"SAAN KA galing?" Amoy alak si Shann nang dumating pero matino naman ito."Happy–happy lang. Nonsense." Saglit itong nawala upang kumuha ng damit pantulog sa closet nito at nang magbalik ay may dala ng tuwalya."Happy–happy sa loob ng tatlong araw? Ano iyon, fiesta?" Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakamasid sa bawat kilos ng lalaki."Oo. Fiesta nga," tila patianod lang na wika ni Shann."Ano ang pangalan ng barrio kung ganoon?"Natigil ang tangkang pagpasok ni Shann sa pinto ng shower room nang marinig ang tanong niya. "Rule number four, no interrogations, remember? Check your memory, Tat. You've probably lost it."Napaingos siya nang tuluyan na itong pumasok sa banyo. Muli siyang nahiga saka pilit na ipinikit ang mga mata. Hindi bale, at least ay umuwi naman ito. Makakatulog na siya nang mahimbing sa gabing iyon. KILITING-KILITI si Crisanta sa ginagawa ni Shann sa kanya. H
Last Updated : 2020-10-03 Read more