Home / Lahat / Wanted: Gay Boyfriend / Chapter VI - Heart-to-heart Talk

Share

Chapter VI - Heart-to-heart Talk

Author: Eommamia
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-26 21:45:19

CHAPTER VI

Heart-to-heart Talk

FREIYA'S POV

“Mader?” Bahagya kong nilingon si Mona at binigyan ng mapaklang ngiti. Lumapit siya at umupo sa tabi ko. “Ba't ka nasa labas? Jusko, Mader, ang pretty skin mo. Lalaki lang dapat ang nakakatikim sa'tin, hindi lamok!” maarteng aniya.

Lalaki nga lang ba? Shuta! Natikman na nga ako ni Corazon. Haaay!

“Oy, umiimom ka pala? Bakit?” tanong niya. Tiningnan ko lang iyong bote ng alak at saka muling napangiti nang pilit.

“Tulog na ba sila?” tanong ko naman at agad siyang tumango. “Eh, ikaw ba't wala ka pa sa dreamland? Alas dos na, oh.”

“Umihi kasi ako, tapos nakita ko bukas 'yong pinto, akala ko nanakawan tayo, Mader,” sagot niya. “Ikaw, dapat sleeping beauty ka na ngayon dahil dalawang oras kang nagshow kanina.”

Ininom ko muna ang natitirang alak at saka ko sinabing, “Hindi ako makatulog, laging may gumugulo sa isip ko.”

“Hala, ano? 'Yong ex-jowa mo na naman? Move on na, Mader, jutay naman 'yon.”

Tss. Pinaalala pa ang mokong na iyon! Ipagpapalit na nga lang ako, roon pa sa baklang mukhang mambabarang! Sinayang niya lang ang Barbie look-a-like na si Freiya.

“Hindi 'no. Kinalimutan ko na siya,” sagot ko naman, pero noong magkasama kami ni Corazon sa mall ay bigla ko siyang naalala. Hinayupak!

Bahagya niyang pinalo ang braso ko. “Sana all mabilis makapag-move on,” aniya.

Sana all, sana all, wala namang naging boyfriend since birth! Girlfriend, oo, noong confused pa ang bakla sa gender niya. Pero, ngayong bakla na siya, apakachoosy ni Mona, walang sinasagot sa mga manliligaw niya, tapos sa Facebook puro ‘sana all’ sa mga mag-jowa. Shuta, ang gulo!

“Eh, what ba kasi 'yang gumugulo sa isip mo?”

Napabuntong-hininga ako. Nagdadalawang-isip ako na sabihin sa kanya, pero gusto kong may maka-heart-to-heart talk at makarinig ng payong-kaibigan.

“Mona, alam kong sinabi ko sa kanya na 'di ko 'to sasabihin sa iba, pero best friends tayo, Bakla, 'di ba?”

Shuta! Pasensya na, Corazon, wala rin kasi akong tinatagong sekreto kay Mona, eh. Sorry!

“Naman! Tayo lang naman kasi ang pinakamaganda rito, kaya tayo lang ang mag best friend.”

“Gaga ka talaga,” natatawang sabi ko. Pero, totoo naman, sina Cindy at Cheska, puro chaka na itsura nila. Charot! Pamilya kami kaya walang chaka, kaso may umangat lang talagang beauty, at sa akin iyon, sunod naman itong kay Mona. 

“Pero, ano ba 'yong gusto mong sabihin, Mader? Promise 'di ko i-she-share it sa iba lalo na kay Cheska, dali!” Talagang excited ang Bakla. Tsk!

Huminga ako nang malalim at napatingin na lang sa tahimik ng kalsada. “May nangyari sa amin ni Corazon,” sabi ko at syempre, ini-expect ko nang mapapa-omaygad siya.

“Totoo, Mader?” hindi pa rin makapaniwalang aniya at super guilty talaga ang itsura ko nang tumango ako sa tanong niya. “Hoy, hindi nakatiis ang talong?”

“Gaga! Pero... mukhang gano'n na nga,” nakayuko kong sabi.

