LOGINNabuhay si “Vindicta” nang sabay na pinatay ang mga magulang ni Maya sa loob ng kanilang sariling pamamahay. Si Maya lamang ang nakaligtas, salamat kay Roma, na siyang naging mentor niya sa paglipas ng panahon. Isang “black agent” si Roma. Tagagawa ito ng mga trabahong hindi gagawin ng normal na taong may matinong pag-iisip. Sa ibang salita, ilegal ang trabaho nito. Kahit na anong ipagawa ng kliyente basta hindi ito papatay ng tao ay tatanggapin nito sa malaking halaga. Iyon na rin ang naging trabaho ni Maya sa paglipas ng mahabang panahong pakikipisan kay Roma. Hanggang sa napili niya ang codename na Vindicta.
View More“SIR, magpapabili ba kayo ng lunch?” tanong ni Vindicta kay Kyle pagdating ng lunch break. Iyon siguro ang side effect ng pagiging guilty.“May mga reporters pa ba sa labas?” imbes ay tanong nito. Tumango siya. “Um-order ka na lang ng lunch. Sabay na tayong kumain. Iti-treat kita.”
“TULALA ka na naman.”Nilingon ni Vindicta ang nagsalita. Si Allison iyon. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Nasa bakuran siya at nagkakape. Day off niya bilang sekretarya ni Kyle at hindi niya gusto ang pag-iisa sa apartment kaya nagtungo siya sa bahay nila ni Allison.
“KYLE, bakit hindi ka um-attend sa meeting ng mga senior citizens? They were waiting for you yesterday!”Nagulat si Kyle sa sinabi ni Ramius. “Meeting? Hindi ako na-inform.”
TULALA si Vindicta, naroon na siya sa sariling mesa sa labas ng opisina ni Kyle. May mangilan-ngilang bagay na ibinilin sa kanya ang lalaki para sa kanyang trabaho. Iyong iba raw ay matutunan na lang niya sa paglipas ng mga araw. Wala namang mahirap na ipinagagawa si Kyle, ang totoo nga ay may mga ipinapa-retype lang ito, photocopy, at kung anu-anong madadaling errands. Ayaw raw siya nitong biglain sa unang araw ng trabaho. Wasn’t he a considerate man?