikaw ang napili kong maging tank sa grupo."ani Meiji sabay suntok ngunit agad ko itong sinalo dahilan para dumausdos ako palayo kay Meiji.
Kumunot ang aking noo sa sinabi niya, "Tank? Wala tayo sa larong Mobile Legends para gawing tank ang role ko. Pwede namang maging mage nalang o kaya naman marksman."pagmamaktol ko naman.
"Wala kang magagawa dahil nananalaytay ang aking kapangyarihan sa'yong dugo. Hindi mo na ito mababago pa Jonel."nakangising wika ni Meiji. "Mahalaga ang Tank sa grupo dahil sila ang star ng pasko!"dagdag pa niya.
Palihim naman akong natawa sa sinabi ni Meiji. "Weh? Sige kukunin ko ang role na 'yan, dapat ako ang magiging star sa aming tatlo. Kasi kung si Larry, pangit at hindi niya bagay maging star dahil masiyado siyang maarte. Kung si Julian naman ay 'di niya bagay kasi para siyang butete."tugon ko naman.
Dahil sa sinabi ni Meiji ay parang nakaramdam ako ng sabik upang matuto. Tila gusto kong lumakas katulad niya at nais kong kuminang sa harap ng mga tao. Marahil ito na nga ang kasagutan ng pangarap ko, ang mapansin at magpapansin kay Ian.
"Ibigay mo ang lahat ng lakas mo Jonel, dito ko malalaman kung saan ka malakas at mahina."utos ni Meiji kaya tinanguan ko siya.
Kinuyom ko ang aking kamao at pinakiramdaman ang lakas na dumadaloy sa aking buong katawan. Pakiwari ko'y nawawala ang aking bigat at napapalitan ito ng gaan na para bang parte na ako ng hangin.
"Siguro nga ay dito na magsisimula ang pangarap ko. It's my time to shine!"puno ng tuwa at sabik kong sigaw sabay takbo ng mabilis papunta sa kanyang direksyon. Iniumang ko ang aking magkabilang kamao at inipon ang lakas dito.
Tinignan ko sa mata si Meiji at ganon din siya sa akin, "Itatala ko sa buong kasaysayan na ang mga bakla ay maaaring maging bayani!"sigaw ko at pwersang sinuntok ang bandang mukha ni Meiji ngunit humilig ito at sinalubong ang aking atake gamit din ang kanyang kamao. Dito ay nagtamo ito ng malakas na air pressure ang nangyaring atake namin sa isa't-isa, kasabay nito ang pagtumba ng mga puno sa paligid na parang dinaanan ng matinding delubyo.
Napangisi ako sa nangyari, pakiramdam ko ay ako na ang pinaka malakas na nilalang dito sa mundo. Kung makikita ito ni Ian ay sigurado akong mamamangha siya sa aking lakas. "Ilabas mo pa 'yang mga tinatago mong lakas, nagsisimula palang tayo Jonel. Kung pag iigihan mo ang ating pagsasanay ay sigurado akong matutuwa at mamamangha si Ian sa'yo."wika ni Meiji sabay takbo palapit sa 'kin.
Sinalubong ko naman ang kanyang atake at mabilis ding tumakbo papunta sa kanyang direksyon. Muli kong iniumang ang aking kanang kamao sabay kuyom, at sa pagkakataong ito ay sinuntok ko ang lupa kasabay nito ang pag yanig ng buong gubat. Nagdulot ng malawak na bitak ang lupa na tila dinaanan ng malakas na lindol.
Sumalampak si Meiji sa lupa dahil sa lakas ng ginawa kong pwersa. Ibayong tuwa ang namayani sa aking kaibuturan, nakakatuwa pala magkaroon ng kapangyarihan. Nakakalibang at ang sarap sa pakiramdam!
"Idol ko talaga si tsunade, hindi nga lang ako babae pero magkapareho naman kami ng taglay na lakas. Meiji, Humanda ka!"sigaw ko sa kanya at tumakbo palapit pa sa kanya. Agad naman itong tumayo at hinarang ang dalawang braso. Sa bawat suntok ko ay nagdudulot ito ng malakas na pwersa na umuugong sa paligid.