“Saan ka nag happy new year? Sa loob o sa labas?”

“Makasalanan na talaga ako, Mona, isang baby na naman ang pinatay ko. Nag happy new year ang Barbie sa beedsheet.”

Napatango lang siya at bahayang tinapik ang likuran ko habang ako ay pinaikot-ikot ang bote sa lupa. Itinigil ko iyon dahil parang muntanga ako at muling napabuntong hininga.

“Hindi kasi ako aware na may nangyayari na palang gano'n nang time na 'yon, eh. Kilala mo naman ako, magaling akong magkontrol, kaso sobrang lasing talaga kami no'n, eh,” muling usal ko.

Naalala ko na pala na hindi dapat ako sasama sa bahay ni Corazon matapos naming mag-inuman at kilalanin ang isa't isa sa Sixty's Bar, kaso ang bruhilda hindi na kayang magdrive at alangan namang hayaan ko siyang sumakay ng taxi nang mag-isa. Naku, paano na lang kapag nahalay iyon? Kasalanan pa ng ganda ko. Kaya, ayon, hinatid ko nga, pero may nangyari pa rin.

At, ito pa ang naalala ng brain ko, sa sala nag-umpisa ang lahat! Bruhang iyon, inakit yata ako! Basta, may pinag-usapan kami, pero hindi ko na maalala, siguro ipinagpatuloy namin ang pagkilala ssa isa't isa, tapos pagkatapos, ayon na, tinuka na siya ng bakla at tinapos ang nasimulan sa kwarto niya. Jusko!!!

“Kaya pala hindi ka nakauwi kagabi! Akala tuloy namin umuwi ka sa inyo, 'yon pala naghihimala kayo. Tsk, tsk. Pero, sexy ba si Corazon, Mader?” mapanuksong tanong niya.

“Oo, pero syempre, mas sexy ako,” puno ng kompyansang sabi ko. Totoo, sexy si Corazon kahit ang liit niya.

“Grabe kayo, Mader! Hindi pa nga kayo nag-uumpisa sa fake relationship ni'yo, pero may nangyari na! 'Yong totoo, gay boyfriend ba talaga ang hanap o gay husband?”

“Baliw! Pero, speaking of husband, naaawa ako sa future husband ni Corazon, hindi siya ang makakauna sa asawa niya. Tapos, nalaman ko pa mismo kay Corazon na special gift niya iyon sa magiging asawa niya, kaso ayon, hindi naman para sa akin, pero ako 'yong kumuha. Sising-sisi ako, Bakla,” malungkot kong sambit at saka muling napabuntong-hininga.

“Edi, panindigan mo na lang, maging asawa ka niya. Omaygad, Mader! Chance mo na 'yan, 'di ba gusto mong magkaanak?”

“Shuta ka! Oo, gusto ko, syempre, sayang naman 'yong maganda kong lahi kung 'di ko ipapasa, pero ayoko kay Corazon.”

“Maganda naman 'yon, ha? Ayaw mo ba sa pechay na 'yon? Gray eyes, half-Filipino, one-fourth Scottish, one-fourth Lithuanian, matalino, kaso sabi ng iba, panget ang ugali, pero chocks na 'yan, Mader!”

Oo nga pala, kami mismong apat ay nangalap ng impormasyon sa mga empleyado ni Corazon sa kompanya niya at sabi nga nila napakamainitin ng ulo ng babaeng iyon. Halos araw-araw raw may pinapagalitan. Pero, bakit ganoon? Noong nasa Sixty's Bar kami puro kami tawa at saya. Iyon yata iyong totoong Corazon. In fairness, hindi na masama.

“Ayoko sa kanya kasi pareho kaming may malaking kasalanan sa isa't isa.” Napayuko na lang ako nang maalala ko ang mga panahong iyon.

“Dahil sa chug-chugan na 'yon, Mader, ayaw mo na sa kanya?” kyuryos niyang tanong.

