LOGINChapter 4
"Mag-usap tayo Thene," mahinahong boses ni Zag na tila nais mag lambing.
"Ano ba ang pag-uusapan Zag?" she asked. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng bahay nila Zag at sabay na tinatanaw ang buwan at mga bituin.
"Gusto ko sanang klaro tayo tungkol sa Sevence na iyon," wika ng binata at ibinaling sa iba ang kanyang mga mata. Tila ayaw nito na mag tagpo ang mga mata nila ni Athene.
"Crush mo siya hindi ba? crush lang ba? baka naman nanliligaw na sa iyo ang tsonggo na 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Zag.
"Oo, crush ko si Sevence. Crush lang naman Zag eh kaya chill ka lang okay? isa pa ay hindi siya nanliligaw—magkaibigan lang kami." Saka nag thumbs-up ito sa binata. Hindi sumagot si Zag bagkos naka tuon lamang ang atensyon nito sa mga bituin.
"Zag, okay lang naman hindi ba?" pagtatanong ni Athene.
"O-oo naman, suportado ki-kita," mahinahon at uutal-utal na sagot ng binata. Mababakas mo sa mga mata nito ang lungkot. Kahit sa loob nito ay hindi okay pero binawi na lamang niya sa ngiti.
"Kaya love kita eh, i love you best friend!" sunod niyang niyakap si Zag na ikinagulat nito. Wala nang sasakit pa kapag kaibigan lamang ang turing sa'yo gayong alam mo sa sarili mo na higit pa roon ang nais mo. Sana.
Noong gabing iyon ay wala nang sasakit pa sa yakap bilang KAIBIGAN. Sa i love you bilang KAIBIGAN. But Zag is still there for her. Kahit masakit, because he never lefts a friend behind. How much more si Athene na sobra pa sa kaibigan ang turing niya.
"H'wag mo akong ipagpapalit sa Sevence na iyon ha," pagbibilin ni Zag sa kalagitnaan ng yakap nilang dalawa.
Kumalas sa pagkakayakap ang dalaga sa dahil sa sinabi nito at mahina siyang hinampas sa kanyang balikat.
"Baliw ka talaga, syempre ikaw pa rin ang best friend ko, wala nang papalit sa pwesto mo," natatawang sagot nito sa binata.
"Best friend lang? pano kung pwesto sa puso mo ang gusto ko," mahinang bulong ni Zag.
"May sinasabi ka ba?" nakataas ang kilay na tanong ng dalaga.
"Wala, ang sabi ko mas pogi ako kay Sevence," pag-iiba nito.
"Wow ha! kapal talaga nito. Syempre mas pogi si Sevence crush ko 'yon eh,"
"Tsk! kaya ka bang bilhan ng napkin no'n?"
"Syempre hindi pa natin masasabi 'yan dahil hindi ko naman siya boyfriend ano."
"Sus! pinagtatanggol mo pa 'yong singkit na hilaw na 'yon," wika ni Zag na inaasar ang dalaga.
"Z-Zag, I ca-can't breathe," utal-utal na wika ng dalaga at tila hinahabol ang hininga nito. Nataranta naman si Zag dahil sa sunod sunod na pag-habol ni Athene sa kanyang hininga.
"Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tono ni Zag habang hinihimas ang likod ni Athene. Naiiyak na ang dalaga.
"Teka Thene! bumaba tayo, bubuhatin kita!" Hinawakan lang ng dalaga ang balikat ni Zag na tila nahimasmasan na ito. Bakas pa rin sa mukha binata ang pag-aalala.
"Thene?? uy?? tara na?" pero natigilan pa rin si Athene pero hindi na ganoon kahirap ang kanyang pag hinga.
"Okay n-na Zag, I'm f-fine,"
"Sigurado ka ba? kailangan malaman ni tita Sally ito." Akmang hahatakin na sana siya ni Zag para umalis sa roof top pero nagmatigas ito.
"Ayaw ko Zag! I want to watch the stars more." Walang nagawa ang binata kung hindi samahan ang dalaga. Isinandal nito ang kanyang ulo kay Zag at sabay nilang pinanood ang mga bituin.
"Bakit ba ayaw mong sabihin kay tita Sally?" nag-aalalang tanong ng binata.
"Alam mo naman si mommy 'di ba? kapag sinabi natin sa kanya, mag pa-panic 'yon, akalain no'n mamamatay na ako agad," napairap na lamang ang dalaga sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita na tila ba isang normal na pangyayari lamang iyong kanina.
