Panay ang pagbuntong-hininga ko at pag-irap habang papunta ako sa mansion ng mga Gabriel. Tinawagan ako ni ate Mel eh, pinapapunta daw ako ni tita. Siguro kakausapin ako about sa pagditch ko ng class. Ilang araw na lumipas pero ngayon palang nila ako kakausapin. Sabagay, ngayon lang siguro sila nagkaroon ng oras para alamin kung nabubuhay pa ba 'ko. Charot, drama."Good afternoon, miss Hope." Bati saakin ng mga maids pagkapasok ko. Kakatapos lang ng klase. As usual, hinatid ako dito ni Levi. Suot ko pa rin ang uniform ko. Si Aaron ay nang-asar pa kanina at ginudluck pa ako."Hi, couz! sino yung naghatid sa'yo? boyfriend?" Napairap ako nang bumungad sa akin si Paris."Chismosa ka, girl?" inirapan ko siya."Susumbong kita! Nag-ditch ka na nga ng class tapos may boyfriend ka pa! Siguro dahil sakan'ya kaya ka nag-cutting, noh? Aral muna bago land
Last Updated : 2020-08-15 Read more