LOGINLevi
"Teka,mag kakilala ba kayo?"tanong ni mama dahil sa mga ikinilos namin kanina
"Eh siya po 'yong kinukwento ko sa inyo na nang bato ng bola sa akin,e!"sabi nung babae
"H-hoy,anong binato?hindi ko sinsadiya 'yon!"sabi ko sa kaniya
"Eh,hindi ka nga nag sorry,e!"bulyaw niya din sa akin
"Talagang hindi ako mag s-sorry,sinapak mo ako kanina,e!"pag dedepensa ko sa sarili ko
"Talagang sasapakin kita,ikaw na nga ang nakatama ikaw pa 'yong gusto mong maging tama!hinayupak ka din talaga e,'no?!"bulyaw niyang muli
Sigawan kami ng sigawan sa isa't isa na kahit sa totoo lang ay mag katabi lang naman kami
Si mama naman sa bawat magsasalita ay doon lilingon
"Edi sana hinayaan mo muna akong mag explain bago ka susugod at manuntok!"bulyaw ko pa
"Aba't tarantado ka talaga---"hindi niya na natuloy ang sasabihin ng biglang sumingit si mama
"Mag-aaway pa din ba kayo o mag aayos?"sabi ni mama
"Mag-aaway pa rin po,bakit naman po kami mag aayos?!"mag kapabanay na sabi namin at pinanlisikan ang isa't isa
"Oh,edi sige hindi kayo kakain hangga't hindi kayo nag kaka ayos maliwanag?"simpleng sabi ni mama
"Pero,ma.."Hindu maka paniwalang sabi ko
"Wala mang pero,pero,gusting kong mag-kaayos kayo."sabi nito at dumiretso sa sa lamesa at nag hain sakto ang plato doon at mga pag kain para sa amin pero hindi kami pwedeng umupo hanggang hindi kami nag kaka ayos ng bruha na 'yon
"Wala kaba talagang gagawin para mag ka ayos tayo?"inis na sabi ko dahil gutom na gutom ako dahil sa laro
"Katangahan mo 'yan.."sabi nito sa akin kaya napa awang ang aking mga labi
"A-anak ng.."sabi ko at umirap naman siya saka maangas na lumapit sa akin,nalipat ang tingin ko sa kaniya
"Doon tayo sa kusina.."bulong niya,nasa gilid kasi kami habang pinapanood si mama at papa na kumakain kaya naman sumunod ako sa bruhang 'to
"Anong gagawin natin?"takang tanong ko sa kaniya
"Gusto mong maka kain 'di ba?"agad naman akong tumango
"Edi,gagawa ng paraan,ayaw mo kasi gamitin 'yang utak mo.."sabi niya na tila baliwala sa kaniya ang sinasabi ko
"Ito ang plano,mag kukunwari tayo na nag kaayos na,sa harapan lang nila pero kapag tayong dalawa lang pwede na tayong umakto kung paano talaga tayo sa isa't isa."seryosong sabi niya sa akin
" 'yon lang ba?"tanong ko sa kaniya
"May sinabi pa ba akong iba?"balik tanong niya kasabay noon ang pag irap niya,"simulan na natin ang plano
"Tara.."
Lumabas ako kasunod si bruha
Tumawa ako para makuha ang atensyon nila mama at papa
Pero si ang bruha ay nakatingin lang sa akin na tila mukha akong tanga dahil tumawa ako mag isa
"Hahaha, tumawa ka din,para kunware close na tayo!"pasimpleng bulong ko kaya tumawa din siya ng peke
"Hahahaha,tanga ka kasi hindi mo agad sinabi."pasimple din niyang bulong
"Hahaha!"sabay kaming tumawa kaya naman napalingon sa amin si mama at papa
"Mukhang okay na kayo ha?mabuti naman kung ganoon,umupo kana dito,Reen."