"Kung sa bagay, pero kapag naulit pa iyon at kinapos ka ulit ng hininga, dapat nang malaman ni tita iyon okay?" Nag-nod na lamang ang dalaga at ngumiti kay Zag. Pakiramdam nito ay ligtas siya sa mga balikat nito.
"Zag, hindi mo ako iiwan ha. Kahit magka asawa't anak ka na, dapat naka buntot pa rin ako sa'yo." Naka ngiting bilin ng dalaga.
"Asawa't anak ka riyan, eh wala nga akong syota." Pagsusungit nito.
"Kung sa bagay, ang hina mo kasi eh." Kantyaw ni Athene. Napa-isip naman si Zag sa mga sinabi nito. Oo nga at mahina talaga siya. Kung hindi lamang sana siya isa't kalahating torpe ay sana naamin na niya ang nararamdaman niya para sa dalaga. Naunahan pa tuloy siya ni Sevence. Transfery pa ito kung tutuusin. Walang-wala ito kumpara sa ilang taong pagkakaibigan nila ni Athene.
"Hanapan na lang kita kung 'yan ang problema mo," suhestyon ng dalaga.
"Don't bother. I already found the one," Zag said while looking intently on Athene's eyes. He caressed her cheeks at namula si Athene sa ginawang iyon ni Zag.
"Huy ano ba, wag mo nga akong tinitingnan ng ganyan. Ang mabuti pa ay bumaba na tayo, mahamog na eh. May pasok pa tayo bukas."
"Sabado bukas, masyado ka namang hooked sa pag-pasok eh mali mali naman ang sagot mo sa answer sheets mo, si Sevence lang yata ang dahilan mo para pumasok eh," mapang-asar na wika ni Zag. Tumingkayad ng kaunti ang dalaga upang mabatukan si Zag dahilan para magreklamo ito.
"Ayan! nambabatok ka pa,"
"Bleehh!" nag make face pa ang dalaga at nagtatakbo pababa nga roof top. Napakamot na lang ng ulo si Zag sa inasal ni Athene.
Nang maka baba ito ay wala na ang dalaga. Marahil umuwi na ito sa takot na mabatukan din ni Zag. He looked at his wrist watch to check the time—alas nuwebe na at oras na para magpahinga. Hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari kanina sa dalaga. Nag-aalala pa rin ito pero ipinag-dasal na lamang niya na sana ay wala lang ito at nag kataon lang.
••••••••••••••••
Nagising si Athene dahil sa amoy ng nilulutong agahan sa kusina. Off din ng mommy niya ngayon dahil sabado. They're rich but Athene is a responsible kid kaya kahit iwan mo pa itong mag-isa—she can stand alone. Medyo sakitin lang ito. Mahahalata mo 'yon sa pangangatawan niya.
Bumaba na ito para i-check kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanyang mommy.
"Mom, that smells good." Inaamoy amoy pa ni Athene ang niluluto ng mommy niya.
"Ow, good morning sweetie! Eh kasi naman, itong amiga ko ay dadalaw daw ngayong umaga—so I prepared foods. Maligo ka na sweetie!" Sa ilang taong lumipas ay ngayon lamang yata sila nagkaroon ng bisita ulit. Naligo na lamang ang dalaga at nag paganda upang mag mukhang presentable naman ito sa harapan ng bisita ng mommy niya.
She wore her favorite floral pink smoked dress na above the knee—her shoulders were exposed in the thin air just like her legs. Napakagandang dalaga.
"Tawagan ko kaya si Zag?" wika ng dalaga sa kahanginan. Kasalukuyan itong nasa kwarto. Kinuha na lamang niya ang cellphone niya na nakapatong sa table malapit sa kanyang higaan.
Calling Zag...
"Mmm, Thene bakit ka napatawag?" halos kakagising lamang ng boses nito.
"Come over here Zag! May darating na bisita si mommy, awkward kapag ako lang mag-isa eh, I want you here." Demand ng dalaga na talaga namang ayaw ma hindi-an ni Zag.
"Fine, ligo lang ako." Saka pinatay na nito ang tawag. Ngumiti naman ng pagka-lapad-lapad na ngiti si Athene. Ilang saglit pa nga ay nariyan na si Zag. Inabangan talaga ito ng dalaga.