Gumawad ako ng dalawang suntok sa kanyang mukha ngunit tinatakpan ni Meiji gamit ang kanyang mga braso. Kitang-kita ko ang mga pasa sa braso niya ngunit agad din lang itong nawawala na para bang naghihilom nang kusa. Umatras si Meiji at nag handstand sa damuhan kasabay nito ang pag ipit niya ng aking leeg gamit ang mga hita.
Umawang ang aking bibig upang habulin ang aking hininga dahil parang nasasakal ako. Sisipain ko sana ang kanyang mukha ngunit mabilis na gumalaw ang kanyang mga hita upang ihagis ako sa paligid. Tumilapon ang aking katawan at sumadsad sa lupa.
"Aaack! Sakit non a!"daing ko habang tumatayo, iika-ika akong naglakad at iniinda ang gasgas sa kanang braso. Patuloy ako sa paghabol ng aking hininga dahil pakiramdam ko ay napagod ako ng husto.
"Mag pahinga muna tayo. Malapit nang sumapit ang araw, batid kong napagod ka at madami kang nilabas na lakas mula sa 'yong katawan." Sabi ni Meiji at sumilong ito sa ilalim ng malaking puno. Sumunod naman ako sa kanya at nanghihingalong sinandal ang katawan sa isang puno.
Umaagos ang pawis mula sa 'king noo kaya marahan ko itong pinunasan gamin ang aking braso. "Ang sarap palang magkaroon ng lakas, hindi ko inaasahang ganito pala ang magiging kapalaran ko. Ang maging isang superhero."nakangiti kong wika.
Marahang tumawa si Meiji, "Tama ka ngunit paalala lamang, sana huwag kang mag papalamon sa iyong kapangyarihan. Binigay ko sa 'yo ang bagay na 'yan dahil alam kong responsable ka. At isa pa'y napansin kong may marka ang dibdib mo. Alam kong simbolo iyan ng Power of Human Sacrifice, una pa lang kita makita ay alam kong ikaw na ang kauna-unahang magtatala ng kabayanihan sa mundo."sabi ni Meiji dahilan para makaramdam ako ng kaba.
"Madami nang naitalang bayani sa mundo. Siguro ako lang ang pinaka huli, lahat naman ay nagiging bayani sa simpleng pagtulong lang sa kapwa."tugon ko naman at inihipan ang aking gasgas na natamo. Bahagya akong napatingin kay Meiji na nakaunan sa kanyang magkabilang palad habang nakasandal ito sa puno.
"May punto ka naman, tignan mo..."aniya sabay turo sa kalawakan, naglalaban ang liwanag at dilim sa dako roon. Parang pinaghalong itim at kahel na ang sarap pagmasdan. "Kung may dilim ay may liwanag na tatapos dito. Kung lalamunin man ng dilim ang buong mundo ay alam kong magliliwanag kayo nila Julian at Larry upang wakasan ang walang hanggang kadiliman."pagtatapos ni Meiji.
"Pangako, lalaban kami sa abot ng aming makakaya."tugon ko naman.
Tahimik at walang imikan, kapwa kami nakatanaw ni Meiji sa kalawakan na malapit nang sumapit ang araw. Tanging tunog ng kuliglig at iba pang insekto ang maririnig sa paligid. Maya-maya ay biglang gumuhit ang kulay berdeng liwanag sa kaulupan na tila isang kometa. Mistulang may hinahabol ito, hinahabol niya isang nilalang na may pakpak kutulad ng paniki. Nabigla ako sa nakita at ang akala ko ay kami lang ang nabigyan ng kapangyarihan.
Ilang sandali pa ay biglang nagkaroon ng lagusan sa harap ng berdeng lumilipad at pumasok rito. "Meiji! Tignan mo may Kung anong lumilipad papunta sa ating direksyon!"sigaw ko noong makita ang hinahabol ng berdeng liwanag. Hinayaan nalang niya itong makatakas, anong klaseng bayani siya?
Napatingin si Meiji sa dako roon at nilagutok ang kanyang mga daliri. "A-Anong gagawin mo?"tanong ko sa kanya.
