Mag-log in“SIR, magpapabili ba kayo ng lunch?” tanong ni Vindicta kay Kyle pagdating ng lunch break. Iyon siguro ang side effect ng pagiging guilty.“May mga reporters pa ba sa labas?” imbes ay tanong nito. Tumango siya. “Um-order ka na lang ng lunch. Sabay na tayong kumain. Iti-treat kita.”
“TULALA ka na naman.”Nilingon ni Vindicta ang nagsalita. Si Allison iyon. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Nasa bakuran siya at nagkakape. Day off niya bilang sekretarya ni Kyle at hindi niya gusto ang pag-iisa sa apartment kaya nagtungo siya sa bahay nila ni Allison.
“KYLE, bakit hindi ka um-attend sa meeting ng mga senior citizens? They were waiting for you yesterday!”Nagulat si Kyle sa sinabi ni Ramius. “Meeting? Hindi ako na-inform.”
TULALA si Vindicta, naroon na siya sa sariling mesa sa labas ng opisina ni Kyle. May mangilan-ngilang bagay na ibinilin sa kanya ang lalaki para sa kanyang trabaho. Iyong iba raw ay matutunan na lang niya sa paglipas ng mga araw. Wala namang mahirap na ipinagagawa si Kyle, ang totoo nga ay may mga ipinapa-retype lang ito, photocopy, at kung anu-anong madadaling errands. Ayaw raw siya nitong biglain sa unang araw ng trabaho. Wasn’t he a considerate man?
Ten years later…“Mukhang pinakinabangan mo na naman iyang mahiwagang stethoscope,” nakangiting bungad ni Allison kay Vindicta.
“MAMA, ayoko nang pumasok sa school,” humihikbing sumbong ni Maya sa ina. Grade six student siya sa isang pampublikong paaralan sa lugar nila.“Bakit naman, anak?” kalmado lang na tanong ng mama niya.