...Dia’s POVPatuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha sa magkabila kong mata habnag nakatango ang aking ulo, hindi ko na alam ang iisipin ko sa mga sandaling iyon, blanko ang utak ko at hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin. Nakasandal lang ako sa pader malapit sa emergency room, ayaw kong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko lamang. Si Mama ang iniisip ko, ang kalagayan niya ngayon sa loob ng emergency room.“Dia?” Dahan dahan kong itinunghay ang aking ulo, mukha ni Shine ang sumalubong sa aking paningin ng tingnan ko ang pinangyarihan ng boses na iyon. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako, napahagulhol ako sa iyak ng gawin niya iyon, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, maging ang mga luhang walang humpay sa pag agos mula sa aking mata, ang sipon na kanina pa nagbabadya sa aking ilon
Last Updated : 2020-10-01 Read more