"Hoy,dito kana umupo,oh.."turo ko sa upuan,may sira 'yon,naiinis kasi ako sa kaniya
"Hindi na diyan kana lang.."sabi niya at plastik na ngumiti sa akin
"Hindi na,bessy sige na dito kana."sabi ko at sarkastikong ngumiti,napangiwi naman siya ng tawagin ko siyang bessy
"Okay lang ako bessy, ano kaba hahahaha!"sabi niya at binatukan ako kaya napaupo ako sa siramg upuan katabi ng upuan niya siya pa tuloy ang naka upo sa maayos na upuan
"Ito bessy,try mo 'to,oh."sabi ko at kumuha ng ulam,pinili ko ang maraming sili
"Hindi bessy,ayos lang hihi!"sabi niya at naiinis na pinanlisikan ako ng mata
Kumuha din siya ng ulam na 'yon at pinili ang madami ang sili
"Say,ah bessy."sabi niyaat pinanlakihan ako ng mga mata
Umiling naman ako sa kaniya,say ah!"ulit niya at sinamaan ako ng tingin kaya naman wala akong nagawa kundi nguyain ang pag kain
"Ha!ang,anghang!"aabutin ko na sana ang tubig ng sanggiin niya ang pitsel
"Ay hala nasagi ko ang pitsel Hindi ko sinasadya!"kunwareng sabi niya at pasimple niya akong nginisihan
Wala akong nagawa kundi ang tumayo kasama ang upuan na nasa puwetan ko dahilan sa sirang upuan ay naipit ang pwet ko
Pumunta akong ref at kinuha ang tubigaan at walang habas na tinungga 'yon
"Ha!"sabi ko kaagad kahit papano ay nawala ang anghang
"Okay kana ba anak?"tanong ni mama na tila gulat sa nangyare si papa naman ay nakatitig lang
Bumalik ako sa lamesa na dala dala pa din ang upuan
Nangmakabalik sa lamesa ay naririnig ko ang pasimpleng pag tawa ni Noreen kaya nainis na ako
"Bakit kaba kasi nandito?!"inis na tanong ko sa kaniya nagulat naman siya pero nang makabawi
"A-anak.."sabi ni mama
"Ako si Noreen Ayesha Rios,anak nina Missy Rios at Luthore Rios,na barangay chairman dito,kung bakit ako nandito?dahil tinutulungan ko ang parents mo,kung hindi dahil sa pera namin ay wala kayong makakain ngayon at kung hindi dahil sa pera namin ay hindi ka makakapasok sa 1st sem niyo,natamaan mo ako sa court kanina 'di ba?hinahanap kita n'on,dahil iniimbita ka ng parents ko sa mansion,pero 'yang pagiging mataas mo ang pinairal mo,tapos simpleng ganti 'yong ginawa ko sa'yo galit kana?"
"Eh bakit Hindi mo din muna ako hiyaang mag explain hindi ba?bakit?kasi mataas na tao ang pamilya mo dito sa barangay?kung ganiyan lang din ang ugali ng tao na hihingian ng pamilya ko mang tulong,huwag na lang,hindi namin kailangan."simpleng sagot ko
"Anak naman.."si mama
"Levi.."si papa tila nahihiya sa inaasal ko
"Hindi na lang kami hihingi ng tulong sa pamilya mo,patawad sa inasal ko pero kung ganito ang mangyayare na tila pinag mamalaki niyo ang pera niyo sa amin huwag na lang."
Huling sinabi ko at umakyat sa kuwarto,nasaktan ako na sa harap ng parents ko ay ganun ang inasal niya
Pera niya?kung gusto niya pag hihirapan ko 'yon at ibabalik ko sa kaniya huwag lang siyang umakto na parang sobrang taas na tao ng pamilya nila
Humiga ako sa kama ko at pumikit,sana kapag bumaba ako doon ay wala na siya
Levi"Teka,mag kakilala ba kayo?"tanong ni mama dahil sa mga ikinilos namin kanina"Eh siya po 'yong kinukwento ko sa inyo na nang bato ng bola sa akin,e!"sabi nung babae"H-hoy,anong binato?hindi ko sinsadiya 'yon!"sabi ko sa kaniya"Eh,hindi ka nga nag sorry,e!"bulyaw niya din sa akin"Talagang hindi ako mag s-sorry,sinapak mo ako kanina,e!"pag dedepensa ko sa sarili ko"Talagang sasapakin kita,ikaw na nga ang nakatama ikaw pa 'yong gusto mong maging tama!hinayupak ka din talaga e,'no?!"bulyaw niyang muliSigawan kami ng sigawan sa isa't isa na kahit sa totoo lang ay mag katabi lang naman kamiSi mama naman sa bawat magsasalita ay doon lilingon"Edi sana hinayaan mo muna akong mag explain bago ka susugod at manuntok!"bulyaw ko pa"Aba't tarantado ka talaga---"hindi niya na natuloy ang sasabihin ng biglang sumingit si mama"Mag-aaway pa din ba kayo o mag aayos?"sab
Levi"I-shoot mo na ang bola!"pasigaw na sabi ni Caleb,habang nakabantay sa kalaban kaya naman tumakbo ako papalapit sa ringI-sho-shoot ko na dapat ang bola ng biglang sumigaw si Caleb,"Levi!"sigaw niya ulit kaya naman nabitawan ko ang bola at napatingin sa direksiyon ni Caleb,nakalapit na sa akin ang kalaban"Pero nasaan ang bola?"tanong ko kay Caleb,na nag hahanap din sa paligid ganun na din pati ang mga kalaban namin ay hinahanap din nappalingon ako sa isang direksiyon ng may sumigaw"Aray,buwiset!"nakita ko ang isang babae na nakahawak sa ulo at sa kanang kamay niya naman ay ang bolaNapaawang ang aking labi at nang matauhan ay agad akong lumapit sa kaniya at agad siyang tinanong"Ms,ayos ka lang ba?"tanong ko sa kaniya agad siyang tumingin sa harapan ko at pinanlisikan ako ng mga mata"Eh gago ka pala,e!"bulyaw niya agad sa akin,"