Pinagmamasdan nya lamang ang kinikilos ng mga ito, natuon ang atensyon nya kay Songnara na magalang na nagmamano.“Lolo, nasa'n po si Isaac?” tanong nito sa matanda na agad din namang sumagot, dumako ang tingin nito sa kanya at ngumiti.“Iho, ayos na ba ang iyong pakiramdam. Hindi na ba masakit ang iyong ulo?” Tanong naman nito sa kanya, hindi s'ya nagsalita at tumango na lamang.Ngayon lang nya naramdaman na merong nag-alaga sa kanya, simula ng ipinanganak siya ay hindi nya na nakita ang kanyang ina kung kaya't nagpursigi s'ya sa lahat ng bagay para mapansin ng kanyang ama. Nagbago ang lahat ng iyon ng maging bampira s'ya na tinuon nya ang lahat para lamang maging isa s'ya sa highclass vampires.“Ate Anya, narito na ho ako” sigaw ng isang batang lalake na madungis at puno ng putik sa katawan.“Isaac, napaka-dungis mo na. Halika at maligo ka na” wika ni Songnara, agad naman nitong inasikaso ang bata
Last Updated : 2020-10-01 Read more