“Anak, magkape ka muna.” Naibaba ni Olivia ang diyaryong binabasa, partikular iyon sa classified adds. Minsan tumitingin rin siya sa mga job sites tulad ng indeed at job street pero 'di niya feel iyon. Pakiramdam niya ay puro scammer ang mga naroon. Tulad ng magulang niya, naiscam siya. Hindi naman na masama ang loob niya. Kaunti lang. Natanggap na niya ang paliwanag ng mga magulang pero may parte pa rin sa loob niya ang nanghihinayang. “Pakilapag na lang po, nay.” Aniya. Ibinalik niya ang tuon sa ginagawang pagbabasa. Ginuguhitan niya ang mga kompanyang hindi pasok sa qualifications niya. Inilapag naman ng kanyang inay ang tasa ng kape sa lamesang yari sa kahoy. Kumpara sa mga kagamitan nila, ito lang ang masasabi niyang maayos at matibay. Ang iba ay puro mga nabubulok na. Mukh
Last Updated : 2020-07-30 Read more