Binigyan niya ako ng isang malisyang tingin, "Ikaw a. Ang sabi ko mag-aral ka ng mabuti pero bakit may paganito?" "Hindi ko naman po alam, 'ma." pagdepensa ko. Kinurot uli ako ni mama't sinabing, "'Wag ka mag-alala. Okay lang sa akin. Basta anak, piliin mo yung taong mamahalin ka ng lubos a. Nako, ang pangit 'pag mali ang napili mo. 'Wag mo akong gagayahin." Napatingin ako kay mama, "Na saan po ha si papa?" Napabuntong-hininga si mama, "Hindi ko alam anak, basta ang alam ko lang sumakabilang-bahay na kasama ang magaling kong kaibigan. Ang kakapal, hindi ba?" Napasinghap siya't sinabing, "Pumasok na tayo. Masama ang inaalala ang nakaraan. Tara na." anyaya nito sa akin na siyang sinunod ko naman. Nang sumunod na araw, maaga akong pumasok. Pagkapasok ko ng classroom ay napansin ko agad ang envelope na nakaipit sa aking upuan. Tumingin ako sa paligid upang hanapin kung sino
Last Updated : 2020-09-13 Read more