"Birthday na bukas ng bebe mo, ah? nabanggit ni Jinx," sabi sa akin ni Althea na kumakain ng fries. Nandito ulit kami sa kainan ng street foods. Favorite namin eh. "Oo nga, invited kayo? Sa bar daw eh," sagot ko. Nakausap ko kasi kanina si Jinx at sinabi ngang sa bar na daw ang party. "Nope. Hindi naman namin close, 'no! Ikaw, invited ka noh? nako ha! distansya, ah? may jowa yun!" Sabi ni Cristel. Umirap ako. "Gaga! wala na nga sila. Tska nung sila pa naman, umiiwas naman ako." "Umiiwas pero gumagawa ng paraan para mapansin?" Sarkastikong sabi ni Joyce na kasalukuyang umiinom ng paborito niyang dutchmill kaya sinamaan ko siya ng tingin at ngumuso nalang. Hindi naman ako matatawag na malandi nang dahil s
Last Updated : 2020-07-31 Read more