Home / All / Will You Be Mine? / 01-How we met

Share

Will You Be Mine?
Will You Be Mine?
Author: 7czhyki

01-How we met

Author: 7czhyki
last update publish date: 2020-09-09 15:14:24

Levi

"I-shoot mo na ang bola!"pasigaw na sabi ni Caleb,habang nakabantay sa kalaban kaya naman tumakbo ako papalapit sa ring

I-sho-shoot ko na dapat ang bola ng biglang sumigaw si Caleb,"Levi!"sigaw niya ulit kaya naman nabitawan ko ang bola at napatingin sa direksiyon ni Caleb,nakalapit na sa akin ang kalaban 

"Pero nasaan ang bola?"tanong ko kay Caleb,na nag hahanap din sa paligid ganun na din pati ang mga kalaban namin ay hinahanap din nappalingon ako sa isang direksiyon ng may sumigaw 

"Aray,buwiset!"nakita ko ang isang babae na nakahawak sa ulo at sa kanang kamay niya naman ay ang bola 

Napaawang ang aking labi at nang matauhan ay agad akong lumapit sa kaniya at agad siyang tinanong 

"Ms,ayos ka lang ba?"tanong ko sa kaniya agad siyang tumingin sa harapan ko at pinanlisikan ako ng mga mata 

"Eh gago ka pala,e!"bulyaw niya agad sa akin,"sinabi ko nang aray mag tatanong ka pa kung ihagis ko kaya 'tong bola sa mukha mo?!"sigaw niya halos takpan ko ang tenga ko sa lakas ng boses niya,mag kaharap lamang kami kung makatalak siya ay akala niya nasa kabilang dako ako

"Ms pwede bang 'wag kang maingay pwede naman natin pag usapan?saka alam mo namang court ito hindi ba?bakit kasi nandito ka sa parte ng court kung saan alam mong matatamaan ka ng bola?"ganti ko dito,binigyan niya naman ako ng maangas na tingin,inayos niya ang cap niya at nagusot na T-shirt 

Maya maya ay dumapo ang kaniyang kamao sa aking mukha,napahawak ako doon sa pisngi ko dahil sa lakas ng suntok niya ay muntik pa akong masubsob sa lupa 

"Gusto ko lamang ay humingi ka ng tawad dahil natamaan mo ako ng bola pero kung ang paiiralin mo ay 'yang katangahan mo sa akin?talagang hindi lang 'yan ang aabutin mo,babae nga ako pero kaya kita,'yan ang tatandaan mo!"sabi nito  bago lumakad paalis kasama ang isang babae 

"Noreen,sandali lang!"sigaw ng kasama niya at tumakbo ito para masabayan sa pag lalakad ang babae

"Pre,nakita ko 'yung nangyare ha?ayos ka lang ba?"tanong ni Caleb,at tinulungan akong makatayo 

"Ayos lang ako ang hindi ayos dito ay nasuntok ako,at ang matindi pa ay babae!"inis na sabi ko habang sapo sapo ang mukha ko lumingon ako sa paligid,wala nang tao maging ang kalaban namin kanina ay wala na,"nasaan na sila?"tanong ko kay Caleb at Alex

"Nauna na sila,hindi pa nga tapos ang laban,nakakapag taka."sagot ni Alex 

"Pero pre ang ganda nung Noreen 'no?"nakangising sabi ni Caleb sa akin 

"Ha!maganda nga parang lalake naman!magaling nga pumorma,kilos lalake naman!"wala din inis pa na sabi ko 

Edi inaamin mo na nagandahan ka?"sabi ni Alex at hinagis sa akin ni Alex ang bola kaya agad ko 'yong sinalo 

"Hindi 'no mas maganda pa nga 'yong kaibigan niya,saka impossible na magandahan ako basta basta doon pagkatapos ng ginawa nung Noreen na 'yon sa akin!"tumingin sa malayo

"Tara nga umuwi na tayo."anyaya ko sakanila 

Lumabas kami ng court at sabay sabay na naglakad

"Sa ating mag totropa ikaw na lang yata ang hindi nag kaka girlfriend!"pag tutukoy ni Alex sa akin 

"Oo nga,wala kabang crush,nililigawan?"tanong naman ni Caleb sa akin 

Napabuntong hininga ako bago sumagot sa mga tanong nila sa akin 

"Ayoko naman ng sapilitan ayoko din na liligawan ko kasi crush ko gusto ko 'yong liligawan ko siya dahil mahal ko,at least doon mapapatunayan ko na mahal ko siya."seryosong sabi ko sakanila 

"Woh,seryoso nun brad ah?may pinag huhugutan kaba?"tanong ni Caleb habang diretsong nakatingin sa dinadaan 

"Baka tayo talaga para sa isa't isa?hahahaha!"singit ni Alex kasabay ang pag tawa 

"Tangina mo,Alex kadiri bading!"sabi ko kaya sabay sabay kaming nag tawanan 

Sa pag uusap namin hindi namin namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin 

"Oh siya mga pre,una na ako ha?mag iingat kayo!"pag paalala ko sa kanilang dalawa

"Sweet naman fafa Levi pa kiss nga!"pang aasar ni Alex

"Crush mo ba ako fafa Levi?"nag papa cute na sabi ni Caleb

"Ulol,kadiri umuwi na nga kayo!"natatawang sabi ko kaya nag tawanan din sila

"Sige mauna na din kami,ingat ka din Levi!"sabi ni Caleb,kumaway naman si Alex at nag flying kiss pa kaya naman napailing na lang ako sa pang aasar niya 

