Nag-uunahan sa pagtakbo ang mga tao, ang iba'y umiiyak sa nakapangingilabot na nangyayari at ang iba nama’y ‘di na magawang tumakbo sapagkat nilamon na sila ng rumaragasang baha na nagmumula sa dagat na tatlong kilometro ang layo mula sa bayan. ‘Di nila inaasahan na ang malakas na lindol ay susundan ng nakapangingilabot na Tsunami. Isa itong bangungot na gustong takasan ng sinomang makakasaksi. Tumakbo si Valcan at hinablot niya sa kaniyang kamay ang mga anak niya pabalik sa kotse. Ngunit sa pagmamadali naiwan ang susi sa bahay."Luis bantayan mo mga kapatid mo ‘wag kayo aalis dito isara ninyo mga bintana at babalik ako!" Bilin nito."Pa! ‘Wag mo kaming iwan!" Pakiusap ni Luis."Tatagan mo loob mo!" Bantayan mo sila!" Bilin nito. Lumingon si Valcan sa gawi ng ba
Last Updated : 2020-10-22 Read more