Mag-log inSi Diala Madrigal ay isang stylist sa isang sikat na kompanya sa Gemolis City, ngunit natanggal siya ng makilala niya ang isang lalaki na si Nicolai Swisly. Muli siyang naghanap ng trabaho para sa nalalapit na operasyon ng nanay niya, natanggap agad siya ngunit sa hindi inaasahan doon din pala nagtatrabaho ang lalaking kinaiinisan niya matapos siyang matanggal sa trabaho, hindi niya alam na si Nicolai Swisly pala ay isang Duke na bumisita lang sa Gemolis City upang hanapin ang Grand Princess ng Rallnedia. Simple lang ang pamumuhay ni Dia noong hindi niya pa nakikilala si Nicolai Swisly, ngunit tila nag iba ang ihip ng hangin ng lubusan niyang makilala ang totoong pagkatao niya kasama ang lalaking kinaiinisan niya noong una niya pa lamang ito nakikilala. Siya nga ba ang totoong Grand Princess ng Rallnedia? O siya lang ang naibigan ni Duke Aeneas Nicolai Swisly na maging Grand Princess ng Rallnedia.
view moreDia's POVKakatapos ko lang gumamit ng banyo ng mapansin si Shaine at June este Kirssen na nag uusap sa living area ng bahay ni Brenda. Habang si Nico na demonyo naman, nakikipaghuntahan sa ibang bisita ni Brenda."Dia wala ka bang napapansin?" Napatingin ako kay Brando as in Brenda ng lumapit siya sa akin, may hawak pa siyang baso na may lamang rum."Saan?""Kasi kanina pa nag uusap 'yang dalawa, hindi tuloy makasingit ang mga bwesita ko kay Shaine." Napailing na lang ako sa sinabi ni Brenda."Hay naku hayaan mo na 'yang dalawa, tsaka aalis na din kami maya maya.""Ha? Agad agad? Ano 'yun nakikain ka lang dito sa amin? Eat and run ang peg?"
Dia's POVHanggang ngayon ay lutang pa rin ang isip ko at di makapagfocus sa aking ginagawa."Naintindihan mo ba lahat?" Blankong mukha lang ang naisagot ko kay Shaine habang hawak ang mga libro na ilalagay na sana sa bandang ulo ko."Huwag mo akong bigyan ng ganyang sagot, tsaka may kasalanan ka pa sa akin." Ibinagsak niya ang tatlong libro sa mesa sabay talikod sa akin.Problema ba nitong babaeng 'to? Kanina pa siya ganyan, akala mo naman naglilihi na ewan. Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin lang kay Shaine."Within 30 minutes dapat matapos mo 'yan. Para kapag pumunta na dito si Nico at si
Nico's POV"Kade, cancel all my appointment this coming week.""Even your appointment with Miss Alira Bernardo?" "No, just reschedule it.""Should I call her manager about this?""Yeah sure."Naiwan ako mag-isa sa opisina ng lumabas si Kade sa terrace upang tawagan ang manager ni Alira, last appointment ko ang puntahan ang mga model para sa fashion show na magaganap ngayon. Kahit abala ako dito sa opisina ay hindi mawala sa isip ko kung ano na ba ang status ng lesson ni Dia sa mga oras na ito maging ang kalagayan ni Mrs. Madrigal na naka confine ngayon sa hospital.Binuksan ko ang laptop upang icheck ang nangyayari sa Blant Styl sa mga sandaling ito. Mula doon ay nakaupo si Dia sa tabi habang nakatingi
Chapter 11: September 5Magdamag akong nagbabantay kay Mama matapos ang pamamasyal namin kanina ni Shaine sa buong opisina ng Blant Styl, kahit pagod ako ay nanatiling dilat ang mga mata ko na akala mo'y hindi napapagod."Marami akong tanong sayo Ma, ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Anak niyo po ba talaga ako?" Nakasimangot kong tanong sa aking Ina na nakahiga sa kama, hinawakan ko ang kamay niya sa mga sandaling iyon. Hindi ako makatulog, hindi rin ako mapakali sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Tsaka naiinis ako sa hitsura ni Nico kapag sinasabi niyang Prinsesa ako, hays Nico na naman.Una sa lahat pinipilit ko lang ang sarili ko na maniwala sa mga sinasabi nila, pero hindi pa rin nabubura sa puso't isipan ko na si Mama Alondra ang totoo kong magulang.Kung ako ang Prinsesa na matagal na nilang hinahanap bakit ngayon lang sila dumating sa buhay ko? Bak