“Isa na 'yon, pero 'yong isa ko pang kasalanan sa kanya ay nangyari noong fetus pa lang kami, elementary days. Ako 'yong dahilan kung bakit ayaw niyang may tumatawag na Corazon sa kanya at 'di ko knows na hanggang ngayon ay nadala niya 'yon. 'Yong kasalanan naman sa'kin ni Corazon ay noong high school, inagaw niya sa'kin 'yong first love ko, 'yon 'yong super mega ultra downfall na naranasan ko ever since the world began.”

Binalot kami bigla ng katahimikan, siguro ay pinoproseso pa ni Mona sa may kaliitan niyang utak ang sinabi ko. Tanging ingay na lang ng mga insekto ang naririnig namin, lalo na itong depungal na mga lamok na ito na akala mo ay ang gaganda ng boses para sa mismong tenga mo talaga mag-ingay. Lintik! 

Tinapos ni Mona ang katahimikan nang magtanong siya, “Ikaw nga umamin sa'kin, Mader, talaga bang pera lang ang habol mo kaya ka pumayag na maging gay boyfriend ng pechay na 'yon?” Nakataas pa ang isa niyang kilay. Taray, ma-attitude talaga si Madame.

“Oo,” diretso kong sagot. “Alam mo na, in need ng dutch ang baklang 'to, may sakit si Nanay, tapos may binubuhay pa akong apat na  kapatid kaya no choice ang Barbie kung 'di ang sumugal sa trip ni Corazon,” dagdag ko at hindi ko alam kung ilang beses siyang napatango. Mabuti naman at gets niya ako.

“Pero, ha, Mader, first and last na 'yong chug-chugan ni'yo. Mamaya bigla ka na lang umuwi rito na lalaking-lalaki na.”

Yuck! Ano bang pinagsasabi ng baklang ito?! Baka umuwi ako isang araw na may bitbit na lalaki, 'yan, matatanggap ko pa.

“Shuta ka talaga! Maghiganti ang gagawin namin, hindi maghimala.”

Tawa lang nang tawa ang bakla, mabuti na lang at hindi pumasok sa bunganga niya ang maiingay na mga lamok.

“Pero, Freiya, kung gusto mo 'yong kalimutan ay madali lang naman. Isa lang naman 'yong panandaliang sarap na hindi na dapat maulit pa.” Agad akong tumango at napangiti naman si Mona. “Huwag mo nang sisihin 'yong sarili mo, Mader, pareho ni'yo namang hindi alam na mangyayari 'yon. So, next time, 'wag na kayong magpakalasing nang bonggang-bongga, o magdala na lang kayo ng kasama at baka hindi ni'yo na naman mapigilan ang magpalindol.”

Bahagya akong natawa, pero may tama naman siya roon. Mas mabuti nang maniguro at baka may pagsisisihan na naman kami.

“Antok na ako, Mader, mauuna na ako sa dreamland. Pumasok ka na rin at baka maubos ka ng lamok, kawawa mga boys wala ng matitikman,” natatawang aniya at saka siya tuluyang pumasok sa loob.

Nanatili muna ako sa labas ng mga sampung minuto, pilit kinakalimutan ang nangyari, patuloy na sinasabi sa sarili na huwag ng magsisi, at pinapaalala sa sarili na...

...hindi dapat ako mapalapit nang sobra kay Corazon dahil malaki rin ang kasalanan niya sa akin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Wanted: Gay Boyfriend   Chapter XIII - The Visitor

    CHAPTER XIIIThe VisitorCORA'S POVIcriedout inpainbutno noiseescaped my mouth. I wanted to look for my car so I can just continue weeping inside, but my knees were shakingso bad that Icouldn'tevenstand up. A pair of familiar loafers appeared in front of my eyes. I looked up and saw him watching at me with sympathy written all over his face. He bent down to the groundon one knee to seemeateye level and hetookholdofmy shoulderswithbothhands.I managed tosay between my sobs, “I lose, Freiya, I lose on the second game.”“Shhh,” he tried to comfort me, and I cried, even more, when he offeredme his arm andembraced me kindly. “Ang ganda-ganda mo sa makeup mo a

