"Cassian, alam mo ba kung bakit dito ko gustong manirahan?" nakangiting tanong sa akin ni Camiell. Kahit ilang beses kong ulit-ulitin tumitig sa kaniyang mukha, hinding-hindi ako kailanman magsasawa. Nakaupo kami sa mga buhangin, pinapanuod niya ang paglubog ng araw habang ako, pinapanuod ko kung paano umaaliwalas ang napakaganda niyang mukha kapag nasisikatan. Magkahawak ang aming mga kamay, wala na akong balak bitiwan pa si Camiell. Napakasarap ng buhay kapag siya ang kasama. Para akong naninirahan sa lugar na walang problema. Ibinaling ko ang aking paningin sa araw, tama nga siya, kahit paulit-ulit na namin itong ginagawa, hindi pa rin talaga nakasasawa. Parang ang pag-ibig ko sa kaniya, hindi ito nakauumay at hindi pumapangit ang lasa. Napakaganda ng lugar na ito, ang sarap manatili at huwag nang umalis pa. "Kinakausap kita, ano sa tingin mo?" ta
Huling Na-update : 2020-08-09 Magbasa pa