Chapter 4 "Mag-usap tayo Thene," mahinahong boses ni Zag na tila nais mag lambing."Ano ba ang pag-uusapan Zag?" she asked. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng bahay nila Zag at sabay na tinatanaw ang buwan at mga bituin. "Gusto ko sanang klaro tayo tungkol sa Sevence na iyon," wika ng binata at ibinaling sa iba ang kanyang mga mata. Tila ayaw nito na mag tagpo ang mga mata nila ni Athene."Crush mo siya hindi ba? crush lang ba? baka naman nanliligaw na sa iyo ang tsonggo na 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Zag. "Oo, crush ko si Sevence. Crush lang naman Zag eh kaya chill ka lang okay? isa pa ay hindi siya nanliligaw—magkaibigan lang kami." Saka nag thumbs-up ito sa binata. Hindi sumagot si Zag bagkos naka tuon lamang ang atensyon nito sa mga bituin. "Zag, okay lang naman hindi ba?" pagtatanong ni Athene. "O-oo naman, suportado ki-kita," mahinahon at uutal-utal
Last Updated : 2020-09-10 Read more