"Ahh! Party party!" sigaw ni Marinda at hinila ako papasok sa kumpolan ng mga iba't ibang nilalang. Nagpatianod lang ako at nakasunod naman sa amin sila Dindi at Bongie. Ang kaninang maliwanag at eleganteng kapaligiran ay para ng naging isang night club. Puno ito ng Iba't ibang nilalang duwende, bungisngis, marindaga, aswang, tiktik, manananggal at marami pang iba, name it all. Nandito silang lahat, well, except dun sa dalawang mapagmataas na mga nilalang. Mga Kapre at Tikbalang. "Wooh!" masigla kong sigaw sa gitna ng iba't ibang nilalang. This is the life! Ito yung sana nangyari kung hindi lang dumating ang mga bwesit na tikbalang at kapre na yun! Wala sana akong ibang pinoproblema ngayon kundi paano ibebenta ang mga isda ko para makapagbayad sa tuition fees ko! Kung hindi lang sana sila dumating eh di sana hindi ko na kailangang maging maingat kung sino man ang mga hinahalubilo k
Last Updated : 2020-09-18 Read more