Agad-agad kong binuksan 'yung page ng BIU para makita kung totoo ba 'yung chinat sa'kin ni Marco.Nag-send na lang ako ng like para alam niyang nabasa ko na 'yung message niya sa'kin. Dapat nga hindi ko na siya re-replyan kaso naisip ko na parang ang rude ko naman kung hindi ako magre-respond.Infairness, totoo nga 'yung chinat niya sa'kin pero sa May 9 pa naman naka-schedule 'yung enrollment for HUMSS students.Iche-check ko na rin sana kung kailan naman 'yung schedule nina Nich and Jae kaso may nag-pop na chat head.Si Marco.8:04 P.M.Marco: Grabeng reply naman yan HAHAHAHAHAHAHA I like you too :)Putakte? Bakit ba ang landi sa'kin ng lalaking 'to? Tsaka bakit puro may tawa 'yung chat niya? Parang gago.Sineen ko na lang 'yung message niya tapos binaba na 'yung phone; kailangan ko na kasing magbasa-basa ng notes d
Last Updated : 2020-08-21 Read more