Elyssa POV * may consist brutal words*Papasok ako ngayon sa squatter area kung saan kami nakatira. Tagpi-tagping mga bahay ang nadadaanan ko. Lubak ang daan at may mga nagkalat na basura. Hindi ko matanto kung anong amoy ang umaalingasaw. Naghalo-halo na kasi iyon.Ganito ang pamumuhay na meron ako. Pamumuhay na kahit ilang beses kong gustong ibahin ay walang nangyayari. Para akong pinaparusahan dahil kahit anong kayod ko, kahit anong sipag at tiyaga ko, nakalugmok pa rin ako sa hirap. Gusto ko iyong takasan pero may mga taong nakakapit sa paa ko at pilit akong pinipigilan. Sabagay, hindi ko sila kayang takbuhan at taguan. Ikamamatay ko muna bago ko sila abandonahin at iwanan.Malapit na ako sa bahay at kagagaling lamang sa trabaho nang makasalubong ko ang ilang mga kabataan at kalalakihang nagtatakbuhan. Nagsisigawan at naghahabulan pa ang mga ito. Ang iba ay nakangisi at nagtatawanan habang nakatingin s
Last Updated : 2020-11-12 Read more