“Naloko na.” Malakas na tawa ni Math ang nangibabaw saka siya napaluhod sa lupa. Nanghihina kong ibinaba si Shein. Napaupo rin kami sa lupa, katabi ni Math.“Paanong...”“Iniwan nila tayo.” Napalingon ako kay Rhea. Malayo ang tingin niya. Sa isang iglap, lahat kami ay biglang nanghina. “Mga gago ang kaibigan mo.” Walang pakundangan na sinugod ni Kulas ng suntok si Math. Napahiga ito sa lupa.“Bakit? Tingnan mo nga at iniwan nila kami kasama ka. Hindi pa ba panggagago ‘yon?!” Giit nito. Akmang susuntukin ulit siya ni Kulas pero agad na akong pumagitna sa kanila. “Tama na. ‘Wag kayong mag-away, please.” Masamang tingin ang ipinukol sa ‘kin ni Kulas kaya nag-iwas ako ng tingin at inalalayan paupo si Math. “Nakikita kayo ng bata, at isa pa. May rason kung bakit nila nagawa ‘yon. Ang isipin na lang natin ay ligtas sila. Mga kaibigan natin sila ‘di ba?” Tining
Last Updated : 2020-09-26 Read more