  • Wanted: Gay Boyfriend   Chapter XII - Closure

    CHAPTER XIIClosureFREIYA'S POVNanatili akong nakaupo at nakahalukipkip lang sa gilid. Medyo natatakot ang beauty ko na tumayo at baka hindi ko mapigilang humarot. Jusko! Keraming gwapo! At may naaamoy pa akong mga paminta rito. Naku! Kung wala lang kaming kontrata ni Corazon ay baka kanina pa ako nakapamingwit dito."Hi."Nilingon ko naman agad si Kuya na may bitbit pang baso ng wine at saka ito tumabi sa akin. Grabe, ang pogi niya sa maroon niyang tuxedo! Ang kinis at ang linis pa ng mukha niya. Shuta des! Mukang masarap siya.Ehhhh!!! Sabi ng bawal, eh! Kay Corazon nga lang ako dapat humarot. "Hi, Dude. An

  • Wanted: Gay Boyfriend   Chapter XI - The Gay's Ex

    CHAPTER XIThe Gay's ExCORA'S POVThe Reunion continues. Everybody seemed to beenjoying themselvesto the full extent. Themusicwas real smooth and sweet. TheDJ is so good. He kept the mood going with something a littleupbeatthen something soft and slow. I handed a glass of classic drink from our table and sit silently around thecorner, while having a nice time listening to themusicand watchingeveryoneelse dance, but I have no plans of joining them. I saw Zella with her high school friends enjoying the dance floor as well while her ex-boyfriend

  • Wanted: Gay Boyfriend   Chapter X - The Reunion

    CHAPTER XThe ReunionCORA'S POVMy eyes wandered at these people who are now so busy talking with each other. I've seen my former classmates in a round table, some of them seemed to have a fine life, while others are quite unfortunate. May iba pang nandito na dala ang mga anak nila, ang iba naman ay buntis na, at syempre, may mga katulad kong single. I am just in a fake relationship, but in reality, I'm single and not ready to mingle. “Cora.” My attention shifted at Zella. “I really am so afraid na makita si Aaron, I'm afraid to break my rule,” she said and released a heavy sigh.I am so surprised! Does she still have a feeling for that man who lost his balls

  • Wanted: Gay Boyfriend   Chapter IX - My Bu

    CHAPTER IX My BuCORA'S POV“Why don't we wait for him inside, Cora? Ang daming lamok dito sa labas.” Zella expressed her annoyance again! We have been standing here for twenty minutes and she'd never stop complaining. Ang sabi ko sa kanya ay mauna na siya sa hotel, pero gusto niyang sabay na kami kaya magtiis siya.I definitely know the reason why she wants us to get there together. She needs me if ever she crossed paths with her insane ex-boyfriend she never had closure. He's not literally insane, he's just crazy in love with Zella. It's been three years since they split up, but her ex just told her a month ago that he's still into her, pero hindi siya makalapit kay Zella dahil alam niyang galit ako sa kanya at alam niyang iba ako magal

  • Wanted: Gay Boyfriend   Chapter VIII - His Promise

    CHAPTER VIIIHis PromiseFREIYA'S POVBakit kaya nandito ang hinayupak na ito at may bitbit pang bulaklak? Akala niya ba ay may lamay rito? O baka advance lang talaga siyang mag-isip dahil alam niyang paglalamayan siya ngayon dahil sa pagpunta niya rito? Matalino rin pala ang jutay. “Freiya, Hon,” aniya sabay hawak sa kamay ko. Iyong tila ba para talaga siyang nananabik na makita ako muli. Shuta, inalis ko nga agad. Anong akala niya nasa drama kami para ipakita niya iyang acting skill niya? Ulol! “Freiya, tayo na lang ulit.” Pagmamakaawa pa niya.“Bakit? Na-realize mo na mukhang mambabarang 'yong pinalit mo sa'kin?” mataray kong tanong.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status