"WALA SIYA RITO."Hindi siya nakinig sa sinabi ni Jane at tuluy–tuloy na pumasok ng opisina, pilit hinahanap si Crisanta."Sir Shann, wala po siya rito...""But where is she, Jane? Huwag ninyo siyang itago sa akin!"Natameme si Jane at napatingin naman sa kanila ang lahat ng naroon."Wala po talaga siya dito..." Muling tinangka ni Jane ang magsalita subalit isang tinig mula sa likuran ang pumigil sa kanya."Hayaan mo na siya, Jane. Makulit talaga ang lalaking 'yan."Lumipad ang tingin ng lahat sa nagsalitang si Tat. Naniningkit naman ang mga mata ni Shann subalit naroon pa rin ang kasiyahang nakita nito ang dalaga."Where have you been? Halos isang linggo mo na 'kong pinagtaguan, narito ka lang pala!" malakas na tinig nito na buong–buong naririnig sa paligid."Wala ka sa imperyo mo kaya babaan mo ang boses mo, Haring Dorantes!" Hindi siya tumitingin habang al
Last Updated : 2020-10-03 Read more