( Monina POV's) Nang makarating ako, naghihintay na nga sa counter ang papalitan ko."Sorry kung medyo ako nahuli."Sinimangutan ako nito. "Sorry na.""Ewan ko sayo. Alis na ako."Dahil gabi nga, walang masyadong tao ng napapasok sa tindahan. Nakatitig lang ako sa labas. Ang lakas ng ulan. Sarap matulog kapag ganito.Hinihintay ko din ang tauhan ni Manyak, o baka si Mike ang dumating.Nakatitig lamang ako sa plastic bag na andoon nga ang sleeping robe.Naalala ko ang mukha ni Manyak.Ang lungkot niya. Bakit ba ang lulungkot nila? Saka kung nakipag-cooperate na sana siyang magsalita kung sino si Dr. Alucard, eh di masaya ako.Heto ginawa sa akin, magmukmuk na parang tanga.Naman Cedrick eh. Sarap mong gawing punching bag.Tumunog ang pinto na ikina-angat ng paningin ko. Isang lalaki na ng magtama ang mata namin… bigla na lang ngumiti.Isa na naman ba itong abnormal?
Last Updated : 2020-09-11 Read more