"ANO bang okasyon? Hindi ko naman birthday ah!" overwhelmed niyang turan. Pagkagaling sa quadrangle ay niyakag na siya ng binatang umuwi."Wala, gusto ko lang na maging masaya ka. Sige na buksan mo na, dapat nga kahapon pa iyan kaso hindi naman tayo nagkita.""Parang nakakapanghinayang namang sirain ang balot nito."Naiiyak niyang nilingon ang binata matapos buksan ang regalo."Louis, sobra-sobra naman yata ito" aniya saka pinaglipat-lipat ang tingin sa binata at sa kumpletong hard copy set ng Harry Potter series.Alam niyang hindi biro ang presyo niyon, pero mas higit pa doon ang dahilan kung bakit siya naiiyak sa tuwa. Iyon ay dahil hindi niya inasahang paglalaanan siya ng pera at panahon ni Louis para regaluhan ng isang bagay na alam nitong talagang magkapagpapasaya sa kaniya."And the other book, iyong pinag-awayan natin" anitong natawa pa ng mahina saka siya makahulugang sinulyapan. "napalitan ko na, kaya t
Huling Na-update : 2020-02-26 Magbasa pa