Pila pila kami ngayong naka upo sa may detention room kasama na sina Dan, Erwy, at Esten. Syempre hindi sila makakatakas.Sa harap namin ay nakatayo si Gadeon, ang mga kamay ay nasa bulsa at nakasimangot ang mukha. Hindi ko magawang makatingin sa kaniya nang mapunta ang kaniyang atensyon sa akin."Bakit kayo nag aaway away? May mga nakapagsabi pa na ang iingay niyo raw. Anong nangyari?" Kahit isa ay walang nakasagot sa amin.Pinagdiin ko ang labi at napayuko, mukhang malalagot ako nito kay kuya at dad kapag nalaman niya."Erwy, Dan, Esten" Pagtawag niya sa tatlo.Napalingon ako nang makita ang tatlo na nagbubulungan, nagtutulakan pa sila kung sino ang sasagot. Muntik na akong matawa nang makita ang pawisan at kabado nilang mukha.Bumalik ang atensyon ko kay Gadeon, nagpakawala siya nang malakas na buntong hininga at napahawak sa kaniyang s
Last Updated : 2020-09-10 Read more