Nilakad ko papasok sa street namin hanggang sa marating ko na ang bahay namin,pag pasok ko ay tahimik naabutan ko ang papa ko na nanonood ng TV

"Oh,anak nandiyan kana pala,kamusta ang laro mo?"tanong agad ni papa sa akin,si papa ang pinaka supportado sa akin sa pag lalaro ko ng basketball siya din ang nag turo sa akin kung paano mag laro 

"Ayos lang naman po,pa."nakangiting saad ko kaya naman lumaki ang ngiti sa kaniyang labi 

" 'Yan ang anak ko!magaling mag basketball!"puri agad nito sa akin

"Kanino pa po ba mag mamana?"nakangising saad ko kaya naman parehas kaming napangisi 

"Si kuya nga po pala nasaan?"tanong ko sa kaniya 

"Si Rhys ba?aba may date sila ng girlfriend niyang si Elis."sabi nito  habang nanood sa TV  maya maya ay sisigaw kapag nakaka shoot ng bola yung paborito niyang team 

"Kaya pala wala nanaman si kuya kasi nakikipag date nanaman kay ate Elis."bulong ko 

"Eh si mama po pa pala pa?nasaan?"tanong kong muli,kay papa kaya lumingon siya sandali sa akin at bumaling ulit sa TV

"Ayon nasa kusina,may kausap na magandang dalaga kaedad mo lang ata,pero gustong gusto ng mama mo."sabi ni papa sa akin 

"Ha?sino naman po?"takang tanong ko dito sa kaniya 

"Sino ba ang batang 'yon?norisel?noribel?hindi ko matandaan,e."kamot ulong sabi ni papa kaya napailing ako lumingon siyang muli sa akin at napatitig sa mukha ko,"anong nangyare sa mukha mo?"tanong niya 

"Wala po ito nag depensahan lang kaya natamaan ako ng bola."pag sisinungaling ko nakakahiya naman kasi kung sasabihin ko na may natamaan ako ng bola at sinuntok ako ng natamaan ko at ang malala pa doon ay babae pa ang nanuntok sa akin,mukhang nakumbinsi ko naman si papa sa dahilan ko dahil tumango tango ito

"Hahaha,ang saya mo naman kausap reen!"mula sa kusina ay nakarinig ako ng tawanan kaya napatayo ako 

"Ma?"lumapit ako sa kusina,"sinong kausap mo?"tanong ko,agad namang lumapit sa akin si mama

"Ha?nandito kana pala,ang kausap ko si,Reen."sabi ko ni mama at tumingin sa direksyon napalingon din ako doon at may nakita akong babaeng nakatalikod na tila napaka pamilyar ng pigura

Maya maya ay lumingon ang babae kaya naman nanlaki ang mga mata namin ng mag salubong ang aming mga mata 

"Ikaw!"

"Ikaw!sabay na sabi namin habang nakaturo sa isa't isa 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Will You Be Mine?   02-who is she

    Levi"Teka,mag kakilala ba kayo?"tanong ni mama dahil sa mga ikinilos namin kanina"Eh siya po 'yong kinukwento ko sa inyo na nang bato ng bola sa akin,e!"sabi nung babae"H-hoy,anong binato?hindi ko sinsadiya 'yon!"sabi ko sa kaniya"Eh,hindi ka nga nag sorry,e!"bulyaw niya din sa akin"Talagang hindi ako mag s-sorry,sinapak mo ako kanina,e!"pag dedepensa ko sa sarili ko"Talagang sasapakin kita,ikaw na nga ang nakatama ikaw pa 'yong gusto mong maging tama!hinayupak ka din talaga e,'no?!"bulyaw niyang muliSigawan kami ng sigawan sa isa't isa na kahit sa totoo lang ay mag katabi lang naman kamiSi mama naman sa bawat magsasalita ay doon lilingon"Edi sana hinayaan mo muna akong mag explain bago ka susugod at manuntok!"bulyaw ko pa"Aba't tarantado ka talaga---"hindi niya na natuloy ang sasabihin ng biglang sumingit si mama"Mag-aaway pa din ba kayo o mag aayos?"sab

  • Will You Be Mine?   01-How we met

    Levi"I-shoot mo na ang bola!"pasigaw na sabi ni Caleb,habang nakabantay sa kalaban kaya naman tumakbo ako papalapit sa ringI-sho-shoot ko na dapat ang bola ng biglang sumigaw si Caleb,"Levi!"sigaw niya ulit kaya naman nabitawan ko ang bola at napatingin sa direksiyon ni Caleb,nakalapit na sa akin ang kalaban"Pero nasaan ang bola?"tanong ko kay Caleb,na nag hahanap din sa paligid ganun na din pati ang mga kalaban namin ay hinahanap din nappalingon ako sa isang direksiyon ng may sumigaw"Aray,buwiset!"nakita ko ang isang babae na nakahawak sa ulo at sa kanang kamay niya naman ay ang bolaNapaawang ang aking labi at nang matauhan ay agad akong lumapit sa kaniya at agad siyang tinanong"Ms,ayos ka lang ba?"tanong ko sa kaniya agad siyang tumingin sa harapan ko at pinanlisikan ako ng mga mata"Eh gago ka pala,e!"bulyaw niya agad sa akin,"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status