Nakasuot na kami ngayon ng mga gamit pang scuba. Fins para sa paa, goggles, tank para sa oxygen at higit sa lahat lakas ng loob. Nakakakaba naman kasi. Tinuruan muna ako ng basic bago gawin talaga. Mahirap na baka bigla akong lumubog o di kaya ay sumabog ang tangki. Di biro lang. Hahawakan naman daw ako ni Jace baka bigla akong mawala. Diba? Ang sweet ayaw niya akong mawala. 'Di gaya ng iba diyan. Hindi mo alam nawala na pala siya. 'Di ko sinabing ghoster 'to ah. "Ready kana?" Tanong niya sa'kin. Kahit medyo nag aalangan ay sumagot pa din ako. "Syempre ready na." Kumindat ako at nag okay sign. Tinuro nila kanina sa'kin para daw malaman kung okay lang kami. At hindi naman pweding magsalita kami sa ilalim. "'Wag kang bibitaw okay?" Pinalakihan niya ako ng mata, mukhang nag aalala siya sa'kin. Isinuot ko muna ang goggles at oxygen tank tapos ay ngumiti sa kaniya. 1, 2, 3 pahiga kaming buma
Last Updated : 2020-08-02 Read more