"Dito ka lang, ako na ang bahala sa Jinn na 'yan."tugon ni Meiji, dito ay dahan-dahang lumapag ang Jinn sa aming harapan.
"Tutulong ako Meiji. Gu-Gusto kong masubukan ang aking lakas, hindi puwedeng 'di ako tumulong sa 'yo."puna ko rito.
"Bahala ka, tutal dito na nagsisimula ang tunay na laban."tugon niya at biglang lumitaw si Meiji sa harap ng Jinn, mabilis niyang ginawad ang kanyang kamao dahilan para tumilapon ang Jinn sa kalayuan. Muli itong naglaho at biglang lumitaw sa harapan ng Jinn na nakabulagta sa damuhan.
"Subukan mong mag dash Jonel. Ipunin mo ang lakas sa 'yong mga binti."utos ni Meiji sa kalayuan kaya naman ginawa ko ang kanyang utos. In-atras ko ang aking kanang paa habang nakauko ang mga ito.
"Heto na pupunta na ako diyan!"sigaw ko at sinubukan kong igalaw ang aking mga paa nang bigla akong makarating sa tabi ni Meiji. Sa sobrang bilis ay halos mawalan ako ng balanse ngunit agad din akong nakabawi.
"Shocks! Parang sumabay lang ako sa hangin. Ang galing!"natutuwa kong sigaw.
"Jonel ilaaag!"narinig kong bulalas ni Meiji nang makita kong sasaksakin na ako ng Jinn, kaya naman agad ko itong sinipa sa mukha pataas kung kaya't tumilapon ito sa ere. Tumingin ako sa himpapawid at doon nakita ko si Meiji sabay tadyak pababa ng Jinn kaya naman bumulusok ito pababa.
Noong pabagsak na ang kalaban dito sa baba ay kinuha ko ang pagkakataon upang suntukin siya pataas. Muli nanamang bumulusok sa himpapawid ang kalaban ngunit sa pagkakataon ito ay inipon ko ang lakas sa aking mga binti upang lumipad pataas. Pagdating ko sa himapapawid ay mabilis ko itong sinipa dahilan para muli itong bumulusok pababa.
Bumagsak ang Jinn sa kalupaan at nagtamo ng butas sa pinagbagsakan ng Jinn dahil sa lakas ng pagtama nito. Nagdulot ng makapal na alikabok sa baba at dahil nga hindi ako nakakalipad ay nahulog pababa ang aking katawan. Tumama ako sa matigas na lupa at tila naubos lahat ng aking lakas. Sobrang sakit ng aking binti at braso na tila nabali lahat ang aking buto.
"Ki-Killing Spree."bulong ko sa hangin habang nakaharap ako sa kalawakan, umaga na pala.
"Pinahanga mo ako sa ginawa mo Jonel. Hindi ko alam na may tinatago ka palang taktika, good job!"narinig kong pagpupuri ni Meiji kaya naman kumurba ang ngiti sa aking labi. Ngunit, unti-unting bumigat ang aking mga talukap at pumikit ang mga Ito dahil sa sobrang pagod.
Dito ay wala na akong nantandaan pa.
Itutuloy...
