Pagkagat ng bukang-liwayway, ginising ako ng isang malakas at matinis na tunog. Akala ko gyera na, hindi pala. That was my alarm clock. Pft. Paglabas ko ng cabin, yumakap sa katawan ko ang malamig na hangin at ang tahimik na espasyo. Lahat ay tulog pa maliban sa aming tatahak sa isang misyon. Bukas na rin ang ilaw ni Void, he might still be there, packing his own things. My forehead furrowed. I sighed, wala sa pag-iisip kong tinungo ang kanyang pintuan. I knocked. Narinig ko ang mga yapak sa loob ng kanyang cabin, then suddenly bumukas ito and revealed him to my sight. "Pasensya na, hinanap ko lang iyong dagger ko. Anyway, tara na, nahanap ko na." anya saka humakbang palabas sa kanyang cabin.
Last Updated : 2020-07-28 Read more