Pinagbuksan niya ito ng gate at halos mawala na ang mga mata nito sa kakangiti sa binata. Zag is wearing pipe shorts at naka sando lang ito. Nagulat nga siya dahil nakabihis pa talaga si Athene pero hindi niya maiwasang lalong mahulog rito. Mas lalo kasing lumutang ang kagandahan nito dahil sa kanyang suot.
"Ang pogi mo talaga best friend!" tsaka pinisil-pisil ni Athene ang pisnge nito.
"Ano ba Thene, tara na sa loob. Ano ba ang ginagawa ni tita sa loob?" pagtatanong ng binata habang papasok sila sa loob ng bahay.
"Ayun, hindi magkanda-ugaga sa niluluto niya, matutuwa iyon kapag nalaman niyang nandito ka," sagot naman ni Athene. Boto nga naman sa kanya ang mommy nito. Si Athene lamang talaga ang iba ang gusto.
"Zag! I'm happy that you're here! O siya sige, have a seat. Nasa labas na raw ang mga bisita ko," natatarantang sabi ng mommy ni Athene at pinatay na ang stove nila. Sumunod naman sila Zag at Athene sa sala upang makita ang bisita nila.
"Hi Selma! nako, ang tagal nating hindi nagkita." Nag beso-beso pa ang dalawa.
"Oo nga mare, I missed you! by the way these are my twins, Shiva and Sevence," pagpapakilala ng kaibigan nito. Walang kamalay-malay sina Zag at Athene sa sala kung sino ba ang bisita ng umagang iyon. Hindi nila alam ay kilala lamang nila ito.
"Wow ang ganda at guwapo naman ng mga anak mo mare, pasok kayo." malugod na pag anyaya ng mommy ni Athene.
Pag-pasok nila sa loob ay agad na natigilan sina Zag at Athene sa pagkukwentuhan at ibinaling ang atensyon sa kapapasok na bisita. Halos lumuwa ang mga mata nila nang makita kung sino ang isa sa mga ito.
"Sevence/Athene?" Sabay pa nilang bigkas. Nagulat naman ang mga mommy nila at tila hindi rin inaasahan ang pangyayari.
"Wait, do you know each other?" tanong ng mommy ni Athene.
"Yes mom, siya yung kinukwento kong nag-alok sa akin for a gig." Athene answered. Her mom is shocked and happy at the same time.
"Wow, tingan mo nga naman at ang liit ng mundo. Magkakilala pa ang mga anak natin mare!" Masayang boses ng mommy ni Sevence. Si Zag naman ay tahimik lang sa isang tabi.
"And who's that handsome guy? boyfriend ba iyan ng anak mo mare?" tanong pa nito.
"Well, he's her best friend, sana nga ay sila na lamang ang magkatuluyan." Natatawang sagot ng mommy ni Athene. Bahagya namang napangiti rito si Zag.
"Mommy stop it," nahihiyang suway ni Athene sa mommy niya at ibinaling ang tingin sa kambal ni Sevence na si Shiva. Panay kasi ang titig nito kay Zag.
"Hi Athene," nahihiyang bati ni Sevence sa dalaga. Ngumiti lamang ito sa kanya. Bothered kasi ito sa panay na titig ng kanyang kakambal sa best friend niya. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng inis. Para bang may mata siyang tutusukin any moment from now.
"Maupo ho muna kayo," alok ni Zag. Mabuti naman at nagsalita na ito. Ibinaling muli ni Athene ang mga mata nito kay Shiva na tila ipinako na ang mga mata kay Zag. Ito pa mismo ang naunang tumabi sa binata.
"Hi, I'm Shiva—you are?" mabungisngis na pagpapakilala ni Shiva.
"Zag." Naka-ngiting tugon ng binata at inilahad ang kanyang mga palad upang kamayan si Shiva. Busy naman ang kanilang nanay na nakikipag-kwentuhan rin sa isa't isa.
Matatalim na titig ang iginawad ni Athene kay Shiva. Kahit magkaharap sila ni Sevence ay halos mabali na ang leeg nito sa kakatitig kila Zag. Hindi nito nagugustohan ang pag-ngiti ng binata sa ibang babae.
"So Athene, willing ka bang tanggapin ang offer ko?" tanong nito. Marahil ang tinutukoy nitong offer ay tungkol sa pag gi-gig ni Athene sa mini-bar nila.
"Ow, oo nga pala ano. Sige, go na 'yon at sayang naman kung tatanggihan ko hindi ba, i love singing." Pag sang-ayon nito at pasimpleng tumingin kila Zag at Shiva na nagtatawanan. Tumaas ang kilay nito sa inis na hindi niya alam kung saan nanggagaling.