ULTRA GAYS GALAXYREMAKE 2020©iMarjayNari(Kaminari amanashi)ULTRA EIGHT: FAREWELLMakalipas ng tatlong araw ay medyo nahasa na ang aking stilo sa pakikipaglaban. Lumiksi ang aking galaw 'di gaya ng dati na natatapilok ako sa tuwing umiilag ako sa mga atake ni Meiji. Kaya ko na ding kontrolin ang ipinamalas ni Meiji na kapangyarihan; ang kapangyarihang mapanira na isang pitik lang ay kayang gibain ang isang gusali."Huwag mong pigilan ang kapangyarihan ni Kitsune, hayaan mong lamunin ka ng apoy niya!"sigaw ni Meiji na nasa itaas ng puno habang abala kami sa pag-eensayo."Duh! Ang init kaya buti naman sana kung hindi mainit noh!"sigaw ko palabalik saka 'ko in-atras ang aking kanang paa upang bumwelo. Huminga ako ng ma
Ultra Gays GalaxyRemake 2020© iMarjayNari(Kaminari amanashi)ULTRA SEVEN: Killing SpreeKinaumagahan, alas cinco ng madaling araw no'ng bumaba ako ng silid. Dahan-dahan at hindi ako gumawa ng kahit anong ingay habang palabas ng aming bahay. Pagdating ko palang dito sa tarangkahan ay bumungad na si Meiji mula sa labas habang nakaantabay sa upuang gawa sa bato.Madilim pa ang buong kalawakan at nakadungaw mula sa taas ang mga bituing kumikisap-kisap. Malamig ang simoy ng hangin na nagbibigay ng kaba sa'kin sa tuwing sumasagi sa'king isipan na magiging tagapagligtas ako ng mundo. Ito ang kakaibang nangyari sa buhay ko, ang magsanay ng kapangyarihan na kung saan hindi
ULTRA GAYS GALAXY REMAKE2020©iMarjayNariKaminari amanashiULTRA SIX: THE POWER OF USSABADO, mariin kong naririnig ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng aming bahay. May dala itong kakaibang kiliti sa aking tainga na tila tumataas ang aking balahibo at napapanatili nitong patulugin ang aking diwa. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa aking malambot na unan at damang-dama ng aking balat ang lamig na binubuga ng electric fan na nakatutok sa'kin.Bahagya kong binukas ang aking kaliwang talukap sa mata at nakita ko ang mga patak ng ulan sa bintana, na kung saan nasa kaliwang gilid ko lang. Tila pinaghalong asul at lila ang kulay ng kaulapan at kumikisapk
ULTRA GAYS GALAXYREMAKE 2020©Kaminari amanashiiMarjayNariULTRA FIVE: Black and WhiteAlas dos ng hapon noong nagtungo kami nina Larry at Julian dito sa athletic field. Tulad ng aming inaasahan ay tirik ang araw na may dalang kaunting init sa aming balat. Naupo kami dito sa pinakadulong stand at pinagmasdan ang lawak ng athletic field, ngunit sa bandang gilid nito ay makikita ang malaking crater dulot ng bumagsak na bulalakaw. Bakante namin ngayon at dito ang kalimitan naming pinagtatambayan sa tuwing wala kaming guro sa classroom."Kailangan pa talagang lumayo ng classroom para lang sa isang panaginip na ibabahagi mo friend?"tanong ni
ULTRA GAYS GALAXY2020 REMAKE©Kaminari amanashiULTRA FOUR: KitsuneIsang malakas na pagsabog ang umugong sa paligid kung kaya't napabalikwas ako ng bangon at bumilis ang tibok ng aking puso, na wari'y nakipaghabulan ako sa kabayo. Nilakbay ko ng tingin ang aking paligid at tila nandito ako sa walang hanggang gubat; madilim at puro nalantang puno ang na sa paligid.Hindi ko alam kung nasaang lugar ako napadpad sa aming bayan, kaya naman naisipan kong tumayo at hinanap ang daan pabalik ng aming bahay. Tumakbo ako ng walang humpay dito sa isang masukal na gubat habang tumutulo ang mga pawis sa aking noo.Tanging tunog ng tuyong dahon ang maririnig at mga kuliglig na nakakalat sa paligid. "Excuse me may tao ba dito?"sigaw ko ngunit eko lang a
Ultra Gays GalaxyREMAKE 2020©kaminari_amanashiULTRA THREE: Unexpected VisitorNagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog dahil sa mainit na sensasyon sa aking dibdib. Parang nanunuot ang init na wari'y pinapaso ito kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon at hinawakan ang aking dibdib. Napangiwi ako sa init kung kaya't sinandal ko ang aking likod sa ulunan ng kama. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at nilakbay ko ng tingin ang buong paligid, mula dito sa aking posisyon ay kapansin-pansin ang kulay puting pintura ng silid at sa gilid ng aking kama ay nakabukas ang bintana. Malayang dinuduyan ng hangin ang asul na kurtina dito sa loob at mariin kong naririnig ang sipol nito na may dalang kapayapaan sa aking kaibuturan.Nagitla ko noong biglan