Nandito ako sa lugar kung saan namamalagi ang kasamaan. Dito naninirahan sa lugar na ito ang mga kauri kong demonyo, pati na rin sina Satanas at Kamatayan. Nagliliyab ang lugar na ito para sa mga kaluluwang pinarurusahan. Labis ang hagupit sa kanila dahil sa nagawa nilang mabibigat na kasalanan. “Nakatatawa, nasaan na ang Diyos na magliligtas sa inyo? Mga nilalang na walang kuwenta!” pasigaw na tanong ko sa aking sarili habang sinisipa-sipa ang mga kaluluwang lapnos na ang katawan dahil sa nagliliyab na apoy sa paligid. Hindi ko maiwasang isipin na kaawa-awa silang mga nilalang dahil sa baitang ng mga naninirahan sa mundong ito, sila ang nasa ilalim. Huminto ako nang makita kong nahihirapan na sila, kahit papaano naman ay may awa pa ako at isa pa, kapag tuluyang nawala ang kaluluwa nila, sino na lang ang uungol dahil sa sakit at hinagpis dito sa lugar na ito? Kaya hindi dapat
Last Updated : 2020-08-09 Read more