LOGINIsang masayang pamilya na sinira ng isang pagkakamali. Ang pamilya Villanueva ay isang buo at matatawag na masayang pamilya, pero sabi nga nila hindi masasabing sa'yo talaga ang isang bagay kung hindi ka dadaan sa pagsubok. Ang mag-asawang Danica at Alfred Villanueva ay masayang namumuhay. May isang anak at kahit simple lamang ang kanilang pamumuhay ay nakokontento sila sa isa't isa. Maalaga si Danica at iyon ang taglay na hinangaan ni Alfred sa asawa. Si Danica ay sa bahay lamang, nag-aalaga ng knilang anak dahil na rin sa kagustuhan ni Alfred. Habang si Alfred nman ay isang engineer. Ngunit ang lahat ng pagmamahal at sinumpaan sa harap ng diyos nang sila'y ikasal ay nawala nang makakilala si Alfred ng bagong babaeng magpapatibok sa kanyang puso.
View More"HAPPY 15th anniversary hon. I love you so much!"
"Happy anniversary too hon," malambing na sagot ni Danica sa asawa.
"Hon this is for you," sabay abot sa box na naglalaman ng necklace.
"Thank you so much hon. Sana hindi ka na nag-abala pa. Kahit walang regalo hon basta kasama kita ay masaya na ako. You're my life honey ko." Sabay halik kay Alfred at iyon ang tagpong nadatnan ng anak nilang si Kimberly.
"Owww! Ang sweet nman ng Mama at Papa ko. Happy anniversary sa inyong dalawa, we love you both," ani Kim.
"Thank you baby girl," sabay na sabi nilang mg- asawa.
"Oppppps! I'm not a baby girl, I'm14 years old already Ma."
"Anak, kahit dumating pa ang edad mo sa forty, ikaw pa rin ang baby girl namin ng Papa mo, right honey?"
"Of course. Kaya huwag ka na umangal, okay baby girl?"
"Papa talaga oh, sige na nga. Sana hanggang pagtanda niyo ganito pa rin tayo kasaya at mananatiling buo."
"Anak naman, tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa atin. Do you agree hon?" ani Danica sa asawa.
"Of course, we love you."
"You know Pa, I adore you. Because you love Mama so much."
"Kayo ng Mama mo ang buhay ko anak. Mabuti pang lumabas tayo i-celebrate natin ang anniversary namin ng Mama
mo. Kumain tayo sa labas."
"Mabuti pa nga Papa. Matagal-tagal na rin noong huli tayong lumabas together."
Naidaos nila ang anniversary nilang mag-asawa na tahimik pero masaya dahil sa naabot nila ang 15 years together.
Masayang gumising si Danica para mghanda ng almusal ng kanyang mag-ama. Pagkatapos niya mghanda saka pinuntahan ang kuwarto ng anak.
"Kim anak, gising na at baka mahuli ka na sa school."
"Hmmmmm," tanging sagot ni Kim.
"Anak bangon na ha, at gigisingin ko din ang Papa mo dahil siya ang maghahatid sa'yo sa school."
"Okay Mama."
"Honey, it's time to wake up."
"Hon maaga pa. Tabi ka muna sa akin."
"Hon hindi pwede, kasi idadaan mo pa ang baby girl natin sa school niya. Wake up hon, the breskfast is ready. Baba na ako hon, susunod ka, okay?"
"Okay hon."
Ilang minuto pa ang lumipas sabay na bumaba ang mag-ama.
"Goodmorning Ma."
"Good morning hon. Wow tapsilog at hotdog with fried rice and hot coffee. Alam mo ba anak nainlove na ako sa friedrice ng Mama mo kasi subrang sarap."
"Oo nga Pa. Galing talaga ni Mama. You're the best Mom in the world talaga. At siyempre best Dad in the world goes to Mr. Alfred Villanueva. Ang aking pinakamamahal na ama.
"Hmmm, nambobola na naman ang aming baby girl. May gusto yatang hilingin hon," malambing na sabi ni Danica.
"Oo nga anak, may allowance ka pa ba?"
"Si Mama at Papa talaga oh, pag naglambing ba may gusto na agad? Hindi ba pwedeng maglambing?"
"Hahaha!" sabay na tawa ni Danica at Alfred.
"Nagtatampo ba ang baby girl namin?"
"Hmmmp medyo, pero pa konti na lang allowance ko."
"Hala kain na muna kayo at mahuli ka na sa school," ani Danica.
"Oo nga pa, kain na muna tayo. Mamaya na tayo mg-usap sa allowance pag nasa car na tayo."
"Kayong dalawa ha, bawal maglihim."
"Ma, alis na po kami ha?" ani Kim na hindi pinansin ang sinasabi ng ina.
"Sige mag-iingat kayo at antayin mo Papa mo mamaya ha?"
"Opo, bye Ma."
"Bye hon, ingat ka dito."
"Kayo ang mg-ingat hon, kasi kayo ang nasa labas. Sige na alis na kayo. I love you both."