"Mabuti naman, kasi kung hindi ay magtatampo talaga ako sa 'yo," sabi nito at naka pout pa. Matatalim namang titig ang ibinigay sa kanya ni Zag.
"Don't they look good together?" Tanong ni Sevence sabay turo kila Zag and Shiva na masayang nagkukwentuhan.
"Hindi rin, I mean— Zag likes someone else." Depensa nito.
"Isn't it you?" Tanong muli ni Sevence na siyang dahilan ng paghagalpak nito ng tawa.
"Ano ka ba! syempre lalong hindi ako!" Napailing-iling na depensa nito at humigop ng tsaang inihanda ng mommy niya.
"So ayos lang na magustohan kita?"
Halos maibuga ng dalaga ang ininom na tsaa dahil sa pagkabigla sa sinabi ni Sevence.
"A-ano?!" Halos nabingi pa si Athene sa narinig. Hindi pa nito maabsorb ang mga pangyayari. Una ay magkakilala pala ang mga mommy nila, pangalawa ay nagtatanong pa itong si Sevence kung ayos lang ba na magustohan siya nito? Syempre ayos na ayos iyon sa dalaga.
Chapter 4"Mag-usap tayo Thene," mahinahong boses ni Zag na tila nais mag lambing."Ano ba ang pag-uusapan Zag?" she asked. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng bahay nila Zag at sabay na tinatanaw ang buwan at mga bituin."Gusto ko sanang klaro tayo tungkol sa Sevence na iyon," wika ng binata at ibinaling sa iba ang kanyang mga mata. Tila ayaw nito na mag tagpo ang mga mata nila ni Athene."Crush mo siya hindi ba? crush lang ba? baka naman nanliligaw na sa iyo ang tsonggo na 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Zag."Oo, crush ko si Sevence. Crush lang naman Zag eh kaya chill ka lang okay? isa pa ay hindi siya nanliligaw—magkaibigan lang kami." Saka nag thumbs-up ito sa binata. Hindi sumagot si Zag bagkos naka tuon lamang ang atensyon nito sa mga bituin."Zag, okay lang naman hindi ba?" pagtatanong ni Athene."O-oo naman, suportado ki-kita," mahinahon at uutal-utal
CHAPTER 3"Uy Zag! naka kain ka na ba?" Bungad na tanong ni Athene kay Zag na kasalukuyang nag-babasa ng libro sa library.Tapos na ang lunch time at vacant nila ngayon kaya sa library lang talaga mahahagilap si Zag sa mga oras na ito—alam ni Athene 'yon."Yes, I'm done. Kayo ni Sevence tapos na?" Malamig na sagot ni Zag."Yup! busog na busog nga ako eh, alam mo ba nilibre niya ko ng drinks, tsaka feeling ko ang bait bait niya." Masiglang pagkukwento ni Athene.&nb
CHAPTER 2"So kasama mo pala iyong Sevence kanina? iyon ba ang dahilan ng pag tawag mo sa'kin kagabi? na hindi ka sasabay sa akin dahil kayo ang mag sasabay?" Mahaba at malamig na sunod sunod na tanong ni Zag."Ano ka ba Zag? nag kataon lang 'yon kanina! at tsaka, hindi 'yon ang nais kong sabihin sa'yo kagabi." Inirapan ng dalaga si Zag at napa cross arms na lamang ito.Umagang umaga ay nag aaway sila sa classroom. Buti na lang at kaunti pa ang mga kaklase nila. Malamang ay late pa ang iba dahil may hang-over pa sa nangyaring event kahapon."Gusto ko si Sevence." Halos pabulong na wika ng dalaga.
The Last SongBy: Zenaya"Don't cry my love, I am as brilliant as the stars above, I will keep you always here in my heart."I will tell you a story about two strong hearts. Her name is Athene—a brave soul. Faced all her battles in life with Zag—A risk taker in love. Fate brought them together till he sang his last song for her.***"Zag! ang bagal mo naman! tara na mahuhuli na tayo!" Malakas na boses ni Athene ang umalingangaw sa labas ng bahay nila Zag. Magkapit-bahay lang ang dalawa at at halos sabay na lumaki sa Valenzuela. Apat na palapag ang bahay nila Zag. Kulay pula ang napakataas nilang gate at pag pasok mo sa loob ay sasalubong sayo ang sa